JAX Do 22: The Fairy Princesses

1.3K 12 2
                                    

JAX Do 22: The Fairy Princesses

Ewan ko ba pero nakakatakot pala. Isang taon na naman ang lumipas at ilang pagsubok din ang nagdaan pero heto kami patuloy lang sa buhay. Isang taon na naman ang dadaan at alam namin na mas mature na kami sa pagharap namin dito.

Malimit na sinasabi ng iba na nagbabago daw ang isang tao kapag tumatanda na sila pero ang masasabi ko, hindi totoo iyon. Para sa akin hindi kami magbabago kahit ano pa ang mangyari kundi isasaayos lang naim ang mga mali naming nagawa dahil wala kaming pinagsisisihan sa lahat ng iyon. Dahil kung hindi sa mga pagkakamaling iyon ay baka hindi na namin naabot ang kaligayahang kinalalagyan namin ngayon.

Magkasama kaming nakaupo ngayon sa harap ni Jaz. Nakakatuwang panoorin ang mga tao sa harap namin na masaya at walang problema. Hindi mapapantayan ng kahit ano ang saya na mararamdaman mo kapag nakita mo ang mga ngiti ng mga mahal mo sa buhay.

Nagkatinginan kami ni Jaz at alam ko na kung ano man ang nakikita ko sa mga mata niya ay ganoon din ang makikita sa akin. Puno ng saya.

Ano ba naman kayo. Bakit nandiyan pa din kayo sa taas? Dapat nakikijoin kayo noh.” Nagulat kami ng biglang magsalita si Ryn. Nasa harapan na pala namin sila.

Oo nga. Birthday na birthday niyong dalawa tapos nag-e-emo kayo. Oh c’mon.” Matawa-tawang sabi ni Gabz.

Time to party na. Wooohooo!” Sigaw ni Ryan at Jasper.

Tayo na diyan manager. Party party na.” Sabi ng Dragons.

Tara na Jaz. Sayaw tayo.” Napa-yie naman kami sa sinabi ni Cedric.

Agad namang nagsi-alisan yung iba pati si Jaz na nakikipag-sayaw na kay Cedric. Kinindatan ko pa siya na agad niyang ikinamula. Natira ako, si Maine at Corrine sa harap.

You know, all these weird things happen for a reason.” Corrine started. “Maybe to test loyalties, love and individuality. And I think all test have been passed.

Napangiti ako sa sinabi niya. Tama siya may natutunan kami sa lahat ng nangyari. Loyalties of friends, love for your other half and individuality namin ni Jaz. Now people know kung sino talaga kami, not because sinadya naming ipakilala ang mga sarili namin, kung hindi dahil minahal at kinilala nila kami ng lubusan.

We are now back at our own self. Balik na ako sa ISKA at si Jaz sa ISLA. Ako muna ang tumatayong manager ng Dragons kapag nasa school pero si Jaz pa din ang totoong mangaer kung baga substitute muna ako. Hindi din nalaman ng dalawang school na nagpalit kami ng pwesto ni Jaz.

Si Gabz at Warren naman ay sila na. Grabe hanep talaga yung nagyaring pagpro-propose ni Warren para kay Gabz nakaka-kilig. May nabubuong something naman kay Jasper at Ryn. Ewan ko sa kanila ayaw nilang umamin pero halata naman, mga in-denial.

Si Corrine ayun matalino pa din. Si Ryan makulit pa din pero may pinopormahan na daw siyng ka-schoolmate nila.

Kung kami naman ni Maine ang pag-uusapan ay okay din kami. Nanliligaw pa din siya. Trip ko lang pahirapan siya.

Hey principessa, let’s dance.” Sabi ni Maine. Agad ko namang kinuha yung kamay niya at dinala niya ako sa dance floor. “You and your sister look like faries. Two beauriful faries.

Well, si mom ang nag-ayos nito at enchanted garden ang gusto niyang theme kaya faries kami talaga ni Jaz ngayon.

Niyakap niya lang ako at pinagpatuloy namin ang pagsasayaw. After ilang sandal lang ay tinawag na kami for the blowing of candles sa cake at sa pagbibigay ng wishes ng mga malalapit sa amin.

After noon ay binigay na sa amin ni Jaz ang mikropono.

We would like to thank all of you who went here and celebrate with us. It is our pleasure to have all of you as a part of our lives.” sabi ni Jaz.

Thanks for accepting us, as who we are and not who we pretended to be. We love you all.” dugtong ko.

And we have a special announcement.” sabi ni Jaz matapos ang palakpakan. Tinignan niya ako at tinanguan ko siya. We have a surprise. “After everything I’ve done, you still accepted me.

After all the pain I’ve been through you are now here loving me.” sabi ko naman.

Sinasagot na kita Cedric.”.. “Sinasagot na kita Maine.” sabay naming sabi.

Halos mabingi kami sa mga sumunod na nangyari. Malakas na palakpakasn at mga hiyawan ang pumaibabaw. Tinutulak nila sa harapan sila Cedric at Maine na halata  pa din sa mga mukha ang gulat.

Alam namin na marami pang mangyayari sa mga susunod na taon pero alam din namin na basta magkakasama kami ay malalagpasan namin ang lahat ng iyon. Hindi ito ang katapusan dahil isang simula pa lang ito ng panibagong kabanata.

Shemay ate Yana bakit ka uminom ng alak?” napalingon kami sa sumigaw.

Alak ba to? Akala ko juice. Bakit kasi ganito yung ku-.” hindi na natapos nung babae yung sasabihin niya ng bigla siyang hinimatay.

Binuhat naman siya nung isang lalaking dumating. “You are a troublesome lady.” medyo namumula pa yung lalaki.

Well, singit lang sila dito. Abangan na lang sila sa susunod. Paalam. 

My Twin Made Me Do It (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon