Chapter 1

2.6K 70 13
                                    

Chapter 1 | Liar

I totally enjoyed the night by interacting with different people while my mother got busy with her boss.

Madali lamang para sa aking kuma-usap ng tao, anoman ang kanilang hitsura o estado. Hindi ako nahirapang makisabay at makisama sa kanilang mga biro at usapin, gaya ng madalas mangyari ay nakitawa rin ako at nagbahagi.

Kaya gano'n na lamang din ang aking pagtataka kung bakit kanina kay Trojan ay hindi ako aktibo.

A part of me regretted being silent around him because now I wasn't sure when to see him personally again after. Marunong man akong makisabay ay iba pa rin ang buhay niya sa akin, meeting him would probably be hard.

Isa pang problema ko ay ang aking kasalukuyang manliligaw. Wala sa sarili kong natampal ang noo dulot ng inisip. Noong nagsimula si Carlo sa panliligaw ay ganado pa ako at may balak siyang sagutin anomang araw ngayong buwan... ngunit tila ba ang bilis magbago ng aking isipan dahil ngayon ay gusto ko na siyang iwan.

"Okay ka lang, 'nak?" my mother worriedly asked me, napansin siguro ang aking aksyon.

"Opo, medyo inaantok na, ma," I answered.

"Malapit na tayo, wala namang traffic," she told me.

I only nodded and only thought of excuses to tell Carlo on Monday... but announcing such bad news on the first day of the week was too harsh kaya sige, sa Wednesday na lang para gitna ng linggo.

I wanted to chuckle, talagang may schedule pa.

"Kumusta pala ang buhok mo, Mika?" mom asked me, "nabasagan ka ni Jijinia ng itlog noong Friday, 'di ba?" natatawa niyang bigkas.

I smiled and turned to see my mother, "Okay na, ma, ang buhok ko. Buti nga at umayos bago itong araw na 'to kung hindi, nako! Nagmukha akong basang sisiw."

Jijinia Verdelino was the school's most disliked person. The people didn't hate her, talagang ayaw lamang nila sa kanya dahil sa kanyang apelyido.

Jijinia's parents were damn rich, tipong kayang makipagsabayan sa mga big time-I wasn't sure of their business but I heard it had something to do with hotels as well.

The other kids disliked her because of one simple reason: mayaman pero sa public nag-aral.

"Sorry po, ma'am, talagang nagbantay po ako ng tindahan namin buong gabi tapos iyong bunsong kapatid ko po ay hindi matahan... kaya hindi ko po natapos ang activity-"

"I'm not taking that excuse, remain standing!" our teacher shouted at my classmate.

Tunay naman kasing strikto ang aming science teacher at hindi mabilis makumbinsi kahit pa pinaka-madramang rason ang iyong ibahagi.

"Miss Verdelino, bakit hindi ka nakagawa ng take home activity?" she now asked the new kid.

"K-Kasi po nagkaroon kami ng family gathering last night," she stuttered.

And what the teacher said shocked us, "Okay, sit down."

It all started there.

"Tangina talaga niyang si Verdelino, dito pa kasi nag-aral," I heard one of my classmates hissed.

They were a group of girls sitting just in front of me and their voices could be heard clearly to not avoid.

"Sipsip kasi pati ang mga magulang. Kaya lang naman nila 'yan pina-aral dito ay para ipalabas na humble ang pamilya nila. 'Di ba may proyekto ang negosyo nila, na tumulong sa mga taong walang trabaho? Alam ba ninyong nag-apply ang papa ko sa kanila, hindi pa nga 'yon mataas na posisyon pero hindi siya tinanggap," a girl ranted.

Love Out of LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon