Chapter 23 | Thoughts
"Pupunta pala ako bukas, ma, sa Luneta. Gagala kami ni Reon," I informed mom over the phone.
"Oh sige lang, Mika, basta huwag kang magpagabi. Uuwi rin ako sa Linggo, konti na lang pala ang kailangan kong asikasuhin dito sa bago nating bahay."
My eyes slightly widened. "Nandiyan ka na ba, ma?"
"Oo, kadadating ko lang. Na sa fast food ako ngayon, kakain ng almusal."
"Ah, kaya pala parang na sa labas ka. Sige na, ma, ibababa ko na 'to. Magluluto na rin ako ng agahan ko. Ingat diyan!"
"Ikaw din, mag-ingat," tipid niyang paalala bago namin tuluyang tinapos ang tawag.
Kaninang madaling araw si mama umalis para bisitahin ang bago naming bahay sa Batangas. Kagabi ko rin nakausap si Reon at kinuwento ko sa kanya ang naging drama namin ni Ji.
Noong una ay tahimik lang siyang nakinig. Mas ayos nga iyon sa akin dahil kay Reon ko lang nailabas 'yong mga salitang gusto kong sabihin kay Jijinia.
"Siguro nga mali talaga ako at hindi ako agad mapapatawad ni Ji... pero Reon, hindi ko lang maisip na gano'n pala kasakit ang ginawa ko para kay Ji."
"You know what I think?" Reon finally said something.
I was waiting for her to say her opinion about this because I felt like I needed someone else's view to enlighten me. Sa totoo lang ay sakto rin ang pagsalita niya dahil nauubusan na ako ng sasabihin. Ramdam ko na ring mabigat na ang aking mga mata at minu-minuto na akong napapahikab.
"I get Jijinia's point. It's disappointing naman talaga to discover that the first-ever person to be your friend has lied to you for years, and that person's a coward for running away. I understand her frustration, but... don't you think it's too much to use that as a reason to make your remaining high school days there miserable?"
Saglit akong natahimik at napatulala na lang sa kawalan. Sarado na ang ilaw ng aking kwarto kaya wala akong makita sa paligid.
"I think it's childish and so immature. Oo, mali mo 'yong 'di mo agad sinabi, but you never had the intention to fool her. You wanted her to just forget it eventually. Could there be another reason behind her hatred towards you? Or maybe none, she just got overwhelmed by her emotions?"
Gumulong ako sa aking kama. "I don't know..."
"Of course, how would you know? You weren't with her last year," tamad na sabi ni Reon. "Basta para sa akin, she doesn't need to go that far. Maybe her new friends brainwashed her or something, based lang sa innocent personality niya."
"Pareho pala tayo ng iniisip kung gano'n..." pag-amin ko dahil iyon din ang laman ng isip ko mula kanina.
Paano pala kung kagagawan talaga ng mga kaibigan niya 'to lalo na't ang iba roon ay may hinanakit sa akin?
"I like to say that you two should talk about it again, this time in a peaceful way, but I think it'll be a bit difficult for you."
Napapikit ako dahil tama si Reon. Gusto kong magkaayos kami ni Ji bago ako umalis, kahit hindi na mabalik ang pagkakaibigan namin, pero paano kaya kung lagi siyang nakadikit sa mga kaibigan niya? Baka mapasama pa kung akong mag-isa ang lalapit.
Ngayon ay Biyernes na at sabi ni Reon, nakatulog na lang daw ako kagabi habang kausap siya. Ayaw ko na sanang isipin pa ang problema namin ni Ji dahil parang wala naman na talaga akong magagawa, pero kung wala na naman akong gagawin—kailan naman kaya?
Napansin kong maraming pagkakataon nga akong sinayang nitong mga nakaraang taon kaya hanggang ngayon ay may pagsisisi pa rin sa aking puso.
Kailan kaya ako matututo? Ilang pagkakamali pa ba bago ako madala? Bakit kasi ang hina ko pagdating sa ganito? Bakit kasi ang paglayo lang ang kaya ko?
BINABASA MO ANG
Love Out of Lie
General FictionThe Zorron Series #3 | under revision The night after Priscilla Mikasha Duran met the Zorron family, she instantly laid eyes on Mikael Trojan Zorron, the ever so mysterious yet attractive among all. Mikasha believed she could get anyone with her fl...