CHAPTER 2

912 35 1
                                    

CHAPTER 2

Lumalalim na ang gabi ngunit hanggang ngayon ay hindi parin nag papakita ang sinasabi nilang unico ijo ng mga Alcantara, bakit ko nga ba gustong makita? Geez! I'm crazy.

"Drink some more" kinuhanan ako ni Gavin ng isa pang baso ng alak, may plano ba siyang lasingin ako? Kung meron man, good luck nalang sa kanya, sanay na akong uminom kahit na anong alak at kahit kailan hindi pa ako nalalasing.

"If you want then I will drink this for you" sabi ko at tinanggap ang basong inaalok niya, diretso ko itong ininom ng hindi inaalintana ang paet at init na dumadaloy mula lalamunan patungo sa sikmura ko.

The alcohol that they just let me drink is the most expenssive alcohol in the world, malamang hindi nila ito isineserve sa kung saan saang table dahil si Gavin lamang ang humahawak ng ganoong bote.

"Woah! Bilib na ako sayo! Gusto kita" bigla akong nasamid ng sabihin niya iyon, straight to my face, napaubo ako at buti nalang inabutan agad ako ni Julliane ng tubig kahit na tutok na tutok siya sa pagkain niya."Oops! Sorry Karen, ang ibig kong sabihin, gusto kitang maging kaibigan, ang cool mo lang kasi" napatingin ako sa kanya ng walang ka emo-emosyon.

How come na itong lalakeng ito ay napaka inosente ng mukha kahit na kadugo siya ng mga Alcantara. Hindi nga dapat ako nag aaksaya ng panahon sa lalakeng ito, mas mabuti siguro kung aalis nalang ako dahil wala rin naman akong mapapala dito.

"I have to go" tumayo ako at inayos na ang damit ko, I was about to leave but he stops me by holding my wrist.

"Saan ka pupunta? Did I made you mad? Sabihin mo Karen, saan ako nag kulang" maiyak iyak na siya habang titig na titig sa akin, argh! How old is he? Bakit parang mas bata pa siya mag-isip kaysa sa three years old.

"Aalis na ako, gusto kong mag pahinga" tinanggal ko ang pag kakahawak niya at nag lakad na paalis sa lugar na iyon.

Diniretso ko lang ang mahabang hallway kung saan kami dumaan kanina ni Gavin ngunit parang nawawala ako, napasandal ako sa gilid ng biglang umikot ang paningin ko, parang hinihigop ako nito pababa.

Hindi naman pwede na ang alak na ipinainom nila sa akin ay mag kakaroon ng epekto sa akin, no way! Pero ito na nga, this is my first time to feel dizzy.

Pinilit kong tumayo ng diretso ngunit wala talaga, humakbang ako ng isa pero nawalan ako ng balanse kaya muntikan na akong mahulog, buti nalang may nakasalo sa akin. Pinanliitan ko ng mata kung sino man ang nakahawak sa akin ngayon, malabo ang nakikita ko ngunit nakakasigurado akong lalake ito, mabango siya, amoy tsokolate at bakit parang may kakaiba siyang awra, parang ang bad boy ng dating niya.

"Ano yang hawak mo? Bakit malamig?" napatingin ako sa hawak niya at kinapa iyon ngunit agad rin niyang itinago sa likod niya, mag sasalita pa sana ako kaso bigla akong nanghina at nilamon na ako ng dilim.


Liam Chase Grande

Iiwan ko na sana siya ngunit nawalan ito ng malay buti nalang nasalo ko agad, fvck! I don't have a plan on taking her, she is a crap! Nasira ang plano ko ng dahil sa kanya, pinagplanuhan ko iyon ng halos isang linggo pero anong nangyare? Nawala na parang bula! Palpak! Failure!

"Miss kung matutulog ka pwede bang huwag kang perwisyo, doon ka sa—" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng maamoy ko ang alak na nanggagaling sa kanya, amoy palang ay alam ko ng may halo itong droga, fvck! Alcantara really making me mad, pati ang walang ka alam-alam na babae ay pinapatikim nila ng ganoong klase ng droga.

Bago pa man ako makita ng mga gwardiya dito ay binuhat ko na siya, tinungo ang sasakyan at dahan dahan ko siyang ipinasok sa loob. Tinapik tapik ko ang kanyang pisnge ngunit mukhang tulog na talaga siya.

Her Sweetest RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon