CHAPTER 6

600 22 3
                                    


Nagising ako dahil sa ingay ng nasa paligid ko, sa pag mulat ko ay puting kisame agad ang tumambad sa akin, sinubukan kong bumangon pero agad akong pinigilan ni Rheanne. I look at her, punong puno ng pag aalala ang mga mata niya. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid, nandito ako ngayon sa ospital kasama sila Rheanne at Joshua.

"Okay ka lang Rea?" tanong ni Joshua, napangiti ako ng makita ang pag aalala sa boses niya pero agad rin iyong nawala ng maalala kong wala na nga pala kami at hindi na dapat ako ganito para sa kanya.

"Nakakainis ka bessy, hindi mo nalang sana kinain yung binili ko" dahil sa sinabi niya ay naalala ko yung kinain ko, may nakain nga pala akong shrimp sa burger, bakit ba naman kasi hahaluhan nila ng shrimp ang burger? "Sorry bessy, hindi ko sinasadya"

"Hindi mo naman kasalanan, it's okay, look at me buhay pa naman ako" natatawang sabi ko para hindi na siya malungkot, lumapit siya sa akin at niyakap ako.

"Akala ko mawawala ka na ng makita kong buhat buhat ka ni Liam na halos lamunin ka na ng epekto ng Allergies mo" natigilan ako, I remembered everything, tinulungan niya ako, he save my life.

"Nasaan si Liam?" nagkatinginan sila ni Joshua na tila ba ay nagulat ng hanapin ko si Liam, lingid kasi sa kaalaman nila na hindi kami mag kasundo at syempre sino ba naman ang hindi magugulat kung isang araw ay tanungin ko kung nasaan nga ba yung abo na yun.

"Umalis siya matapos ka niyang ihatid dito" napatango nalang ako, ibinigay niya sa akin ang bag ko at umupo sila sa may sofa na katabi lamang ng higaan ko

"Kailan ako makakalabas dito? Pwede bang ngayon na?" sa totoo lang, hindi ko gusto ang nananatili sa mga ospital dahil sa amoy at dahil narin sa nakaraan, lalo na sa ospital na ito dahil dito rin dinala si Kuya at dito rin siya namatay.

"Bukas pa" napabuntong hininga ako, wala akong ibang magawa kundi ang mag tiis hanggang sa mag umaga.

Napatingin ako sa braso ko, wala na yung mga rashes na lumabas ng dahil sa allergy ko, kakaiba ang allergy na meron ako kaya mahirap itong agapan, noong bata pa ako maraming beses akong naitakbo sa ospital dahil sa pag atake nito, pina check up nila ako at pilit na hinahanap ang gamot para matanggal ngunit wala na daw dahil hindi basta basta ang nakuha kong allergy, sa katunayan nga ay ako palang ang kauna-unahang nag karoon ng ganito, may mga allergy naman sa seafoods kaso iba ang epekto sa akin.

Inayos ko ang unan ko sa likod at inihiga ko muna ang katawan ko, nanatili lang akong nakatitig sa kisame, hindi ko alam kung anong nag tulak sa akin at parang gustong gusto ko talagang mag higante, in fact totoo naman ang sinabi ni Rheanne, hindi dapat galit ang pinapairal ko pero mali talaga, hangga't maraming nadadamay na mga inosenteng tao ng dahil sa mga Alcantara ay hindi ako titigil.

"Bessy labas muna ako" tumango lang ako, naiwan dito si Joshua kaya naman ay mas lalo akong napabuntong hininga.

Ramdam kong lumapit siya sa akin, umupo sa may gilid ng kama ko. Nakangiti siya habang nakatingin sa akin.

"Ang ganda mo parin" hinawi niya ang hibla ng buhok na tumatakip sa mukha ko"Alam mo bang gusto kitang makasama ulit", huwag kang ganyan Gavin.

"Kasama mo naman na ako" plain na sabi ko

"What I mean is, yung katulad dati, yung mga panahon na mahal parin natin ang isa't isa kaso dahil lamang sa kaunting pag kakamali na nagawa ko sayo ay bumitaw ka na agad" may luhang tumulo sa mga mata niya pero agad rin niyang pinunasan iyon"Pasensya na Rea kung nag dradrama na naman ako sa harap mo, hayaan mo titigil na ako kapag makakahanap ka na ng iba, kapag nakasiguro akong masaya ka na at hindi ka niya sasaktan na kagaya ng ginawa ko sayo pero isa lamang ang hiling ko Rea"

Her Sweetest RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon