Nakatayo lang ako dito, naka tanga. Ano ba yung nangyari? may humila sakin papasok dito sa janitor's room tapos hinalikan ako.
HINALIKAN NYA 'KO?!
Sino naman hahalik sakin at bakit niya gagawin yun? Kaylangan ko malaman kung sino yun! Kelangan ko siyang habulin. Nahirapan ako lumabas dahil hindi naka galaw ng maayos yung mga paa ko sa sobrang gulat. Paglabas ko ng janitor's room, hinanap ko agad yung lalaki na humalik sakin.
Wala namang tao dito, teka! mali ako, meron pala. Nakatalikod siya sa akin at nag lalakad palayo. Hinabol ko siya tska ko siya sinigawan.
"HOY IKAW!"
Pag kaharap niya sakin, nanlaki agad yung mata ko. Siya nga ba talaga?
SI ZACHARY?
Si Zachary yung humalik sakin? Siya lang naman yung tao dito eh, hindi naman pwedeng mawala agad yung lalaking humalik sakin sa loob. Pakiramdam ko may kung anong bagay na bumagsak sakin. Hindi pwedeng sa isang katulad niya mapupunta yung unang halik ko. Sa isang napaka samang lalaki, mayabang, arogante, basta sa isang bad boy.
"Kapatid ni Jax! anong problema mo ha?!" tinatanong pa niya kung anong problema ko? Nang iinsulto ba siya?
"Bakit mo ko hinalikan?!
Nanlaki yung mata niya, parang nakakita siya ng multo. Maya maya bigla siyang tumawa ng malakas, napahawak na nga siya sa tyan niya eh.
"HAHAHAHA!! ikaw hahalikan ko?!"
"Wag kang tumawa! hinila mo ko dun sa janitor's room! tapos.. tapos.." gusto ko sanang sabihin na 'HINALIKAN MO KO!' kaso pinigilan ko na yung sarili ko. Maiisip ko pa lang na hinalikan niya ako kinikilabutan na ko.
"Ang sama mo!" sinuntok ko siya sa dibdib niya, kaso ang tigas pala talaga, feeling ko ako lang nasaktan. Sa inis at asar ko napa iyak na ko. Buiset na lalaki 'to! napakasama talaga niya.
"Hoy nerd na panget! wag ka ngang umiyak sa harap ko! wala akong ginawa sayo! ASA ka pang hahalikan kita! EW!" wala akong paki alam sa mga sinasabi niya. Siya yung humalik sakin! hindi ako pwedeng mag kamali.
"Anong nangyayare dito?!" lumapit samin si Kuya jax.
"Kausapin mo nga tong kapatid mo Jax, ang lakas mag ilusyon eh."
Hinila ako ni kuya papunta sakanya at nakita niya akong umiiyak. Kahit Aso't pusa kami, ayaw niya akong nakikita na umiiyak. Hinawakan niya yung braso ko. Tinignan ko siyang galit na galit, ako naman parang tangang umiiyak pa din.
"Anong problema Kylie?"
"Si.. Si Zachary!! hinalikan ako eh!!"
Ngayon ko lang napansin na lahat pala silang apat andun na, pati mga classmates nila. Great. Ano to show?! please lupa kainin mo na ko ngayon, sana pala hindi ko na lang sinabi ng malakas yun. Sana hindi nila narinig yun pero mukhang dinig na dinig nila yung sinabi ko.
Lahat sila natahimik, tapos nag tawanan.
"Kylie, may sakit ka ba?" hinawakan niya yung noo ko. "Alam kong matinik tong si Zach sa babae, pero never kang hahalikan niyan! HOT GIRLS ang tipo niya eh. Tsk, gutom lang yan." ah ganun? wala na akong karapatan na halikan? porket ganito ako? I HATE YOU KUYA JAX!
Umalis ako dun na umiiyak. Ang sasama nila! hindi ko naman sasabihin yun kung hindi naman talaga yun nangyari. Hindi ako isa sa mga fangirls ng Zachary na yun para mag ilusyon at gumawa ng kung ano anong kwento. Kung pwede nga lang hindi ko na siya makita eh.
Usually, sabay kami umuuwi ng kuya ko, ng MAGALING KONG KUYA. Sakay ng kotse namin, pero na iinis ako sakanya, alam ko hindi kami super duper close pero sana pinaniwalaan niya ko di ba? tska hindi pa pala uwian, nag ditch pa ko ng class! hays napaka ganda naman ng araw ko oh. Nice one Candice.
