Chapter 24 | Goodbye
Hinayaan ko lang ang aking sariling magpahinga buong hapon. Nagluto naman ako ng aking hapunan noong nakaramdam ng gutom.
Hindi pa muling tumawag o sumagot si mama sa huling text ko sa kanya kaya sinubukan kong kontakin. Mukhang may iba siyang inaasikaso dahil kahit limang beses na akong tumawag ay hindi man lang nasagot ni-isang beses.
Wala akong ganang gumalaw buong araw kaya hinintay ko na lang ang sagot ni mama buong gabi. Hindi ko napansing nakatulugan ko na pala iyon.
Mabilis kong hinablot ang aking phone noong nagising sa kalagitnaan ng gabi at nakahinga nang maluwag noong may reply na si mama. Sinabi niya lang na mamayang gabi pa ang uwi niya, ni-hindi man lang nagsabi tungkol sa paghahanap sa kanya ni Sir Lucre.
Bumalik ako sa pagtulog dahil sa hapdi ng mga mata. Nagising na lang ako muli noong may araw na. Ang usapan namin ni Reon ay magkikita kami para sa kanilang sasakyan ako sumabay.
Ayaw niyang mamasahe pa ako hanggang sa Luneta kaya kinausap niya ang parents niyang hihiramin niya ang isang family driver nila para i-service kami.
Ayos na rin dahil sa kalagayan ko ngayon, hindi ko talaga kakayaning maglakbay ng gano'ng kalayo. Pagod ako sa hindi malamang dahilan at walang gana kahit pa tumayo.
Parang gusto ko nga biglang i-cancel 'tong lakad namin pero si Reon 'yon. Kung hindi kami ngayon magkikita, kailan naman? Malapit na kaming umalis at lumayo rito kaya baka matagalan pa ang susunod naming pagkikita ni Reon.
Ginalaw ko muna ang aking mga daliri at kumurap-kurap habang na sa dingding ang tingin. Baka makatulong din ang pag-alis ko ngayon lalo na't ang sabi ni Reon, lilibutin namin ang mga tourist spots sa Maynila. Hanggang six ng gabi lang daw siya pwede kaya susulitin namin ang buong tanghali.
I ate my late breakfast after I took a bath. I changed clothes after that and called Reon. Ready na akong umalis at pumunta sa meeting place namin, gusto ko lang munang malaman kung siya rin ba ay paalis na.
"Saan ka na?" she asked me the moment she picked up.
"Ayan nga rin itatanong ko sa 'yo," I chuckled. Having a conversation with others right after your breakdown surely felt awkward.
"Na sa biyahe na kami papunta sa meeting place natin. Huwag mong sabihing on the way ka pa lang sa banyo?"
"Gaga, nakabihis na ako. Papunta na rin ako do'n, tinawagan lang kita para malaman kung na saan ka na."
"Oh sige, tawagan kita kapag nauna kami. See you!"
"See you," bulong ko bago tuluyang binaba ang tawag.
Hindi ko sigurado kung paano ko ba pakikisamahan si Reon mamaya, tunog excited pa naman siya kanina. Kaibigan ko siya at alam kong maiintindihan niya kung hindi ako okay, pero ayaw ko sanang sirain ang huling araw naming magkasama.
Totoo namang gusto kong gumala kasama siya pero parang mali lang talagang ngayon araw pa. Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko matapos kong i-lock ang aming gate.
Nilakad ko na ang labasan at sumakay ng jeep papunta sa meeting place namin ni Reon. Hindi iyon kalayuan sa amin pero dahil sa traffic ay natagalan. Ayos lang sa akin iyon dahil kumalma na ako habang na sa biyahe.
Pababa na ako ng jeep noong tumawag si Reon. Hindi ko na lang sinagot dahil nandito na rin naman ako, baka madapa pa ako sa pagbaba. Alam kong tanga ako sa pag-ibig kaya ayaw kong maging tanga pa sa ganitong kasimpleng bagay.
Tama nga ang hinala kong nandito na rin si Reon. Nakita ko ang pamilyar nilang kotse na naka-park sa gilid ng isang fast food. Mabilis akong naglakad palapit doon at kumatok sa gitnang bintana ng kotse. Bahagya akong umatras para hindi matamaan ng pabukas na pinto.
BINABASA MO ANG
Love Out of Lie
General FictionThe Zorron Series #3 | under revision The night after Priscilla Mikasha Duran met the Zorron family, she instantly laid eyes on Mikael Trojan Zorron, the ever so mysterious yet attractive among all. Mikasha believed she could get anyone with her fl...