Walang tigil kong inaayos ang suot kong red backless dress na isang araw sa isang linggo ko pang plinansya. Kahit kanina sa sasakyan ay panay ang hawi ko nito para lamang hindi malukot.
I looked at my reflection on my watch and checked my face for imperfections. I smiled as I didn't see anything that could make me ugly.
"Mikasha, bababa na tayo," imporma sa akin ng aking ina.
"Okay po," tuwa kong sagot.
Sabay kaming lumabas ng sasakyan nang tumigil ito sa harap ng entrance. I bended to avoid my head getting hurt. Grade eight pa lamang ako ngunit 5'8 na ang height. Some bullied me because of my height but I was never affected of it. I knew that this kind of height was ideal.
I prevented myself from being petite dahil magmumukha akong kalansay no'n. Some said I had a good figure at this age that made me continue taking care of myself.
I quickly glanced at my right side and I saw the line of guests for tonight. My mouth hanged a bit open, ganito karami ang makasasalumuha ko.
My mother gently pulled my left wrist that made me look in front. The entrance wasn't typically designed.
It was wider and the gold linings made it glitter. Everything seemed expensive from here. I got excited, looking forward to what was inside.
Ito na ang araw na aking hinintay, ang makita at makilala ang buong angkan ng mga Zorron... kaya naman ganito na lamang ako kung umasta. Once in a blue moon lamang itong chance na ito kaya naman ay balak kong sulitin na.
Kung bakit ako, kasama ng aking ina, makikipagkita sa mga Zorron ay dahil launching ngayon ng bago nilang branch ng casino. Marami na itong branches sa Europe, America, Russia at kung saan-saan pa bukod rito sa Pilipinas.
They only had high-end hotels here in the Philippines. Ngayon lamang talaga nila napagplanuhang magtayo ng casino rito... and guess what? Sobrang patok agad!
Nandito kami ngayon ng aking ina, ang sekretarya ng vice president na si Mrs. Olivia Zorron, sa entrance ng casino.
Sa pagka-aalam ko ay tatlo na ang kanilang anak; ang panganay na si Lucre Marcus, ang ikalawa na si Mikael Trojan at ang bunso na si Lierre Zorron.
I came prepared, of course.
Hindi namin sinundan ang mga taong bisita dahil sa ibang daanan kami tumungo. I observed every shiny things along our way. The casino was full of royal red and gold, my young soul loved how the two majestic colors mixed to create such paradise.
Maya-maya lamang, na sa harap ko na ang mga Zorron. I tried so hard to stay calm! They were all proper and fancy looking, halata talagang mayaman sa unang tingin... kahit ang mga mas matatanda sa aking pinsan nila ay sobrang g'wapo't magaganda.
"Sabrina! Buti at naka-survive kayo roon sa ibaba," si Mrs. Olivia iyon, ang bise presidente.
"Opo nga po, ma'am. Sobrang successful po nitong branch ninyo," puri ni mama.
"Siya ba si Mikasha?" excited na tanong ni Mrs. Olivia.
Goodness, kinukuwento pala ako ni mama sa boss niya? Hindi ko alam kung ikatutuwa o ikakakaba ko ba iyon.
"Ay, opo. Mikasha, siya ang boss ko, si Ma'am Olivia," sinabayan ko pa si mama sa huling sinabi.
"Hi, ma'am! Ang ganda po ninyo," puri ko at naglahad ng kamay.
Magiliw niya itong tinanggap at tinawag ang kanyang mga anak.
The excitement I felt earlier was gone and replaced by nervousness. Ipakikilala niya sa akin ang tatlo niyang mga anak na matagal ko ng ini-stalk! God! Para akong nakakita ng artista sa tuwa.
BINABASA MO ANG
Love Out of Lie
General FictionThe Zorron Series #3 | under revision The night after Priscilla Mikasha Duran met the Zorron family, she instantly laid eyes on Mikael Trojan Zorron, the ever so mysterious yet attractive among all. Mikasha believed she could get anyone with her fl...