Chapter 19 | Ending
Una kaming sumakay sa Ekstreme Tower Ride bilang warm up ayon kay Trojan. Wala naman akong naging problema roon dahil hindi naman gaanong nakakatakot ang ride.
Literal na ihuhulog ka lang naman mula sa taas. Ano pa bang katatakutan ko, nahulog nga ako sa taong hindi ako gusto.
Ako ang may hawak ng mapa ng amusement park kaya laging dumidikit sa akin si Trojan upang tingnan kung saan ang susunod na maganda.
"Do you want here?" tanong niya sa akin at tinuro ang bandang iyon sa mapa, "or where do you want next? Kanina mo pa ako hinahayaang pumili, ikaw naman."
Mabagal kaming naglalakad sa gitna ng malawak na daanan dahil iniisip pa namin kung saan magandang sumakay.
"Wala namang problema sa akin kung saan mo gusto. Suki na ako rito mula pa noong bata ako," I said.
"Okay, then," he paused, "I want to try Air Race, but it's going to turn 360 degrees... let's just try Disk-O-Magic."
Mabilis ko siyang nilingon at sinabing, "Okay lang naman ako sa Air Race, doon na muna tayo!"
Tinaasan niya ako ng kilay at palabang sumagot, "Really? Remember what happened to you before sa Dream Twister? You couldn't even read the menu properly."
"That was before," I defended myself, "and that was the first time I ever felt weak after riding an extreme ride. Kinaya ko naman, 'di ba? Buhay pa rin ako!"
Trojan laughed, "Okay, fine. If you say so... huli nating sakyan 'yan."
"Bakit huli pa? Minamaliit mo ba ang kakayahan ko, ha?" natatawa kong tanong.
"Just in case you pass out, at least we're done riding everything," pang-aasar niya pa.
"Napaka-caring mo talaga, 'no? Hindi ka ba makaka-surive ng isang araw ng hindi nang-iinsulto?" biro ko sa kanya.
"I think it runs in our blood. My sister also loves insulting and annoying others and that includes me," sagot niya na parang litong-lito, "pero pareho rin kaming mabilis mapikon."
"Halata nga. Ang laki mong pikon," tawa ko, "napansin kong kapag naka-rebat ako sa 'yo at wala ka ng masabi pa, sisimangot ka na lang."
"That's better than cursing you," he reasoned.
I made a mocking face and told him, "Pwede mo naman akong murahin basta in a friendly way... tutal mukhang sa friend zone din naman ang tungo ko sa buhay mo."
"Uh huh? So new method mo na ngayong mang-guilt trip?"
"Hoy!" agad ko siyang hinarap para lang depensahan ang sarili, ngayon ay patalikod na akong naglalakad, "hindi ako nangg-guilt trip, okay? Sinasabi ko lang ang tingin ko. Besides, it was a joke."
"Okay, thank goodness it was a joke."
"Paasa ka lang talaga," tawa ko muli.
Hindi na siya muling nakasagot dahil hinila ko na ang kanyang kanang braso patungo sa Disk-O-Magic. Mabuti na lang at mukhang kasama pa kami sa susunod na batch.
Hindi na namin kinailangang maghintay pa ng matagal. Ayos din 'tong araw na napili ni Trojan, mainit nga lang pero mukhang okay lang kay Trojan ang mainitan.
"What were doing earlier anyway?" he asked me while we waited for our turn.
I was tying my hair in a ponytail when I answered, "Nir-review lang ang presentation namin for Entrepreneurship."
"Oh? You took ABM?"
"Oo, ikaw ba?" I asked back.
"I tried STEM..."
BINABASA MO ANG
Love Out of Lie
General FictionThe Zorron Series #3 | under revision The night after Priscilla Mikasha Duran met the Zorron family, she instantly laid eyes on Mikael Trojan Zorron, the ever so mysterious yet attractive among all. Mikasha believed she could get anyone with her fl...