Pag ka uwi ko, sinalubong agad ako ni cholo, yung chowchow namin.
"Arf.." parang moo ng cow yun na pinalitan ng R. Lumapit siya sakin tapos hinalikan ako.
"Percy.. alam mo ba kung anong nangyare sa mommy mo ngayon? DISASTER! badtrip talaga!"
"Hi baby! aga mo ah? asan kuya mo?" tumanaw siya sa labas ng bahay. "Asan yung kotse? may nangyare na naman ba?" tinignan ko lang si mama, naiiyak na naman ako eh. *sob*
"Mama.. yung first kiss ko." niyakap ko si mama, tapos umiyak na talaga ako. Close kami ni mama kaya lahat nasasabi ko sakanya. "Wala na! at si Zachary pa yung kumuha nun!" hinarap ako ni mama, nag tataka siya. Teka wag mong sabihin na hindi din siya naniniwala sakin?
"Baby naman, si Zachary yun, hindi niya yun gagawin sayo." pati ba naman si mama?
"Porket ba nerd ako? panget? hindi na ko pwedeng halikan ng gwapo?"
"Anak hindi naman sa ganun.."
"MAMA naman eh! Alam mo naman na NAPAKA BAD BOY NUN EH!" umakyat agad ako sa kwarto ko. Pati ba naman siya? hays naman oh! Hinabol ako ni mama sa taas, pero sinara ko na yung pinto ng kwarto ko. Tapos humiga ako sa kama ko. Bakit ba ayaw nila maniwala na hinalikan nga ako nung Zachary na yun! Ganun ba ka imposible na halikan ako ng isang lalaki? ganun na ba ako ka panget?
"Kylie! buksan mo yung pinto anak!"
"LEAVE ME ALONE!"
Hinarap ko yung kisame, ano nang mangyayari sakin ngayon?
Kinuha ko yung phone ko, binuksan ko yung Facebook ko.
Ano tong video na naka tag sakin? teka, AKO to ah?
"Si... Si Zachary!! hinalikan ako eh!!"
Yung nangyari to kanina, pambihira! Sino naman kayang nag video neto? grabe naman. Naka tag pa talaga sakin. Huhu. Bakit pa nila kaylangan i video 'to? Ngayon, lahat ng tao sa school namin, alam na yung nangyari kanina!
Ang daming likes at comment, binasa ko nga.
ASA naman siya! hindi siya hahalikan ni FaFa Zachary!
Ang panget niya!
Nanaginip ata siya ng gising eh! HAHA
Great.
Humiga ulit ako sa kama ko, nakatingin ulit sa kisame ng kwarto ko. What did just happen? Kanina lang, kinausap ko yung APAT na yun. May inabot lang naman ako kay Ace kaya ang akala ko okey lang kasi hindi naman nila ako mapapansin nun. Kaso ngayon naman, sinabi ko sa tapat ng madaming tao na hinalikan ako ni Zachary, Paanong hindi nila ako mapapansin? Argh! ano ba namang kamalasan 'to?. Sana panaginip lang talaga to! parang sumasakit lang ulo ko eh! >.<
Kung iisipin mo, bakit nga ba naman ako hahalikan ni Zachary?
Si Zachary, bad boy na sikat sa school, eh ako? nobody. Si Zachary na habulin ng mga babae, ako? panget at nerd.
Kung ibang tao nga din naman ako, iisipin ko na hindi yun gagawin ng mayabang na yun! Iisipin ko talaga na nag iilisyon lang ako. Na isa lang akong delusional fangirl ng Zachary na yun. Kaso sino naman humalik sakin? MULTO?! kelan pa ba natutong humalik yung multo aber? Sana nga hindi na lang talaga niya ko hinalikan. Sana lahat yun panaginip na lang. Sana lahat ng 'to, isang masamang panaginip lang. Isang malaking bangungot
--
Itutuloy
YOU ARE READING
MEANT TO BE
Teen FictionMeet Kylie Zedler, isang dakilang nerd at nobody. Simple at tahimik lang ang buhay niya kaya sino bang mag aakala na makilala niya ang apat na gwapo, mayaman, maangas at sikat na bad boys ng school nila? Hindi niya inaasahan na sa isang iglap lang...