Poem #1

19 1 0
                                    


Masakit Na

(Original date written: 10/17/17)


I

Matagal-tagal na rin kitang gusto,
Lumalim ng lumalim ang nararamdaman para sa iyo.
Di napigilang tumibok ng puso,
Oras-oras, minu-minuto, ikaw ang laging hanap nito.

II

Araw naging buwan, buwan naging taon,
Di napalapit sayo kahit minsan.
Nakakausap ng madalang,
Minsan sa isang buwan lamang.

III

Oo masakit, masakit na masakit na.
Pinilit kong kalimutan ka,
Pero gusto ka pa rin ng puso ko.
Gusto kong magtapat, pero natatakot ako.

IV

Natatakot na baka iwasan mo
At tuluyang di mapalapit sayo.
Kaya pinilit ko na lamang indahin ito,
Kahit masakit na ang puso ko.

Poems By Yours TrulyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon