Chapter 22 | Miserable
Nawalan ako ng gana sa buong araw dahil sa nangyari. I never learned from what happened. I even opened my other social media accounts just to find out he also blocked me on those.
I thought I wasn't capable of feeling so much pain after everything I'd been through, but I did, and to be honest, this one seemed the worst of all.
Why did it have to be me who suffered much more? Why was it so simple for him to block me as if we didn't know each other? How come it was easy for him to turn us back into strangers?
I hated myself the most. I was the one who proposed this idea so that I could finally move on from him and focus on myself, but the pain came back to me like karma.
I knew I shouldn't take back what I said just because I regret it now and I should never beg Trojan to unblock, more so, to come back to me. That could be my lowest point and I didn't want that to happen.
I hated myself for being so vulnerable. I hated that I let myself get hurt by some guy that didn't even like me!
Sa aming dalawa ni Trojan, ako nga dapat ang mamblock sa kanya! Talagang hindi niya pinalampas ang pagkakataong iyon para tuluyan kaming mawalan ng koneksyon.
Sana hinayaan na lang muna ako saglit ng mga tao sa aking paligid mag-emote dahil walang wala na talaga ako sa sarili. Sa araw na ito ay puro maling recitations ang nasabi ko at kanina pa sa Finance subject namin ay hindi na talaga ako nakasagot. Hindi nga ako agad nakatayo noong tinawag ang pangalan ko.
Nakahawak ang pareho kong kamay sa gilid ng aking palda habang pinapakinggan ang tanong para sa akin para sana pigilan ang pagnginig ng mga kamay.
"Given the situation: you are a financial manager and your company doesn't want to finance its working capital through short-term and long-term sources. What are you going to specifically do to meet your company's working capital requirements?"
Napalunok ako at halos hindi nasundan kaya naman pinilit kong intindihin sa pangalawang banggit ng tanong. Kailangan kong sagutin ang tanong sa loob ng isang minuto pero natapos na lang ang pag-ulit nito sa akin ay hindi man lang ako nakapagsalita.
Nagtitigan lang kami ni ma'am at kahit may mga hint na siyang binigay para tulungan ako, wala pa rin akong naisip na pwedeng isagot. Napayuko na lamang ako nang marinig ang tunog ng timer ni ma'am, hudyat na tapos na ang pagkakataon kong sumagot.
Kilala naman ako ng guro at alam niyang hindi ako madalas ganito pero nakakahiya pa ring hindi ako nakasagot sa unang pagkakataon sa klase niya. Dumaan pa ang disappointment sa kanyang mga mata na mas nagpababa ng aking loob.
No matter how hard I tried to stay attentive for the rest of the class, my mind didn't cooperate. I wasn't particularly thinking of something or someone, my mind was rather blank to the point that I couldn't keep up with the world around me.
I wanted to make an excuse just to go home already, heck, I shouldn't have attended school today in the first place. Ang ginawa ko lang yata buong araw ay ang magdasal na sana matapos na ang klase. Kota na ako sa mga nagawa kong kapalpakan ngayong araw kaya sana matapos na 'to.
Sobrang bad timing lang dahil sumaktong hell week na namin ngayong nagdadrama ako. Gustuhin ko mang pilitin ang sariling maging okay, hindi talaga epektibo.
"Kairita naman, Mika," I whispered to myself while flushing the toilet. "Hanggang mamayang gabi na lang 'tong drama mo, ha. Itutulog mo na lang ang lungkot tapos bukas balik normal na ulit! Grades mo ang nakasalalay, uy!"
Binuksan ko ang pinto ng cubicle na ginamit ko at lumabas. Saglit akong napahinto dahil si Jijinia ang una kong nakita pagtaas ko ng ulo sa malapad na salamin. Nabitin sa ere ang magkabilang kong mga kamay na agad kong binaba dahil ang awkward.
BINABASA MO ANG
Love Out of Lie
Ficción GeneralThe Zorron Series #3 | under revision The night after Priscilla Mikasha Duran met the Zorron family, she instantly laid eyes on Mikael Trojan Zorron, the ever so mysterious yet attractive among all. Mikasha believed she could get anyone with her fl...