CHAPTER 30

239 9 1
                                    

Gabi na ng marating naming ang maynila, it's already 11 pm but I am still here, waiting for Henry, kahit pagod ako sa byahe ay tutuloy parin kami, malapit lang naman dito sa hotel na pansamantalang tutuluyan naming.

"Henry matagal ka pa ba diyan?" napakatagal niya talagang kumilos, it's almost midnight and we are still here "Baka naman abutin pa tayo ng umaga"

"Sorry natagalan ako" napatingin ako sa kanya, kasalukuyan palang niya pinupunasan yung basa niyang buhok.

"Hating gabi na nga naliligo ka pa, tara na" sabay na kaming lumabas, pwede naman naming ipag paumaga ito pero mahirap kasi dahil baka hindi kami hahayaang mag imbestiga, masyadong komplikado ang lahat.

Hindi naman nag tagal ay narrating na namin ang ospital kung saan yung bangkay ni Janine, we dress up like we are doctors, hindi narin kami nahirapan dahil wala namang nakapansin sa amin, pag pasok namin ng morgue ay hinanap agad namin ang bangkay niya. Nang mahanap na namin siya ay agad naming ginawa ang dapat naming gawin.

"Sa tingin ko hindi siya na rape" saad ni Henry habang tinitignan ang mga sintomas ng pag kamatay niya "It was clearly a murder"

"I know" hinaplos ko ang buhok niya, parang kailan lang nung huli ko siyang makitang buhay, and now she is dead. "Ipaghihigante kita, kayo ni Dad, I will make sure that they will also suffer"

"Karen" naramdaman kong hinaplos ni Henry ang likod ko, hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko "Di ba napag usapan na natin ito? Huwag ka ng umiyak best friend, mas lalo siyang malulungkot"

I was about to say something when we heard footsteps, hinatak ako ni Henry papunta sa ilalim ng table kung saan nila inilalagay ang mga bangkay na ini-embalsamo. Napatakip ako sa bunganga ko ng tumigil sa paglalakad ang mga lalakeng pumasok. God! Buti nalang naibalik naming agad si Janine pero ano naman kaya ang ginagawa nila dito?

Medyo itinaas namin ang telang tumatakip sa amin para kahit papaano ay makita naming kung ano ang ginagawa nila, kitang kita ko ang mga mukha nila habang inilalabas ng iba pang mga lalake ang bangkay ni Janine, may inilabas silang injection at itinurok iyon sa kanya.

"Karen don't do it! mapapahamak ka" bulong ni Henry at hinawakan ang baril na hawak ko, may silencer naman ito kaya pwede ko silang barilin dito mismo.

"Look what they are doing to her dead body? Pinatay na nga nila tapos ano? Pag eexperimentuhan pa?"

"Naiintindihan kong galit ka pero hindi iyan sapat na dahilan para sumugod ka nalang..."

Natigilan kami nang biglang mag ring ang phone ko, geez! Saan ko na nga ba inilagay iyon? Napatingin ako sa kabilang table, shock! I forgot to get it. Aabutin ko sana para kunin iyon pero naunahan na ako ng lalakeng leader ata nila. Kunot noong tinignan niya ang caller at sinagot iyon.

"Hello? Karen?" napangisi ang lalake at napatingin sa kinaroroonan naming kaya naman ay agad kaming nag tago.

"Talagang mapapahamak na tayong dalawa Karen"

"Sorry naman Henry, bigla ka nalang kasi nang hahatak, iyan tuloy nakalimutan ko" mag tatalo pa sana kami pero nakaramdam na ako ng malamig na bagay, tumatama sa sintido ko"Fuck!"

"Bakit kayo nandito?"

"We are doctors" sagot ni Henry, mapapa face palm nalang ako dito ng dahil sa isinagot niya, we are already caught in a lie and he still have the guts to say something, buti sana kung hindi iisa ang lalakeng kalaban naming na nandito ngayon, they are five.

"Karen Alcantara?" napaiwas ang ng tingin"Kailan ka pa naging doctor? Tsk!" tinanggal niya ang baril niya kaya naman ay ako na ang nag tutok sa kanila."Relax Karen, sa gwapo ko ba naman na ito papatayin ang kasamahan ko?" naguluhan ako sa sinabi niya.

Her Sweetest RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon