CHAPTER 10

444 17 4
                                    

It's been a week, katatapos lang mailibing si Mrs. Georgina at tapos narin ang science week sa wakas, actually, I don't like science it is because of Physics, basta ayaw ko sa subject na iyon.

Ito kami ngayon, we have a busy schedule, halos hindi na nga namin mapagtuunan ng pansin ang mga kailangan naming iresolba dahil kailangan ng mag pasa ng projects at mag review narin para sa nalalapit na exam.

Napili naming mag hanap ng mapag tatambayan kung saan ay kakaunti lang ang estudyanteng nakakaalam, itong garden sa likod ng Heaven University ang nahanap namin, maaliwalas at nakaka relax ang paligid dahil sa nag gagandahang mga halaman na namumulaklak, buti hindi na umulan pa at ang panahon ngayon ay nakikisama sa aming pag hihirap bilang estudyante, kung gaano kainit ang panahon ay ganoon rin kainit ang labanan ng dalawang lalake sa tabi ko.

"Sinabi ko na sa iyong walang Einsteinium" sabi ni Julliane na halos lumuwa na ang mata sa laki nito, namumula narin yung tenga niya, kanina pa nila pinag pipilitan ang word na iyon.

"Mayroong ganon" taas noong saad ni Ashton habang nakahawak ng mahigpit sa librong hawak niya.

Napairap nalang ako at napakamot sa ulo ko, sa halip na makakapag relax kami ay ito nakikinig sa sagutan ng dalawa.

"Shut up, kayong dalawa diyan" pag singit ng kagigising lang na si Rheanne, napatingin ako sa tabi niya, ayun tulog parin si Liam na parang mantika.

"May Einsteinium di ba?" tanong ni Ashton sa amin, umiling lang ako, anong alam ko sa element na yan hindi ko nga gustong pag aralan yang mga iyan.

"Wala" mayabang na saad ni Julliane.

"Elijah matalino ka , di ba mayroong Einstenium na nag eexist sa table of elements?" lahat kami nag hihintay sa isasagot ni Elijah, meron nga ba?

"Einsteinium is a synthetic element with symbol Es and atomic number 99. It is the seventh transuranic element and actinide, why did you ask?" napanganga ako ng dahil sa sinabi niya.

"Wow! Ready ka talaga sa question and answer" pag puna ni Henry sabay hampas pa kay Elijah pero umiling lang ito at ipinag patuloy ang pag babasa"Sabagay doctor nga pala ang kinukuha mo kaya memorize mo ang table of elements" tama nga naman.

Tumahimik na ulit ang paligid kaya naman ay nakapag basa na ako ng mabuti, ang hirap maging estudyante lalo na kung marami akong reponsibilidad sa taon kong ito. Sa bagay wala namang madali sa buhay at lahat tayo ay may pinag dadaanan.

Nagawi ko ang paningin ko kay Ashton dahil ramdam ko ang pag titig niya sa akin, napangiti siya ng makita akong tumingin sa kanya. Lumabas tuloy yung bunny teeth niya, which is totally adorable.

"Kayong dalawa? May inililihim ba kayo?" agad kong iniwas ang tingin ko kay Ashton ng mag tanong si Izabelle, kasama nga pala namin siya.

"wala" iyon na lamang ang naisagot ko at itinuon ko nalang ang pansin ko sa librong hawak ko, apat na oras na ata kaming nag tatambay dito pero hanggang ngayon ay wala paring pumapasok sa utak ko.

Napabuntong hininga ako at ibinagsak ang sarili ko sa inilatag naming banig, pumagilid ako at iyon ay agad kong pinag sisihan, nakalimutan kong nakatulog pala si abo dito.

Nakikita ko na tuloy ang perpekto niyang mukha, hindi ko maipaliwanag kung gaano siya kagwapo at kung gaano siya kainosente kapag natutulog, aakalain mong isang anghel ang kaharap mo kapag natutulog siya ngunit kapag ito naman ay gising hay naku! Ikaw na ang mag hanap ng pag lilibingan sayo.

Anghel kapag tulog, demonyo kapag gising, tsk! Gwapo na sana kaso may attitude, hay naku.

"Baka malusaw iyan girl" napairap ako ng umupo sa tabi ko si Serenity, nandito na naman siya para manggulo"Hindi ako naparito para istorbohin kayo, in fact! Nag dala ako ng cookies na ako mismo ang gumawa! Nag pakahirap ako sa pag sesearch sa google para magawa iyan" excited na sabi niya habang inilalabas ang tinatawag niyang cookies na mula pa sa isang pulang tupperware.

Her Sweetest RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon