Chapter 9: Bar part 3

3.7K 156 2
                                    

Chapter 9: Bar Part 3

Patricia's Pov
Nagulat talaga ako sa transformation ni Louis. Mukha talaga syang babae eh, mas maganda pa nga sa mga ibang babae dyan ehh. Naloloka din ako sa mga kuya ko, kanina pa nila tinitignan 'tong si Louis yung bang kakaibang tingin. Hmmmmm,  I smell something fishy. Magkakaroon nadin ako ng sing ganda kong sister-in-law. Nakaka-excite!!! Kahit kanino kila kuya na mapapangasawa niya boto ako.

Back to reality. We are here at the bar. Papasok na kami sa loob.

"Hi Sir mukhang may kasama po kayong bago ahh." Tanong ng bouncer sa club na pinuntahan namin kay kuya Ron. Si kuya Ron kasi ang may ari ng bar na to. May iba pa syang branches sa iba't ibang parte ng mundo. Yaman ng kuya ko noh!

"Ah yeah. And I hope habambuhay ko na syang makakasama." Sabay ngisi nito kay Chuchay.

"Ehem! Youre wasting our time bro. Let's go inside." Puna naman ni Kuya Ruru. Naunang pumasok ang mga kuya ko at nagpahuli kami ni Louis, syempre for exposure. Habang naglalakad kami lahat sila napapalingon sa akin or should I say sa aking katabi na si Chuchay. Napapa-wow ang mga kalalakihan at yung iba ay napapatulala. Syempre di mawawala ang mga babae at maging ang mga baklang insekyora sa kagandahan namin, kaya tinataasan ko nalang ito ng kilay. Itong katabi ko naman, manghang-mangha sa kanyang mga nakikita.

"Sissy, your poise. Yung tinuro ko sayo." Utos ko dito. Pano nawawalan na sya ng poise kakatingin sa paligid niya. We should be the star for tonight.

Louis Pov

Wow! Ang ganda pala dito sa bar. Andaming lights na iba-iba ang kulay. Madami ding mga taong nagsasayaw sa saliw ng musika. Yung iba naman nagiinuman pero nakakagulat lang may mga tao ding naghahalikan kung saan saan. Diba dapat mag-asawa lang ang nagkikiss? Minsan kasi kinikiss ni papa si mama pag pupunta na sya ng work at pag-uwi. Habang naglalakad kami ni Pat ay panay ang tingin ng mga tao sa amin. Huh? May mali ba sa suot ko? Si Pat lang naman ata ang nagagandahan sa akin eh.

Dumiretso kami sa isang couch, nandon na sila Ruru, Ron at Markus na may kasama na kaagad na mga babae. Huh? Kakilala ba nila yang mga yan? Siguro nga.

"Oh so I think makakaabala tayo Chuchay sa aking mga kuya. We should find another seats." Nagpalinga-linga si Patricia at nalinga siya sa mga grupo ng kalalakihan.

"Hmmmm... I already found seats for us Chuchay. Come on lets go, this will be great!" May tono pang pagkasabi nito. Dirediretso kami hanggang makarating kami sa mga grupo ng  mga kalalakihan. Teka? Bakit dito? Di naman namin sila kilala ah.

"Hi boys!" Pagtawag pansin ni Pat sa mga kalalakihan. Napalingon silang lahat at napa "WOAHH" di naman sila mukhang nakakatakot at sa tingin ko eh mabait naman sila, tsaka pogi din katulad nila Markus.

"Owww, hi beautiful ladies." Sabi ng isang katangkaran na lalaki na siguro ka age ko lang oh mas matanda ng 1 or 2 years sa akin, at gwapo sya ha. Sya nga ang pinaka pogi sa kanila ehh. Ihhhh. Naku! Ano ba 'tong pinagsasasabi ko.

Agad niya namang inabot ang aking kamay at akmang hahalikan ito ngunit binawi ko kaagad.

"Ah-ehh-uhmm nice to meet you." Sabi ko dito at alangang ngumiti.

"I'm Abbi Drake Reyes, Abbi and you." Tanong niya sa akin.
"H-hi. I'm Louis. Louis Matthew Santos, but you can call me Chuchay." Sabay ngiti ko sa kanya.  Nakita ko namang namula ito.
"Ehem, Hi Chuchay Im Simon Troy." Pakilala ng isang lalaking cute. Ang cute niya.
"I'm Stephen Esteban." Pakilala ng isang lalaking medyo may kahabaan ng buhok pero di naman sobrang haba yung panglalaki.
"John David Cohen" pakilala ng isang lalaking iba makatingin. Kaya iniwasan ko nalang ng tingin.
"Ehem- ako naman si Patricia Gino Montecarlos, hi guys!" Pagpapakilala ni Pat sa mga lalaki pero di sya nito pinansin.

Captivated By Beauty( GayxBoy/BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon