JAZ Do 3: Change Costume and OMG I had a crazy idea.
Masaya ang naging lunch namin. We talk about my life and Lester’s in Italy. Stories about our friends and how different the culture there and here in the Philippines. Pinag-usapan din namin ang buhay niya dito sa Pilipinas. They also talk about their other friends that they call “the Elle’s”
Maya maya pa ay nagpaalam si Jaiz na magc-cr muna. Tinuloy naman namin ang pagkain at kwentuhan. A minute later two girls approached our table.
“Hey Ryn, hey Jax. Nag-mall ulit kayo?” sabi nung babaeng chinita.
Napatingin ako kay Ryn cause I don’t know who they are. a surprised look was written in her face. Oh, so she really did know this two. Hindi muna ako magsasalita napagkamalan ata akong si Jaiz ng mga ito.
“Hi Rach, hi Gabz.” Ryn manage to recover from her surprise. “Kayo din kaya nagmo-mall.”
“Syempre naman pero may binili lang kami. May pupuntahan kasi kaming reunion mamaya.” sabi naman nung babaeng may aurang bubbly.
“Kami naman mamamasyal lang.”
“Pasyal ulit? Eh sino siya?” tanong ulit nung babaeng chinita pero nakatingin na siya sa akin. Nakatingin lang din namann ako sa kanya kasi hindi ko alam kung ano ang sasabihin. hingi naman kasi ako si Jaiz. “Hey Jax, pakilala mo naman kami sa kasama niyo ang gwapo ah.”
Natauhan naman ako sa sinabi niya. Cool, in their perception, I’m really Jaiz. “Si Lester, kababata namin.” sabi ko. Hindi na naman sila nagtanong pa ng iba dahil nagmamadali din silang umalis.
Pagkaalis na pagkaalis naman nila ay ang dating naman ni Jaiz. Umupo siya agad at tinignan kami.
“Anong nangyari? Nakita ko kanina na nandito si Rach at Gabz kaya hindi muna ako bumalik agad.” tanong ni Jaiz.
Kinuwento naman namin ang nangyari at nakahinga naman siya ng maluwag. It’s not yet the time for people to know our secret.
We went home just setting that situation aside. Mga six pm ay nasa bahay na kami. Hindi na kasi ako magtatagal sa bahay kasi lilipat na din ako bukas sa condo ni Daddy. Sinusulit ko na ang oras na makasama sila sa iisang bahay kaya dito na din nag-sleep over si Ryn at Lester.
****
Kinabukasan ay nagsimba kami ng maaga at sa bahay na lang kami kumain ng tanghalian. Nung dumating ang hapon ay tinulungan nila akong maglipat ng gamit sa condo. Hindi naman nagtagal sila Jaiz at Ryn dahil may pasok na din sila kinabukasan. Si Lester naman ay nag-stay pa hanggang gabi bago lumipat sa condo niya na katabi lang nung akin.
Bukas ay papasok na kami ni Letser sa bago naming school. Inenroll na kasi kami ni Daddy at Tito kaya wala na kaming poproblemahin. Excused na din kami dahil one week na ang nakalipas after ng unang araw ng pasukan.
Excited na ako para bukas. I hope I’ll have many friends and have a great time.
****
Nanditi kami ngayon sa harap ng pintuan ng klasrum namin. We are enrolled in Saint Lazarus Academy or also known as ISLA, malaki ang school na ito at sobrang ganda. I also like there uniform- white bluse, blue vest, necktie and knee length skirt, ang cute talaga.
Mayamaya ay pinapasok na kami nung adviser namin and made us introduced ourselves. And daming kinilig na babae nung si Lester yung nagpakilala tapos sa akin dedma. Hmmp. After that ay itunuro na niya sa amin kung saan kami uupo. Hindi kami magkatabi ni Lester kasi magkalayo yung bakanteng upuan, sa likod siya at sa gitana ako malapit sa isle. Katabi ko ay isang lalaking sobrang cute.