JAZ Do 4: They snatched each other’s personality (part II)
Eto na ako ngayon sitting in a chair in a school which isn’t mine. Lahat ng ito ay kay Jaz pero ako ngayon ang nasa pwesto niya. Sana maging worth it naman itong pagpapalit namin. I wish I could learn more about Cedric and maybe get close to him in just three months limit.I admit I really have a big crush on him and I won’t deny it.
Katabi ko naman si Ryn ngayon. I’m glad that she’s here and agreed with my crazy idea. Napagplanuhan naman namin ito ng maayos. Inabot din kami ng 1 week bago natuloy itong pagpapalit namin dahil may kailangan pang i-settle. Wala din masyadong nakakaalam sa mga pinaggagawa namin kundi ako, si Jaiz, Ryn at Lest. Well I think Corrine knows about this thing too, she’s really smart.
Maaga kaming pumasok ni Ryn para maitour pa ako ng kaunti dito sa school nila. Our school is not that different from here. Students here are really kind so I have no worries. They also reminded me not to talk too much English and no Italian. Hindi naman daw kasi pasalita ng ganoon si Jaiz sa school kaya no choice kailangan kong magtagalog lagi.
Maya maya ay dumating na din yung mga kaibigan nila, yung nakakita sa amin sa mall. Kilala ko na nga pala sila.
“Morning Ryn at Jax.” The girl with the chinky eyes greeted us.
Napagalaman ko na siya pala ay si Rachelle Anne Ramirez, May lahing Chinese kaya chinita. Malambing daw ito at musically inclined. Simula first year ay magkaibigan na sila nina Jaiz at Ryn.
“Morning din.” Sagot naman namin ni Ryn sa kanya.
“Ako ba walang good morning?” tanong naman nung babaeng maikli yung buhok sa likod niya.
Siya naman ay si Gabrielle Zarian. Mabait daw ito at may pagka makulit. Ito ang laging nagpapatawa sa barkada nila. Ito din ang madalas mangasar, pero sweet daw ito sa kanila. Kakaiba din daw ito mag-isip, di yung normal na takbo ng utak yun bang parang akin may twist ang turns. She and Rachelle are best friend since forever like Ryn and Jaiz and me and Lester.
“Morning din sayo Gabz.” Sabay ulit kaming bumati sa kanya ni Ryn.
“Kailangan talaga sabay kayo?” Gabz asked us.
“Wala lang. Trip.” sabay uli kami ni Ryn. Synchronize ata yung utak namin ngayong dalawa.
They are really easy to get along with. Nakikipagkwentuhan nga kami sa kanila ni Ryn eh at mukahang wala naman silang napapansin sa akin. Normal lang naman yung pakikitungo nila. I hope this will end up good.
Maya maya ay nagsimula na din yung klase namin. Naipaliwanag na naman na sa akin ni Jaiz at Ryn yung mga subjects nila at kung saan na yung tinuturo ng teacher nila. Sinabi na din nila sa akin yung pangalan ng mga teacher nila at kaklase pati na din yung mga ugali nila. Hindi naman ako nahirapan sa pagaadjust. And Ryn is always at my side to be my aide.
Natapos naman agad yung morning class at dahil lunch na eh sa Canteen ang diretso namin. Bumili na ng pagkain at naghanap ng mauupuan. Maraming tao ngayon sa Canteen at halos punuan na yung mga table. Buti na lang at nakahanap kami sa bandang dulo. Naupo na kami doon at kumain syempre.
“Nuod tayo mamaya sa gym ah.” Sabi ni Gabz.
“Bakit anong meron dun?” sabi naman ni Ryn sabay subo nung pagkain niya.
“May practice kasi mamaya yung varsity sa gym at dahil nandun yung crush ni Gabz na si Warren eh manunuod tayo.” Sagot ni Rach.
“Ayos lang naman sa inyo di ba?” Tanong ni Gabz.
“Yeah sure naman. Nuod tayo mamaya. Di ba Ryn?” Sagot ko naman sabay tingin kay Ryn na nanlalaki yung mga mata.