"Teka nga lang, pag untugin ko kayong dalawa diyan, tama ba na pag agawan niyo akong dalawa?" inagaw ko ang dalawang braso ko mula sa kanila, sinamaan ko sila ng tingin bago ako bumalik sa pag kakaupo ko"Ano bang ginagawa mo dito Abo?"
"Just checking on you, akala ko kasi ay may ginagawa ka na namang katangahan kaya ka nag tungo dito" nagpamulsa siya at tumalikod na, itinaas lang niya ang isang kamay niyang hawak ang lollipop na ibinigay ko bago tuluyang lumabas ng clinic, nakahithit ba siya ng drug? Ang weird ng kilos ni Abo ngayon.
"Pasensya ka na Gavin kay Abo, sadyang may saltik lang iyon sa utak kagaya mo" ibinulong ko nalang ang huli kong sinabi.
"Tama ka, may saltik nga talaga iyan anyway, gusto ka daw makita ni Ashton mamayang gabi sa hacienda Alcantara, hihintayin ka daw niya doon at huwag mo ring kakalimutan ang mag suot ng magandang damit na representable sa paningin ng iba" tumayo na siya"Kita nalang tayo mamaya sa dinner" tumango nalang ako at napahiga sa clinic bed, dito nalang muna ako pansamantala hanggang sa matapos ang klase ko, boring rin naman kaya mas pipiliin kong humiga nalang dito.
Papikit na sana ako para matulog pero nakarinig ako ng ingay na nanggagaling sa labas, mukhang papalapit dito kaya agad akong bumangon at nag tago sa isang malaking kabinet kung saan inilalagay ang mga gamot dito. Dalawang lalake ang pumasok sa loob, hindi ito estudyante dahil mga nasa 40s na sila base narin sa itsura nila.
Nanatili lang akong nakasilip kung ano man ang gagawin nila, nakita ko ang isa na may pinindot sa hinahawakan niyang remote at bigla nalang may bumukas na sikretong pasukan, napaawang ang labi ko dahil sa nakita ko, mukhang may bago na naman akong natuklasan.
Dahan dahan akong nag lakad patungo doon ng makita kong nakapasok na sila, muling dumilim ang paligid ng dahil narin sa pag sara ng pintuang pinasukan ko. Dahan dahan lang ako ng sa ganun ay hindi nila mapansin ang presensya ko.
"Hindi pa ba natin sasabihin kay boss na nalooban tayo?"
"Paniguradong mapapatalsik tayo kapag sinabi natin"
"Kung sino ba naman kasi ang may ganang mag nakaw ng drogang ieexport natin" napakagat labi ako sa narinig ko, kami ni Abo ang pinag uusapan nilang nag nakaw ng pakete ng droga nila"Nag kakahalaga pa mandin ng sampung libo ang isa nun" agad akong pumasok sa gilid ng biglang mapatingin ang mga iyon sa gawi ko.
"May nakasunod sa atin"
"Wala, tara na, kaylangan nating mag madali bago pa man makabalik ang nurse" napahinga ako ng maluwag nang makitang ligtas ako, ipinag patuloy ko parin ang pag sunod sa kanila hanggang sa marating ko ang baba kung saan ay may isang kwarto, pumasok sila doon at agad na isinara iyon kaya hindi ko na nagawa pang makapasok.
"Pambihira naman" napakamot ako sa batok ko bago ko idinikit ang tenga ko sa pintuan para marinig sana ang pinag uusapan nila kaso hindi ko marinig, malamang sounds proof ito.
Naramdaman kong papalapit ang yapak nila kaya naman ay agad akong nagtago sa isang drum na nandito, iisang kwarto lang ang nandito kaya naman ay wala akong ibang choice kundi sa may likod ng drum mag tago.
Rinig ko ang pag bukas ng pintuan, nanatili lang akong nakikiramdam hanggang sa tuluyan na silang nakaalis. Tumayo ako sa harapan ng pintuang pinasukan nila, hinawakan ko ang door knob at ipinaikot, nakalock.
Hinalungkat ko ang bag ko upang mag hanap ng bagay na pwede kong magamit sa pag bukas nito, tinuruan narin kasi ako ni Julliane kung paano ang mag akyat bahay. Wala akong mahanap kaya naman ay napalingon-lingon ako sa paligid, ang drum at ang malinis na simento lang naman ang meron dito.
BINABASA MO ANG
Her Sweetest Revenge
Mystery / ThrillerTagLish! BlackPink X BTS I have unpublished the original version of this 'cause I have so many issues , I revised it and this the story now. Don't just read, leave a comment and hit the star. :) Thank You!