JAX Do 15: I’m shooting my happy ending.
I’m hurt and I’m depressed. Hindi ko alam na ganito pala ang pinagdadaanan ng mga broken hearted, masyadong nakaka-emo. Psh. Nagkulong lang ako maghapon nun sa kwarto, yung panahon na narinig ko yung confession ni Maine kay Jaz. Hindi na ako nakakain at iyak lang ng iyak. Naasar ako sa sarili ko kasi yun lang yung ginawa ko pero I promised myself that I will cry all the sadness and hurt all out para wala ng matira at hindi ko na ulit iyakan yun.
Nung kinabukasan naman ay kumakatok siya sa condo pero hindi ko siya pinapansin patuloy lang ako sa ginagawa ko. Ilang minuto din ay umalis na siya, akala siguro niya ay wala ng tao kaya umalis na. Buti na lang at naiwan niya dito noon yung spare key niya sa condo ko. Maya maya din nung sigurado akong wala na siya ay umalis na din ako papuntang school.
Pagdating ko naman sa school ay magkakasama ang barkada sa isang sulok. Nung dumating ako ay napalingon sila lahat sa akin. First time na hindi ko kasabay si Maine na pumasok sa school eh. Yung itsura naman ni Maine ay parang nagtatanong sa akin kung ano ang nangyari.Lalapitan na sana nila ako pero biglang pumasok yung adviser namin kaya tumalikod na ako at dumiretso sa upuan ko. At dahil malapit lang ang upuan ni Corrine sa akin ay binigyan niya ako ng tingin na nagsasabing mag-uusap kami mamaya. Expect her to know everything.
Nag-klase lang kami ng morning classes kaya wala naman masyadong nangyari. Pagka-bell ng lunch ay agad akong tumayo at lumabas na, ayaw ko na kasi na makausap pa ako o malapitan ni Maine. Alam na naman ni Corrine kung saan ako hahanapin kaya I didn’t bother telling her or waiting for her.
Mahangin sa roof top pagbukas ko pa lang ng pinto, nakaka-wala ng stress. Naupo lang ako sa isang sulok at doon nag-intay kay Corrine. Iniisip ko ang mga gagawin ko kung paano iiwasan si Maine lalo na at magkatabi lang ang condo namin at magka-klase pa kami. Hindi ko namalayan na masyado na palang napapalalim yung pag-iisip ko kaya hindi ko napansin na dumating na pala si Corrine. Kung hindi niya pa ako kinawayan sa harap ng mukha ko ay baka hanggang ngayon ay tulaley pa din ako.
“Ang lalim ng iniisip mo ah.” Sabi ni Corrine.
“Yeah.” Deretso lang ang tingin naming dalawa.
“So, what is with the avoidance issue?”
“Is it that obvious?”
“Yeah, for me but for him I think he still doesn’t get it. Maybe he’s thinking you got a red flag today or something. Dense as usual.”
“Glad to know that at least kahit papaano ay makakalampas pa ako ng ilang araw.”
“But in the end you still have to face it.” Tumingin na sa akin si Corrine pero ganoon pa din ang position ko. Nakikita ko lang siya sa peripheral view ko.
“I know. Nahihirapan lang ako ngayon. I need to forget about it before I can face him without hesitation.”
“Alam ko naman na nasasaktan ka, alam ko na malungkot ka, at alam ko na pakiramdam mo kakawala ang lahat ng yan kapag nagkaharap kayo. Alam ko lahat yun.”
Humarap ako kay Corrine at nakita ko sa mga mata niya ang concern. Concern sa nangyayari sa akin at sa mga pinaggagawa ko. Nakikita ko din ang lungkot sa mga mata niya dahil sa nakikita niya sa akin. At dahil sa mga emosyon na yun sa mga mata niya ay hindi ko na napigilan ang mga luha ko.
I thought all of it will be dried up and that after what I did the other day nothing will ever come out again. But oviously I was wrong because now more and more tears are running down my face. Hindi pa ba ako nauubusan ng tubig sa mata? Pagod na ang mga mata ko, pati ang puso ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/1478482-288-k129091.jpg)