CHAPTER 27

244 10 2
                                    

Ilang araw narin ang nakalipas nung huli kaming mag kausap ni Kuya Khalil, medyo gumaganda narin ang samahan namin at hindi ko maipagkaila na hindi parin siya nag babago. Siya parin yung nakakatandang kapatid nakilala at minahal ko.

Nandito ako ngayon sa sementeryo, binibisita ang isa sa biktima ng bagong sindikato na nababalitaan ngayon. I was planning to take back her corpse and conduct an investigation but I can't because of her parents, hindi na nila gustong ipaimbestigahan pa at iyon ang ipinagtataka ko. Usually naman na namamatayan ay gusto nilang paimbestigahan pa, ang weird lang kaya nandito ako ngayon.

Ann Baldero
Died: June 14, 2018

Ibinaba ko na ang basket ng bulaklak at sinindihan ko narin ang kandila. Kung ano man ang totoong nangyare sa kanya, sisiguraduhin kong makakamit niya ang hustisya.

"Karen hanggang ngayon ba gusto mo paring tulungan ang hindi mo naman kaano-ano?" napatingin ako sa katabi ko, kamuntikan ko ng makalimutan na may kasama pala ako.

"Oo naman, walang masama sa pag tulong" sagot ko sa kanya at ibinalik ang tingin ko sa puntod.

"Pero unahin mo dapat ang sarili mo" ang gulo rin nitong si Julliane, ewan ko kung ano ang meron sa kanya at nag kakaganito siya nitong mga nakaraang araw"Mapapahamak ka sa pang hihimasok sa sindikato na iyan"

"Relax ka nga lang Julliane, hindi ako mapapahamak at saka nakakaya nga nating labanan ang isang Red Scorpion di ba? Ito pa kayang sindikato na bagong bago lang ngayon" ningitian ko nalang siya pero ganoon parin ang reaksyon niya, seryoso parin, minsan talaga kikilabutan na ako sa way ng pag titig niya sa akin."Ano ba ang meron sa iyo at napaka negative mong mag isip"

"Nag aalala lang ako para sayo, hindi mo alam kung gaano kahirap ng ginagawa mo" huminga siya ng malalim "Ipinaapahamak mo lang ang sarili mo"

"I know"

Red Scorpion who my uncle formed, we are currently pertaining as R Mafia, para naman hindi malito dahil ang totoong Red Scorpion ay walang ginagawang masama, alam ko naman ang ipinaglalaban ng kuya ko, we are the same.

"Bahala ka basta mag iingat ka" tumango lang ako "Pero sigurado ka bang bagong sindikato iyan o baka naman ang mga R Mafia?"

"I don't know" kung sila nga ang may gawa nito, bakit nila pinatay ang walang kalaban-laban? They are heartless.


Leah Serenity Davies

I'm glad that Gavin is alive and recovering now, thanks to the doctors especially Karen who help him get through this situation but I only have one problem.

"Hindi parin ba siya nag sasalita?" tanong ni Rheanne ng makapasok siya dito sa kwarto ni Gavin, may dala siyang mga prutas.

"Wala pa, hindi ko na alam kung paano nga ba ang dapat kong gawin para lang bumalik siya sa dati" medyo naluluha na naman ako pero ito ako ngayon nag papakatatag huwag lang niya makita na nasasaktan ako.

"Huwag kang mag alala Leah, babalik rin siya sa dati at saka try mo siyang kausapin baka sakaling magawa niyang mag salita" she pat my shoulder"Lalabas na muna ako" at ayun na nga naiwan na naman ako kasama itong si Gavin na walang ibang ginawa kundi ang tumunganga.

"Gavin gusto mo ba ng apple? Ipagbabalat kita" nakangiting saad ko pero ayun isang makahulugang titig lang ang ibinibigay niya sa akin pabalik.

Kahit hindi ko alam ang mag balat ng ganito ay kumuha parin ako ng kutsilyo at nag simulang balatan, gosh! This is really not my thing, lumaki ako ng may katulong na nag babalat para sa akin.

Her Sweetest RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon