Chapter 8: Bar Part 2

4.1K 160 5
                                    

Louis Pov

"Bar?" Tanong ko sa kay Pat.

"Yes! Isn't exciting?" May pakurap-kurap ng mata pa nitong turan.
"Ano namang gagawin natin dun?" Tanong ko ulit sa kanya. Kasi sa mga napapanood ko sa TV ehh pumupunta sila dun para uminom ng alak. Di naman ako umiinom ng alak.

"Seriously teh? Syempre, pupunta tayo dun para mag party-party." Di naman ako mahilig sa ganyan.
"Ikaw nalang sigh to Pat. Di naman ako pumupunta ng mga ganyang lugar." Reklamo ko sa kanya.

"What? No, dapat ang kagandahan di dapat tinatago yan, we have to flaunt it! You know, tsaka you have to experience those things para masabi kay tao." Paliwanag nito. Kelangan ko nadin sigurong mag-explore at mag try ng bago.

"Ok! Cge na. Sasama na ako." Pagkasabi ko nito ay sya namang pagkinang ng kanyang mga mata.

------------
"Ano yang suot mo Teh! My gosh. Pupunta ka ba ng bukid?" Tanong nito. Naka jacket kasi ako at naka Pajama with matching super cute na tsinelas ko, anong masama dito? Ang cute kaya.

"Bakit? Maganda naman ahhh"

"Definitely not Louis! Come to my room! Aayusan kita!" Sabay hila niya sa akin sa kanyang room. Pinaa-upo niya ako sa kama at sya nama'y nangalkal sa kanyang damitan.

"Try this." Sabay abot sa akin ng damit. Sinukat ko naman ito. At paglabas ko.

"Wow!Chuchay you really look like a girl! I can't believe it. You have a very sexy and petite body just like a woman. Kinabog mo po ako!!!! Pero may kulang. Wear this." Sabay abot niya sa akin ng bra.

"Totoo susuotin ko din to?" Tanong ko sa kanya.

"Come on Chuchay. Wear it!" Wala na akong magagawa at sinuot ko na din. Tsaka ako nagsuot ng heels. Sa una ay natumba tumba pa ako pero afterwards natutunan ko din sya.
Tinuruan niya din ako ng tampang poise. Malay ko ba dyan sa sissy kong to. Nakakaloka siya.

"Now. May kulang pa." Habang hawak hawak nito ang kanyang baba.
Pinaupo niya ako sa harap ng salamin na puno ng ilaw sa gilid nito at may mga makeup sa lamesa nito. Tinakpan niya yung salamin para surprise daw. Naglagay sya ng kung ano-ano sa mukha ko. Di ako sanay sa ganito na nagmamakeup, sigurado maganda ang kakalabasan nito, nagpray pray nalang ako kay god habang hinihintay na matapos ang ginagawa ni Pat sa mukha ko. Ng matapos syang magmakeup, kala ko tapos na ngunit may kinabit pa syang wig sa ulo ko.

Tumayo ako at pinaharap niya sa salami  na makikita ang buog katawan ko.

"Wahhhh!! Si-sino yan? Ang ganda niya naman." Tanong ko kay Pat ng makita ko yung salamin. Sino kaya tong babaeng to. Ang ganda ganda niya.

"Chuchay youre so funny talaga. It is you Chuchay!" Natatawang sabi nito sa akin. Weeehh?? Nagjojoke ba sya? Bakit ang ganda ko naman ata. Simple lang yung makeup niya. Press powder, kilay, mascarra, nude pink lipstick and tada, ang ganda ko na. Sabayan mo pa ng suot kong itim na dress na 5 inches over the knee na fit na fit sa katawan ko. Kaya naman kitang kita ang kurba ng aking katawan. Sleeve less din ito at backless, kaya naman kitang-kita ang skin kong sobrang puti at kinis.

"Nahiya na tuloy ako Chuchay. Mas maganda ka pa sa akin ehhh. Kinabog mo na ako ng bonggang bongga." Papuri sa akin ni Pat.

"Hindi naman. Pero salamat." Nakakahiya naman. Naku baka makita ako ng mga amo kong lalaki ehh mapangitan sila sa akin. Mapilit kasi tong Patricia nato ehh.

(Guys tignan niyo sa multimedia yung outfit ni Louis. Kabogera ang ate niyo.)

"Let' s go na!" Pag anyaya sa akin ni Pat.
Bumaba kami pagkadating namin sa sala ay naabutan namin ang tatlong lalaki. Nakuuu nakakahiya.

Captivated By Beauty( GayxBoy/BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon