MATFHBB 7

148 1 0
                                    

  Wala naman masyadong nangyari sakin ngayong umaga, nag decide na ko na araw araw mag lalakad papasok sa school, malapit lang naman kasi samin yung school namin, ang arte lang ni kuya kaya nag kokotse pa. Private school yung pinapasukan namin, lahat dun mayayaman, kaya karamihan mga spoiled kaya ganun yung ugali. Mayaman kami, pero hindi super. Broken family kami, may iba ng pamilya yung papa ko.  

  Nag bell na. Lunch time. 

 Pumunta akong library, hindi pa naman ako gutom eh. Tska sa mga nangyari dapat mag tago na ko sa madaming estudyante, sigurado naman akong aasarin ako ng mga yun. 

 Pag ka dating ko dun, konti lang yung tao. Tahimik, kagaya ng buhay ko NOON.  

  Nag babasa lang ako ng libro dito, may mga novels kasi dito, eto maganda sa library namin eh. Binasa ko yung The Lucky One ni Nicholas Sparks. HOPELESS ROMANTIC kasi ako >.< NBSB ako, eh hello? sino bang mag kaka gusto sakin?! bukod sa malaking eye glasses ko na parang kay betty la fea, ang manang ko pa manamit. May mag kaka gusto pa kaya sakin?  

  "Hi kylie!" hindi ko siya pinansin. Siya yung malaki yung ANO eh, yung nag pa bigay ng sulat kay Ace, yung may kasalanan ng lahat! AHHHH! "Kylie pansinin mo naman ako?" 

 "Bakit?" 

 "Ah kasi..."  

"Favor na naman?" naiirita na ko. 


 "Hindi hindi! sorry nga pala ah! ang feeling close ko! pwede ba tayong maging mag kaibigan?" 

 "ANO?!" ang lakas ng pag kasabi ko, napatingin samin yung librarian, nag bigay siya ng warning saming dalawa.

  "No." ayoko magkaroon ng kaibigan, panigurado akong panibagong gulo na naman yun sa buhay ko, kuntento na kong forever alone sa school. 

 "Yes?" 

"No." 

"YES?" 

 "HINDI NGA!!!" uh-oh.. hindi ko na naman napigilan yung sarili ko. 

"You two! out of the library!"  

  Lumabas ako sa library, kainis naman, for the second time around, ginulo na naman niya yung pag stay ko sa library, bakit ba kasi ang daming gumugulo sa buhay ko ngayon?! isang taon na lang naman bago ako umalis sa school na to, hindi pa ko pinatawad. -___- 

 "Sorry.." 

"Hayss.. san ako tatambay ngayon? yung walang TAO?  

  "May alam ako! tara!" hinila niya ko kahit hindi pa ako pumapayag. 

Dinala niya ko sa isang hallway na walang tao. 

 "Tadah!" 

 "Ano to?" 

 "Tahimik dito! walang taong pumupunta dito, kasi yung mga rooms dito pang school clubs lang, eh wala naman tayo ngayong activity para sa mga clubs eh!"  

  Nilabot ko yung lugar, tama nga siya, tahimik dito. Bakit kaya hindi ko nalaman yung lugar na to dati pa? tska bakit niya alam to? "Pwede na.." umupo ako sa may dingding, kinuha ko yung isa ko pang libro, a walk to remember naman. Eto namang babaeng malaki yung ANO, tumabi sakin.  

  "So..." nag smile siya sakin. Maganda talaga siya, sexy, alam mo yung mga cheerleader type, ganun siya. "Friends?" inabot niya sakin yung kamay niya. Naka tingin lang ako sa kamay niya. 

 "Friends." i shook her hand, as long na hindi niya na ko guguluhin, okey sige, ang choosy ko naman kung aayaw pa ko di ba? sa ganda niyang yan, sa panget na katulad ko pa siya makikipag kaibigan? Isa pa binigyan niya ko ng bagong tahimik na tambayan.  

MEANT TO BEWhere stories live. Discover now