Chapter 8

1.1K 58 13
                                    

Chapter 8 | Pretty

Maaga akong nakatanggap ng mensahe mula kay Jijinia ngayong Lunes. May biglaang groupings daw kasi sila sa Music, sa likod lamang ng school. Hindi na muling uuwi si Jijinia kaya nais niya raw akong pumunta pagkatapos ng practice nila.

She said she'd treat me sa 7/11, agad naman akong nag-suggest ng ibang lugar dahil mula nang naging dating place nina Queen at Jez iyon ay naging allergic na ako roon.

I ate breakfast and like the usual, tulog pa si mama dulot ng trabaho. Gustuhin ko mang maging sweet na anak at maghatid ng kanyang almusal, hindi p'wede. Whenever mom was resting, she didn't like any distractions.

After I ate my breakfast, I arranged my things for school and took a bath after. Madalas na tahimik ang aming tahanan dahil dalawa lang naman kami ni mama rito.

I didn't tell my father what his friend did to me that night kasi siya rin naman pala ay tulad ng lalaking iyon. He won't understand me or maybe he'd choose not to understand me... either way, it'd surely hurt me.

When mom arrived that night, I confessed to her what happened with trembling lips and shaky hands. My eyes couldn't stop crying.

Akala ko nga'y hindi maniniwala si mama dahil halata ko talaga sa kanyang mahal niya 'yong gago kong tatay. Bata pa ako noon pero may parte sa aking siya ang sinisi sa naranasan ko.

Pero napag-isip ko ring nahirapan din si mama noon. Mahal niya nga kasi kaya kahit ang daming pagkakamali, nagpatawad. Buti na lang at nang natapos kong sabihin kay mama ang nangyari, ako ang pinili niya. Sarili niya na ang pinili niya.

"Aalis kayo?" may halong kalasingan pa sa boses ni papa nang naabutan kaming paalis na sa bahay.

Wala siyang nakuhang sagot mula kay mama at nagpatuloy lamang kami sa paglakad.

"Sabrina!" tawag pa niya, "anong problema?"

"Anong problema?" my mother hissed, "ikaw, ikaw mismo ang problema. Mikasha told me what your friend did to her. You probably didn't know because you barely cared for our child. Noong binalikan kita, inakala kong nagbago ka. Inakala kong kaya mo na ngayong maging responsableng ama."

"Binalikan kita dahil mahal kita at karapatan mong makilala si Mikasha dahil tatay ka niya... pero sinabi ko rin sa 'yong isang pagkakamali lang, aalis kami. Hindi ako tanga, hindi bobo ang anak ko—"

"Sabrina!" may pagmamaka-awa pa sa boses niya ngunit halata namang pilit, "mapag-uusapan pa 'to ng mabuti. Hindi ko alam ang sinasabi mo—"

"Ano ba, Greg? Hindi na tayo mga bata pa para maglokohan dito. Aalis na kami," mom declared.

"Saan kayo pupunta?" he mocked, "walang mag-aalaga sa anak mo, Sabrina—"

"Sumusweldo ako ng higit pa sa kinikita mo, may sarili akong tahanan sa Maynila. Marami akong kaibigang mas maaasahan pa kaysa sa 'yo," mom hissed and we totally went out.

Sirang sira ako noon.

Tipong hanggang ngayon, kahit okay lang naman ako at nakalayo na, hindi pa rin buo.

Good thing mom didn't find another man. Sawa na rin daw kasi siyang magkagusto tapos sa dulo, mad-disappoint lang. Maybe she was really born to be a career woman daw.

As her daughter who has seen it all, I understood and just supported her. Anyway, masaya kami. May maayos at tahimik kaming tahanan, she let me study in a private school, she fulfilled her duty as my mother, she provided our daily food and she loved me.

Bandang ten thirty akong lumabas ng aking kuwarto, naka-uniporme na at dala ang bag. Napa-angat ng tingin si mama sa akin, pababa siya ng hagdan mula sa kanyang kwarto.

Love Out of LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon