CHAPTER 1

1.7K 37 1
                                    

Karen Rea Villanez

Hindi ko mapigilan ang ngiti ko, lalo na ng makita ko ang ganda ng lugar kung saan ako ipinanganak ng mommy ko.

Heaven City, Ito ang lugar kung saan nag simula ang lahat ng yugto sa buhay ko, ito ang lugar kung saan ako lumaki at nag kaisip, kung saan ko nakilala ang naging mga kaibigan ko dati at ang lugar na minsan ko ng tinalikuran ng dahil lamang sa isang masamang pangyayari pero ito na ako ngayon, nag balik upang balikan ang mga mahal ko sa buhay na naninirahan dito.

I took a deep breath as long as I got out of the car, I taught they are many people will welcome me here but I'm wrong, they are all gone. Well, I left them with no words, at iyon narin siguro ang dahilan kung bakit hindi na sila nag abala pa upang ipaghanda ako ng masasarap na putahe o kaya naman ay nag iba na talaga ang lugar na ito. Dati-rati kasi kapag may bisita ay mala fiesta ang dating dito ngunit sa lagay ko ngayon, mukhang malabo nga naman na gustuhin nilang gumastos para sa akin.

"Rea?" mas napangiti ako ng makita ko ang isa sa best friend kong naiwan dito, si Dimple.

Nanatili lang akong nakatayo hanggang sa makalapit siya sa'kin ng tuluyan, pinaikutan pa niya ako na para bang kinikilatis ang bawat parte ng katawan ko.

"Dimple stop that" sabi ko kaya naman ay tumigil na siya sa kanyang ginagawa at pinanlakihan ako ng mga mata.

"Oh My God! Girlalou! Ikaw nga!" tili niya sabay yakap sa'kin, niyakap ko rin siya pabalik ngunit hindi nag tagal iyon ng humiwalay rin siya agad "Miss na miss na nga kita girl, naku! Bakit ka ba kasi umalis? Ang laki na ng ipinagbago mo!"

"Ako parin ito"

"Really? Pitong taon kaya tayo nung iniwan mo ko, nakakapagtampo ka bakla, sarap mong kurutin" natawa nalang ako sa sinabi niya, tinulungan niya narin ako sa pag hila sa dalawang bagahe ko "Sabihin mo nga sa'kin bakla, dito ka na ba titira?"

"For good" mas lalo siyang ginanahan ng sabihin ko iyon "Bakit nga pala walang tao?" pansin ko sa lugar na ito, ang tahimik at tanging mga huni lang ng ibon at mga dahon na tinatangay ng hangin ang naririnig ko.

"Ay oo nga pala girl! Birthday ng unico ijo ni Mayor, kung gusto mo lang naman ay pwede tayong pumunta mamayang gabi" kaya pala wala ni isang tao ang pakalat kalat ngayon, kasi lahat sila ay nandoon at nag sasaya.

Naglakad lang kami hanggang sa marating namin ang mansyon na iniwan ng mga magulang ko bago sila mag tungo sa states, mukhang luma na siya pero maganda parin naman ang estraktura.

Tumigil ako sa pag lalakad at timingala, isang mansion na may katandaan na ang nasa harapan ko ngayon, this is like some kind of creepy but I have no choice but to live here from now on. Ayaw ko naman na tawagin nila akong maarte ng dahil lang sa ayaw kong tumira dito, buong akala ko pa naman ay naiparenovate na nila mommy pero hindi pa pala.

"Iiwan na muna kita dito bakla, I'll be back later" tumango nalang ako at hinintay siyang makalayo, nang masiguro kong wala na siya ay dahan dahan kong ipinasok ang mga bagahe ko.

Pinihit ko ang doorknob at tumambad sa'kin ang mga gamit na natatakpan ng puting tela, I guess I still have to clean this up or maybe hire someone. Ipinagilid ko muna ang bagahe ko at tinungo ang hagdanan, pumasok ako sa bawat kwarto hanggang sa marating ko ang dating kwarto ng kapatid ko.

Pumasok ako doon at pinagmasdan ang paligid, tila ba bumalik ang lahat ng nangyari thirteen years ago. Lumapit ako sa kinalalagyan ng maliit na gitara at pinagpag ang mga alikabok na tumatakip dito, I miss him and that is only that I can say for now.

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid, punong puno ito ng sapot at tanging isang kabinet nalang ang natira sa kwartong ito. Lumapit ako doon at dahan dahang binuksan ito, tumambad sa'kin ang picture naming dalawa ni Kuya, yung nakaakbay siya sa akin at nakangiti ng malawak.

Her Sweetest RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon