"Hoy KIM! bitawan mo nga siya!"
Si ZAYNE? Nanaginip ba ko?
"Bakit Zayne?! wag kang maki alam dito!"
"Gusto mo bang magalit sayo si Jax?" nakatingin lang ako sakanya, pinag tatanggol niya ba talaga ako?
"Damn you!" binitawan ako ni Kim. "Pasalamat ka, kapatid ka ni Jax!" Umalis na siya kasama yung mga alipores niya. Pati rin yung mga tao sa paligid namin nag si alisan na. Wala ng tao, ako na lang at si Zayne! Shete! bumibilis ata tibok ng puso ko, napapalunok na lang ako.
"Ah.. sa-salamat Za-Zayne"
Nakakahiya naman na uutal utal pa ko. Hello? first time ko kaya siya kinausap. Wah! sobrang nakakahiya yun pero hindi niya naman ako pinansin eh, nag lagay lang siya ng earphone sa tenga niya. Snobero talaga ng gwapong nilalang na 'to. Wapakels na lang, eh anak ng tinapa ang saya ko eh! kung totoo man na tinulungan niya ako o hindi, masaya pa din ako! Mag iilusyon na lang ako na pinag tanggol niya ko! wahaha. Kahit papaano pala.. hindi ako ganun ka malas.
Gusto kong pumunta ng library, kaso hindi nga ko nakakain kanina. Eh gutom na gutom na ko at buti may baon ako na sandwich dito. San kaya ako kakain na walang tao? kung sa canteen, ang daming tao dun, pag ti-tripan nila ako, ngayon pa! Grr!! naalala ko na naman yung video na yun. Kung sino man nag pakalat ng video na yun, wala siyang kasing sama. Huhu! ang sama sama niya para ipagkalat pa yun
Pumunta na lang ako sa likod ng building namin, aba garden pala to. Walang tao dito, eh sino ba naman gusto dito? walang kabuhay buhay kahit pa sabihin na madaming halaman eh.
Sumandal ako sa may puno, yun oh! parang naka hanap ata ako ng mas peaceful life. Ang sarapa dito tahimik--
"AHA!"
"Ay palaka ka!" nakakagulat naman muntik na ko atakihin sa puso ah.
"Ako mukhang palaka? Sa GWAPO ko na 'to?!" aba ang yabang! pag ka tingin ko, hindi na ko nag taka kung bakit ang hangin niya. Wala talagang kasing yabang neto ni Zachary.
"Haha ikaw gwapo? pagkalat mo!" nakakainit siya ng ulo.
"Pagkakalat ko pa ba? eh alam na naman ng lahat na napaka gwapo ko." ay sorry siya kasi ako hindi ko alam eh. "Sabi ko na nga ba may gusto ka sakin." gusto ko siya?! at saang lupalop naman niya nakuha yung idea na yun?
"Excuse me?" tinaasan ko siya ng kilay, wala na akong paki alam kung isa siya sa APAT, eh kaming dalawa lang naman dito eh at isa pa sinimulan na naman niyang i-BULLY ako, hindi na ako mag papatalo. "Wala akong gusto sayo."
"Patay malisya ka pang panget na nerd ka. Kaya nga andito ka sa tambayan ko di ba?" ngumisi siya sakin. "Stalker kita nuh?!"
"Stalker mo ko? HAHA! ayos ka din mag joke ah!" tinarayan ko siya. "Malay ko bang tambayan mo 'to! kung alam ko lang hindi na ko pumunta dito!" Nakakinit siya ng ulo, napapasigaw pa ako dito. Kelan pa ba ko nakipag away maliban sa kuya ko? to think na ang inaaway ko ngayon ay si Zachary. Si ZACHARY JONES, ang pinaka bad boy sa lahat ng bad boy. Kaso hindi ko din masisi yung sarili ko, nakakainit naman kasi talaga ng ulo 'to si Zachary eh
Lumapit siya sakin, malapit na malapit. Yung mukha pa niya nasa tapat na nang mukha ko. Jusko! ano na namang gagawin niya?!
"Alam mo kung gusto mo ko sabihin mo lang hindi yung gumagawa ka pa ng kung ano anong storya, tapos susundan mo pa ko dito? Kung gusto mong halikan kita.." Lumapit na naman siya sa mukha ko, tinulak ko siya papalayo. Kahit na ang laki laki niyang tao, pinilit ko siyang ilayo sakin.
![](https://img.wattpad.com/cover/133196034-288-k11025.jpg)
YOU ARE READING
MEANT TO BE
Teen FictionMeet Kylie Zedler, isang dakilang nerd at nobody. Simple at tahimik lang ang buhay niya kaya sino bang mag aakala na makilala niya ang apat na gwapo, mayaman, maangas at sikat na bad boys ng school nila? Hindi niya inaasahan na sa isang iglap lang...