Chapter 21 | Block
I spent my Sunday morning inside my room sleeping. I unconsciously heard my mother outside earlier asking if I was already awake, but my eyes felt heavy and my body was too tired to function.
I was unable to respond to her call and I ended up sleeping again after that encounter. It was already twelve noon when I decided to go up and eat my late breakfast.
Nilibot ko saglit ang aming first floor upang hanapin si mama sa paligid at noong napagtanto kong wala siya rito sa baba ay naisip kong baka na sa itaas siya.
Sinuklay ko ang aking buhok gamit ang kaliwang kamay habang paakyat sa second floor. Naabutan kong bukas ang bathroom katabi ng nakasarang kwarto ni mama.
"Ma?" tawag ko sa kanya kasabay ng aking pagkatok.
Mabilis naman siyang rumespunde, "Mika! Gising ka na pala. Pasok ka!"
Wala sa sarili kong ginawa ang kanyang sinabi. Marahan kong inikot ang doorknob at tinulak ang pinto upang makapasok sa kanyang kwarto.
Una kong napansin ang mga nagkalat na mga papeles sa ibabaw ng kama, mukhang napansin ni mama na roon ako nakatingin kaya tumayo siya mula sa pagkakaupo sa harap ng kanyang laptop.
"Do you need something?" she asked me when we were finally facing each other.
Mom was wearing her usual white shirt and cotton shorts for today. I parted my lips to reply but I was unable to say anything in return. Her eyes slightly narrowed and displayed a frown.
She was probably weirded out because I didn't typically go up here to look for her. I would just wait downstairs or message her when I have something to say. I honestly had nothing to tell her, I just unconsciously looked for her because of what happened earlier.
"Wala naman, ma..."
"Masama ba ang pakiramdam mo?" tanong niya at bahagyang hinaplos ang aking leeg.
I blinked several times. "H-Hindi naman, ma."
"Late ka ng nakauwi kagabi at nakatulugan ko ang paghihintay sa 'yo, nalaman ko na ang nangyari mula kay Trojan mismo. Napadaan siya kaninang umaga rito dahil may naiwan kang gamit sa kotse niya."
Para bang ngayon lang ako tuluyang nagising dahil sa narinig.
Nandito sa bahay kaninang umaga si Trojan!
Napansin ni mama ang pagbago ng aking ekspresyon kaya nagpatuloy siya sa pagkwento, "Niyaya ko pang mag-almusal dahil saktong nagluluto na ako. Mukhang pagod din siya kanina kaya pinagpahinga ko rin saglit. Sinubukan kitang gisingin kanina pero tulog na tulog ka."
"Nag-breakfast kayo, ma?" wala sa sarili kong ulit.
Tumango si mama. "Oo nga, tapos noong paalis na siya si Jijinia naman ang dumating—"
"Ha?" napataas ang aking tono sa narinig.
Bakit naman biglang bibisita si Jijinia... matagal na kaming hindi nag-uusap at nagpapansinan!
"Bakit ba gulat na gulat ka sa mga sinabi ko?" natatawang tanong ni mama, "may inabot na pasalubong si Jijinia. Kauuwi lang daw ng parents niya mula sa Japan at may mga binili sila para sa 'yo. Mostly mga pagkain kaya nakatago na sa ref natin."
Ngayon ko lang napansing matagal na palang nakabukas ang aking bibig, napalunok na lamang ako sa dami ng nalaman mula kay mama.
Ang daming nangyari kaninang tulog ako at pareho pang mga hindi ko inasahan!
"Ayos ka lang ba, Mika?"
Mabilis akong tumango at sinabing, "Oo, ma, medyo nagulat lang ako sa dami ng nangyari kaninang umaga. Hindi ko inexpect na... magdadala si Ji ng pasalubong para sa akin dahil hindi naman na kami nagpapansinan no'n sa school."
BINABASA MO ANG
Love Out of Lie
General FictionThe Zorron Series #3 | under revision The night after Priscilla Mikasha Duran met the Zorron family, she instantly laid eyes on Mikael Trojan Zorron, the ever so mysterious yet attractive among all. Mikasha believed she could get anyone with her fl...