CHAPTER 5

680 27 3
                                    


Karen Rea Villanez

Isang linggo na ang nakakalipas ng manirahan ako dito, mas nagiging close kami ni Ash nitong mga nakaraang araw at unti-unti ko ng nakukuha ang tiwala niya sa akin.

Katatapos ko lang mag ayos at maisuot ang bago kong uniporme, ito ang unang araw ko sa Heaven University at sana naman ay walang kakaibang mangyayare, I'm sure that they will also studying there, lalong lalo na si Liam dahil nakita ko siya nung nakaraan na nakauniporme na katulad ng akin.

Hindi parin bumabalik si Dimple kaya ang kasama ko dito sa bahay ay si Joshua at si Rheanne, napapadalas narin ang pag punta ni Henry at Julliane dito para maki pag kwentuhan sa amin o kaya naman ay maging hatid sundo ko kapag lumalabas ako ng bahay.

Napatigil ako sa pag lagay ng lipstick ng may marinig akong busina, ito ay nanggagaling sa labas, maaaring si Henry o si Julliane na iyon, binilisan ko na ang kilos ko dahil nakakahiya naman kung pag hihintayin ko pa siya.

"Rheanne let's go!" sigaw ko kay Rheanne at isang tango lang ang ibinigay niya sa akin, abala pa kasi siya sa pag susuklay ng buhok niya."Bilisan mo diyan"

Bumaba na ako, naabutan kong nakadekwatro si Joshua sa mahabang sofa at tutok na tutok sa screen ng cellphone niya. Nilapitan ko siya at kinalabit, hindi ako pinansin kaya naman ay binatukan ko na.

"Talo na!" napairap ako, kay aga-aga nag lalaro ng piano tiles"Tara na"

Sabay sabay na kaming lumabas, sinalubong ako ni Henry ng isang yakap na tila ba ay hindi kami nag kita kahapon, wala naman akong magagawa kundi ang yakapin nalang siya pabalik, ganito na talaga ang ugali niya simula pa noon.

Matapos ang yakapan session namin na naging habit narin ay pinagbuksan na niya ako ng bintana, ito ay tabi ng driver's seat, pumasok narin yung dalawa sa likod at ganoon rin si Henry, agad nitong pinaandar ang kotse.

"Bagay na bagay sila noh best friend?" napatingin ako sa rear mirror, kita ko ang itsura nilang dalawa habang busy sa panonood, tsk! Pake ko ba kung bagay sila, naka-move on na ako, kahit na maging mag karelasyon pa sila ay wala akong pake "Nakasimangot ka na diyan, smile ka nga! Ang panget mo" napilitan nalang akong ngumiti at itinuon ko nalang ang mga mata ko sa labas ng bintana, nadadaanan namin ang dagat kaya naman ay napakaganda sa paningin nito lalo na kapag ganito ka-aga.

Seven minutes kami bumyahe bago namin narating ang unibersidad, maaga pa kaya napagdesisyunan naming kumain sa isang kalenderya na malapit sa mismong unibersidad.

Umaayaw si Rheanne dahil hindi pa daw siya nakakain na galing sa mga ganitong klase ng kainan, well, lagi naman kasing bili sa restautant o kaya naman ay luto ng chef ang kanyang kinakain kaya medyo maarte siya.

"Parang ang rumi"

"Huwag kang maingay Rheanne, ano bang ayaw mo? Mukha namang masarap ang pag kain nila dito" saad ko habang tumitingin ng pwede naming kainin,tumigil ako sa tapat ng lomi, bigla nalang kasi akong natakam doon"Ale ito nga po, serve for four" sabi ko sa babaeng medyo may katandaan na.

Habang hinihintay ang order ay umupo na muna kami sa isang table na bakante, marami naring taong kumakain dito at itong table namin na nga yata ang bakante. Busy rin naman ang kasamahan ko sa mga gadgets nila kaya itinuon ko nalang ang pansin ko sa paligid.

May mga estudyante rin naman ng H.U ang dumadayo dito kaya lang ay iilan lang, at pansin ko rin na halos lahat ng kumakain dito ay pawang mga lalakeng may mga tattoo sa kanilang braso na akala mo ay mga siga.

"Kita mo yang mga lalakeng iyan?" tanong ni Henry, tumango ako habang hindi parin inaalis ang paningin ko sa mga lalakeng iyon"Mga tauhan yan ng mga Alcantara at balita ko, may binubuo silang sindikato" agad akong nag iwas ng tingin nang makitang napatingin sa amin ang mga lalakeng tinitignan at pinag uusapan namin.

Her Sweetest RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon