Chapter 25 | Voice
Para ba akong nabingi dahil wala akong ibang marinig sa aking paligid. Para akong namanhid dahil hindi ko madama kahit ang mga patak ng ulan sa aking balat. Parang wala lang sa akin ang malamig na hangin. Hindi ko na nga sigurado kung ano ba ang iniiyak ko, basta nasasaktan ako.
Humina na ang aking hagulgol pero hindi ang ulan. Walang saysay kung ngayon pa ako sisilong dahil hindi ko na rin nabilang kung ilang minuto na ba akong nakaluhod sa pwesto ko at bigong bigo.
Isa sa mga ayaw kong gawin ay magmukhang mahina sa harap ng mga tao pero heto ako ngayon, nag-iisa sa gitna ng malawak na parke sa Maynila at ginagawa ang bagay na iyon. Anong magagawa ko? Sa sobrang lungkot ko, hindi ko na kinayang itago pa kahit saglit ang sakit.
Ilang linggo na akong nagtitiis sa eskwela kung saan maraming may ayaw sa akin, sa bahay kung saan mag-isa lang ako, at sa sarili kong pinipilit na maging okay. Nagsisinungaling na lang ako sa sarili para gumaan ang loob ko.
Hindi ko na alam kung ano ba talaga ang kailangan ko sa puntong 'to. Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong gawin para makaahon sa pagkabagsak kong ito. Ang gulo-gulo ko na kahit ako mismo, hindi ko na maintindihan sarili ko.
Sumagi sa aking isip si mama. Tama, uuwi na si mama ngayong gabi. Para bang gumaan ang pakiramdam ko nang naisip iyon. Ilang saglit lang ay kumalma na ako at napagdesisyunang tumayo na.
Mom would be going home tonight. Baka siya pa ang mauna sa aking makauwi. I needed to move quickly. It had been days since she left for Batangas, but it felt like a decade for me. I have been so lonely and down. My frozen heart needed her warmth. I needed her because I couldn't need anyone but her.
Out of all people I could rely on, I was more dependent on my mother. She let me do the things by myself, but I knew I still needed her guidance. She was the only person I could run to and show my weaknesses.
"Mika? Ikaw nga!"
Mabilis akong napaangat ng tingin sa pamilyar na boses sa aking gilid. Hindi ako agad nakapagsalita sa gulat. Wala akong ibang taong iniisip kung hindi ang makita si mama pag-uwi. Ni hindi ko rin naisip na baka bumalik si Reon para sunduin ako. Kaya bakit siya nandito? Was it all just a coincidence? Trojan was around here earlier, were they hanging out?
"P-Pirad! Bakit ka nandito?"
May hawak siyang itim na foldable umbrella at maayos ang porma kaya napagtanto kong baka nga gumala sila ngayon dito. Imbis na sagutin ako, lumapit siya sa aking pwesto para mapayungan. Muling umihip ang malakas na hangin at nanginig na ako ngayon sa lamig.
Napansin iyon ni Pirad kaya parang gusto niyang hubarin ang suot na itim na jacket. Tumayo na ako para ipakita sa kanyang okay na ako.
"I was with Trojan earlier. Galing kami sa Troyen at gagala lang sana kami rito. Sabi niya manonood siya ng fountain tapos bumukod lang ako saglit dahil may gusto akong bilhin. Napansin kitang nakaluhod dito kaya nilapitan kita. Anong nangyari?"
Mabilis akong umiling. Wala akong ganang magkwento sa kanya ngayon.
"Kailangan ko ng umuwi, Pirad. Pwede bang samahan mo muna ako mamili ng damit tapos hatid mo ko sa sakayan—"
"Ano ka ba? Pwede kitang ihatid sa inyo para hindi ka na mahirapan. Uuwi na rin naman ako tutal parang wala na si Trojan sa paligid," Pirad said. "Ang lakas ng ulan, ito na yata 'yong paparating na bagyo."
Saglit kong pinag-isipan ang sinabi ni Pirad. Mas gagaan nga ang problema ko kung magpapahatid ako sa kanya pero tama bang sumang-ayon na lang ako? Para akong nahiya dahil hindi naman kami close ni Pirad. Masyado lang siyang generous at mabait kaya nag-volunteer na tulungan ako.
BINABASA MO ANG
Love Out of Lie
General FictionThe Zorron Series #3 | under revision The night after Priscilla Mikasha Duran met the Zorron family, she instantly laid eyes on Mikael Trojan Zorron, the ever so mysterious yet attractive among all. Mikasha believed she could get anyone with her fl...