JAX Do 4: They snatched each other’s personality
Nakatayo ako ngayon sa gate ng school nila Jaz. Bakit nga ba ako napapayag ulit sa kabaliwan naito? Kasi kapatid ko yun at minsan lang magka-crush kaya hayaan na nga. Three months lang naman siguro yun.
Di alam ng parents namin na nagpalit kami ni Jaiz. Nasa Italy pa din kasi sila, baka nagse-second honeymoon sila. Yuck. I don’t even wanna know.
So ngayon pati tirahan ay nagpalit kami. Napagplanuhan na din namin lahat ng kailangan. Halos inabot din kami ng one week sa preparations dito. Lahat ng tungkol sa school at friends nila ay alam ko na at vice versa. Tska nandyan naman sila Maine at Ryn para umalalay sa amin. I hope walang mangyaring disaster.
“Don’t worry Xaila, I won’t leave you. Promettere (Promise).” sabi ni Maine sabay taas pa ng kanang kamay.
“Thanks Maine but make sure you do it. Because if you break your promise you won’t ever see the sun again.” Pagbabanta ko sa kaniya but deep inside, I’m grateful kasi alam ko na kahit papaano ay hindi niya ako iiwanan. Para kasi akong bumalik sa kinder at ito ang unang araw ko sa school.
“Why? Are you going to break my neck or shoot me perhaps?”
“No, much worse. I’ll lock you in my closet forever at hindi kita palalabasin kahit kalian. Sa ganung paraan mo hindi makikita ang araw, kaya nagkakaintindihan ba tayo?”
He just smiled at ginulo ang buhok ko. Mga ilang minuto din bago kami nakapunta sa classroom, nasa third floor kasi ito. Pagpasok ay tinuro kaagad ni Maine ang upuan ko, nilagay ko lang muna ang bag ko doon at umupo sa desk ni Maine. Wala lang trip ko hindi pa naman nagsisimula yung klase so walang magbabawal sa akin.
“So, what am I gonna call you now? Lester, Maine or Best?” I asked him.
“Anything your comfortable with.” sagot naman niya.
“Okay, Best Lester Maine.” Nagtatawanan kami sa sinabi ko ng may biglang umakap sa likuran ko. Lumingon ako at isang lalaking cute ang nakita ko.
“Jaz, I missed you so much.” Sabay kiss sa cheeks ko.
“Hello Jasper. Parang dalawang araw lang tayong hindi nagkita tapos miss mo na agad ako?”
Nagpout naman siya. Ang cute niya talaga. Ito daw si Jasper Carlson ang pinaka-isip bata sa kanilang barkada at the same time ang pinaka sweet.
“Kahit na. Didn’t you miss me? Ha, Jaz?” Tanong niya sa akin habang nagpuppy eyes.
“Hindi” Nagpout ulit ito at tatalikod na sana. “Syempre di kita namiss kasi super duper na miss kita.” Sabi ko naman at ako naman ang nag-pout.
Humarap naman siya sa akin at hinug ako ulit. Nginitian naman ako ni Maine na parang sinasabing ‘good job’. Sabi kasi nila kailangan sakyan mo lang si Jasper para di magtampo. Nagkwentuhan naman sila Jasper at Maine ng pumasok yung dalawa pa nilang kaibigan.
“Jaz, good morning sa iyo.” Energetic na sabi ni Ryan sa kanya. Ryan Conrad Santos is the joker of the group, mabait ito pero bihirang magseryoso ito sa isang bagay. Nakipaghandshake naman siya sa akin, yung secret handshake nila ni Jaz. Basta mahilig daw si Ryan sa mga ganito. Grabe pinag-aralan ko pa yun.
Pagkatapos ay linagpasan na ako ni Ryan para batiin pa yung dalawa. Grabeng batian naman yung naganap sa kanila batukan. Hindi tatalino ang mga ito. Napatingin naman ako kay Corrine.