Chapter 1: Hidden Feelings

6.6K 200 1
                                    

"Bes uuwi na ako ha, lam mo naman strict ang parents ko."

"Kaw talaga Baks. Bakit kasi di ka pa umamin sa mga parents mo ha?" Ayan nanaman ang kaibigan kong si Kim, Kim Chavez, isang beki din sya katulad ko. Siya at ang isa ko pang best friend ang may alam ng tunay kong pagkatao.

"Alam mo naman si papa. Tiyak! Itatakwil ako nun." Di ako sang-ayon. Matagal ko nang gustong sabihin sa mga magulang ko to pero si papa kase, tiyak na hindi yun pabor. Ayaw niya ng may lalamya-lamya.

Bata palang ako ay sinasabi niya na na wag daw wakong magbabakla. Nung una di ko siya maintindihan, pero nung na-feel ko na, parang na gets ko na si papa. Ewan, tinatak niya kasi sa isip ko kaya siguro heto ako ngayon. Ako nga pala si Louis Matthew Santos, 17 years old. Yeah, tama kayo ng iniisip, isa po akong proud gay. Sabi nila mukha daw akong babae, dahil na rin sa maputi at makinis na balat katulad ng isang babae, petite na pangangatawan at pati hulma ng mukha ay babaeng babae, pero pag sa harap ng parents ko di ko pinapapahalata lalo na kay daddy. Hanggat kaya kong itago itatago ko ito.







"Uuwi ka na ba? Hatid na kita" yan yung isa ko pang friend si Kyle Llabres. Straight siya, lalaki, mas matuwid pa kesa sa pole.

"Sige ba. Ako pa ba tatangi."

At hinigit na sya papunta sa kotse niya. Agad ko namang binuksan ang pinto sa passenger's seat at pumasok na.

"A-ahm, l-louis."

"Hmmm, bakit Goyong?" Yan tawag ko sa kanya.

"May s-sasabihin lang a-ako. Ka-kasi..."

"Ano yun"

"Kasi..."

"Ano nga? Sabihin mo na kase Goyong."

"M-may gusto..."

*Kringgggggg*

"Ay butiki!"

Nagulat ako dun ha. Sino ba tong tumatawag na to?

"Hello"

"San ka?! Bakit wala ka na dito sa school!? Sinong naghatid sayo?!"

Aray ko bakit ba sya sumisigaw?

"H-hello k-kuya Emilio. Sorry di na ako sumabay sayo kase inaya na ako ni Kyke."

Natatakot talaga ako sa kuya kong to. Si kuya Emilio Francisco Santos, dalawa lang kaming anak sya ang panganay at ako naman ang sumunod. Napaka-over protective niya. Ayaw niya kasi na di ako sumasabay sa kanya, ayaw niya ring may kasama akong lalaki. Isa narin ata yun sa naging dahilan kung bakit naging bakla ako. Haler puro babae kaya friends ko from kinder until now. Si Kyle ngalang naging boy bestfriend ko ehh.

"Sabihin mo lang Louis kung may relasyon kayo ng Kyle na yan ha. Bakla ka ba?"

Bigla akong nakaramdam ng takot. Nahahalata na niya kaya? Naku wag naman sana baka sabihin niya kila papa, naku lagot ako nito.

"H-hindi po kuya. Barkada ko po yan. Lalake po ako di kami talo" pagsisinungaling ko kay kuya.

"Dumeretso kayo kaagad sa bahay ahh. Magaabang ako dito sa pinto."

Hayyyy. OA naman para naman akong babae kung protektahan. Binaba na niya ang tawag.

"Ahh, sorry Goyong si kuya kasi hinihintay na pala ako sa bahay."

"Sayang aayain pa naman sana kita kumain."

Nakurrr sayang yung food. Huhu.

"Ano na nga ulit yung sasabihin mo?" Tanong ko sa kanya.

"W-wala. May gusto ako sayo, manhid ka lang."

Hanu daw? Di ko naintindihan yung last. Promise!

"Ano sabe mo?

"Wawala"

Andito na kami sa tapat ng bahay namin. Well malaki naman ang bahay namin kase may kaya naman kami sa buhay. May kumpanya kame na pinapatakbo ni papa at mama.

At ayun nga nasa tapat ng gate at naka busangot ang aking kuya.

"Oh! Bakit ang tagal mo?_

Huh?! Yung totoo? Ang bilis nga magpatakbo ni Goyong tapos sasabihin ng magaling kong kuya na matagal kami. Hustisya nasan ka?

"Ang bilis nga po namen kuya ehh."

At umiling iling pa ito na tila hindi sang-ayon.

"Sige paalam Chuchay." Pamamaalam ni Goyong sa akin.

"Alis na po ako kuya Emilio." Magalang nitong pamamaalam kay kuya.

" mabuti pa nga umalis ka na. At ikaw Louis, pumasok ka na sa loob at maguusap tayo."

Utos ni kuya. At pinaliksihan ng mata si Kyle.

"Bye Goyong"

Saka ako hinigit ni kuya paloob ng bahay.

--to be continue--

Captivated By Beauty( GayxBoy/BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon