JAX Do 19: The idiots made us speechless.
Nagulat sila sa prinopose ko pero ng ipinaliwanag ko naman ay nag-agree kahit na nag-hesitate ng kaunti si Maine. Hindi naman tumutol si Jaz dahil alam ko na gusto niya rin naman na maayos ang lahat.
What is my plan? It’s simple really. Babalik na kami sa dati. Ako bilang si Jax at siya bilang si Jaz. Back to normal na ang buhay namin. Well, konti lang naman.
Ito ako ngayon at sinasagawa ang plano ko. Alam kong magiging successful ito dahil kailangan talaga. Hindi ako pwedeng magkamali at pumalya dahil nakasalalay dito ang kasiyahan ng kapatid ko.
Unang una naming gagawin ay ang kausapin ang sa side niJaz. Sila Jasper at Ryan. Dahil sila ay hindi pa alam ang tungkol sa amin ay mas maganda na maipaliwanag na namin ng maaga kaysa malaman pa nila sa iba at mas lalo silang magalit. Pinapunta namin sila ngayon sa condo ko nasa kwarto muna sila Jaz at Ryn kasi kami muna ni Maine ang kakausap. Sinama na namin si Corrine para may karamay pa kami kung sakaling kailangan naming mag-explain ng todo-todo.
Hindi naman kami nag-intay ng matagal dahil tumunog agad yung doorbell. Si Maine na ang nag-bukas ng pinto.
“Hey dude!” bati ni Ryan at sabay apir kay Maine.
Nakikita ko sila dito sa pwesto ko sa sofa dahil malapit lang ito sa may pintuan.
“Bakit pala urgent kayong nagpatawag ng meeting?” sabay ngiti ng nakakaloko ni Jasper.
“Magsitigil nga kayo at umalis diyan sa may pintuan. Nakaharang kayo, kung gusto niyo diyang mag-stay papasukin niyo muna ako.” Inis na sabi ni Corrine.
Tinawanan lang naman siya ng mga boys. Humawi naman sila sa pintuan at pinapasok na si Corrine na dumiretso agad sa may sofa at tinabihan ako.
“Is it time?” tanong niya.
“Sadly, it is.” sagot ko sa malungkot na tono. “Do you already know what happened?”
“Yeah, Jaz told me.”
“Hoy anong pinagbubulungan niyo diyan?” Sabi ni Jasper sabay upo sa gitna namin ni Corrine. Nagsisunuran na din si Maine at Ryan. Si Maine sa tabi ko at si Ryan sa isang one-seater.
“It’s girl thing Jasper. You don’t have to know.” Inis sa kanya ni Corrine na ikina-pout nito.
“So what’s up with this meeting thing?” sabi ni Ryan pagkatapos ay isinubo ang popsicle na hindi ko alam kung saang lupalop niya kinuha. Malamang sa ref ko yan. May stock kasi ako ng mga ice cream sa condo.
“May sasabihin lang kami.” Then I look at Maine and Corrine.
“Tungkol saan?” Ryan continues eating the popsicle.
“Well…” Hindi ko alam kung saan ko sisimulan. Mahirap pa lang umamin noh. Ngayon alam ko na yung feeling ng mga taong mag ginawang malaking kasalanan. Talaga pa lang mawawalan ka ng sasabihin lalong lalo na doon sa mga taong piangsinungalingan mo.
“Aamin ka na ba na hindi ka si Jaz?” Napatingin kaming tatlo agad kay Ryan. What the hell.
He is smiling like an idiot. Alam mo yung look na parang naisahan niya kami ganun yun. Tinataas baba niya pa yung kilay niya. Pero imbis na nakakainis ay nakakatawa pa dahil nakasubo pa yung popsicle sa bibig niya habang ginagawa niya yun.
We look at Jasper kung nagulat ba siya sa sinabi ni Ryan pero tumatawa lang siya.
Now I’m really confuse? Mukhang ako ata ang nalilito. I can’t comprehend what is happening. Shemay weirness overload na ang natatanggap ng utak ko.
