EPILOGUE

692 13 0
                                    


EPILOGUE

Up until now, I can't believe that Henry and our other friends will save us, I am still here at hospital and currently waiting for Liam to wake up, mag iisang linggo narin nung mangyare iyon at masaya ako dahil walang nasaktan maliban nalang kay Jinou na siyang sumalo sa bala na dapat ay para sa akin. Yes, he died and he killed his own father before anything else, so I'm very thankful to him, I hope he will rest in peace.

Hindi matanggap ni Samantha ang nangyare sa kaibigan niya kaya naman matapos ang funeral ni Jinou at ng Dad niya ay nag punta sila sa States kasama si Henry. Si Ashton naman ay kasama ngayon si Felicity para ipagamot ang mga mata nito.

" Karen magigising rin siya, tiwala lang" rinig kong saad ni Rheanne habang hinihimas ang likod ko, simula nung nangyare ang laban na iyon ay wala na akong nababalitaan na namatay ng dahil sa mafia na iyon, tahimik narin ang organisasyon ni Kuya.

Napatitig ako sa mukha ni Liam pababa sa may leeg niya na hanggang ngayon ay may tattoo pa, napahinga nalang ako ng malalim, gusto kong humingi ng tawad sa kanya dahil sobra akong nagalit noong nalaman ko ang ginawa niya, malay ko ba kasing ginawa niya lang iyon para sa akin, to protect me and of course to end all of this.

Ipinaliwanag narin sa akin ni Julliane ang tungkol sa plano nilang dalawa at malaki ang pag sisisi ko na nag pa dalos dalos ako, kung inalam ko sana kung ano nga ba ang totoo at kung hindi sana ako nag pumilit na salakayin ang mansyon ng R Mafia ay sana buhay pa ngayon si Jinou at hindi ako nasasaktan ng ganito ngayon.

"Huwag mong sisihin ang sarili mo Rea" naramdaman ko naman ang pag suot ng cap sa ulo ko, si Josh na ngayon ay nakangiti sa akin "Ang isipin mo ay kung paano kayo mag kakausap ni Liam ngayon na okay na ang lahat"

"Tama si Josh" tumango tango lang si Josh at inakbayan si Rheanne, lately I feel something about them, parang may relasyon silang dalawa na hindi nila binabanggit sa amin.

"Umamin nga kayo" napatingin ako kay Julliane na ngayon ay nakatingin na sa dalawa "May relasyon ba kayo?" sa halip na sagutin nung dalawa ay natawa nalang ang mga ito

"Sus! Selos ka lang dahil hindi ka pa pinapansin ni Natalia, kung kaya ligawan mon a bro? Bakla ka naman ata!"

"Hindi ah! Hindi ko lang kayang aminin ang feelings ko" inirapan nito si Josh na ngayon ay natatawa na sa mukha ni Julliane.

"Suportado ka naman namin Jul, sadyang bakla ka lang" ayun nag batukan na yung dalawa.

"Salamat talaga sa inyong lahat, kung hindi dahil sa inyo ay baka patay na kami ngayon"

"Salamat rin sayo Karen, natuto kaming lumaban" ayun natawa nalang ako ng mag make face rin si Josh sa sinabi ni Julliane.

Nag tawanan lang kami hanggang sa hindi na namin napansin ang pag mulat ni Liam, itinuro lang siya ni Elijah na kagigising lang kaya naman ay agad namin itong dinumog. Nakatunganga lang si Liam kaya naman ay kinabahan ako bigla.

"Liam?"

"Alah! Bakit hindi siya nag sasalita? May amnesia na? Aray!" hindi ko na napansin na nandito narin pala sila Leah at Gavin.

"Tumahimik ka nga Gavin, ang weirdo mo talaga"

"Liam?" tawag ko ulit sa kanya at laking pasalamat ko ng mapatingin siya sa akin, he held my face."Kumusta? may nararamdaman ka ba? Just tell me"

"Lalabas muna kami" rinig kong saad ni Julliane, nang tuluyan na nilang maisara ang pintuan ay saka lang ako sinagot ni Liam.

"I Love you" natahimik ako sa sinabi niya, I know Liam "and I'm sorry, hindi ako para sayo..."

Her Sweetest RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon