JAX Do 13: A bomb was dropped and I died.
Balik eskwela na kami ngayon ulit. Grabe ang saya ng naging bakasyon namin ni Maine sa Zambales, unforgetable talaga. Nasa classroom na kami ngayon at maaga pa naman kaya kumpulan muna kami dito sa may pwesto ni Ryan kasi dun wala pa masyadong tao. Mga late ang katabi ni Ryan eh.
“Guys bonding naman tayo miss ko na ang barkada eh.” Sabi ni Ryan. “Lagi tayong busy with stuffs na hindi tayo magakakasama.”
“Yeah tama si Ryan, lagi kaming may praktis sa band pero di kasama si Lester kasi laging nakadikit kay Jaz, na ewan ko ba kung hindi pa sila nagsasawa sa itsura ng isa’t isa eh lagi na sila magkasama mula sa school hanggang sa condo nila nagkikita sila. Tapos itong si Corrs lagi namang tahimik yan wala na pinagbago, aray.” Sabi ni Jasper ayan nabatukan ni Corrine.
“Anong tahimik lagi? Ang daldal ko na nga dahil sa inyo, mga virus niyo nakakahawa.” Sabi naman ni Corrine.
“Buti pa virus namin sa pagkamadaldal nakuha mo eh bakit yung virus mo sa pagiging matalino di nakakahawa?” sabi ni Ryan. “Aw.”Nabatukan din siya ni Corrine haha.
“Wala na kasi kayong pag-asa, kaya wag na kayong umasa. Hindi na kayo tatalino ng kasing talino ko. Genius na ako eh hindi niyo na malalampasan.” pang-aasar naman ni Corrine.
Ang kulit nila tignan para silang mga bata, yung mga cute na nagaasaran sa playground, nagpapaluan at nagtatawanan. Buti di kami napapansin ni Maine kasi tawa lang kami ng tawa sa may gilid. Ayaw nga namin maging center of attention.
“Hoy kayong dalawa.” Biglang baling sa amin ni Ryan.
“Oh kaming dalawa.” sabi ko.
“Oo nga kayong dalawa. Basta kayo.” naguluhan si Jasper sa sinabi niya.
“What?” sabay na sabi namin ni Maine.
“Sabay pa talaga ah.” Sabi naman ni Jasper.
“Ano po kasi yun? Di ba kayo kanina nagkukulitan? Bakit nabaling sa amin?” tanong ko.
“Nalaman kasi namin na you two went to Zambales, Pandaquit to be specific for an overnight stay at sa iisang kwarto pa.” pahayag ni Ryan with a teasing tone tapos nakataas pa yung kilay niya at nakangiti ng nakakaloko.
Napamaang naman ako sa sinabi niya. Paano nila yun nalaman? Pati yung sa iisang kwarto lang kami nag-stay? Ano sila mga stalker? Bakit nila alam yun? Secret lang yun namin ni Maine eh. Ang daya naman bakit ganun. Ngayong alam na nila hindi na tuloy masaya alam na nila. Aasarin lang kami ng mga ito eh at malamang sa malamang ay hindi kami titigilan.
“How’d you knew that?” Tanong ni Maine.
“Well, nagtataka ka pa ba Lester? Kaibigan natin si Corrine na isang henyo. H-E-N-Y-O o genius sa ingles gaya nga ng sabi niya kanina. Alam niyan lahat. ARAY! Nakakdami ka na Corrine ah.” Nabatukan ulit si Jasper, kawawa naman sila ni Ryan nahahawa na ata sa akin itong si Corrine eh. “Ikaw Jaz nahahawa na sayo itong si Corrine sa pananakit at pagiging madaldal tsk tsk. ARAY! Huhu inaaway niyo ako.” Ako naman kasi yung bumatok sa kanya, sabi sa inyo nahawa na sa akin si Corrine eh. Si Japer naman tampo kunyari lang, iyak kunyari tapos tawa bigla. Baliw mga kaibigan ko mga may sapak sa utak. So back to the topic.
“San mo naman yan nahagilap Corrine?” tanong ko.
“I have ways.” Sagot naman niya.