MATFHBB 3

180 0 0
                                    

Narinig ko si kuya na dumating. Lumabas ako ng kwarto kasi narinig ko sila ni mama na nag uusap. 


 "Jax, ano bang nangyayare dun sa kapatid mo ha? sabi ko sayo bantayan mo yun eh!" para akong tanga na nagtatago dito para lang marining yung pinag uusapan nila. 

 "Nasobrahan ata sa pag aaral ma eh, kung ano ano sinasabi eh. Sabihin ba naman na,"

"HINALIKAN SIYA NI ZACHARY?!" sabay pa talaga sila ni mama, mag ina nga talaga sila. 


 "Eh bakit naman yun sasabihin ng kapatid mo kung hindi totoo?" 


 "Mama, kilala mo si Zachary, kahit magunaw yung mundo, hindi nun magugustuhan si Kylie, halikan pa kaya?" Ouch naman, sakit sa lungs. Grabe naman mag salita si kuya.

"Sabagay tama ka anak, kakausapin ko na lang siya mamaya." pareho lang sila ni mama eh! Mag sama na nga lang sila. "Akala ko naman may first kiss na yung baby ko eh." 


 Meron na akong first kiss! at kung mamalasin ka nga talaga dun pa talaga sa MAYABANG, AROGANTE, BAD BOY na ZACHARY JONES na yun! 

 "UMASA KA PA MA! wala na atang mag kaka gusto dun eh! paano ang manang ng datingan."

"Grabe ka naman! makikita mo mag kaka boyfriend din yang kapatid mo!" Umakyat na lang ako sa kwarto ko. Tss. Pamilya ko ba talaga sila? 


 Oo alam ko honesty is the best policy pero truth hurts kaya..

  Dati, ang tahimik lang ng buhay ko sa school. Kapag lunch break lagi lang ako sa library kasi dun mas tahimik, lahat kasi ng studyante nasa canteen, busy sa pag kain, pag tsismisan, pag papantasya sa APAT na yun.  Iwas na iwas ako sa mga tao, ayoko kasi ng komplikadong buhay. Sa tatlong taon ko sa school namin, wala akong naging kaibigan, kuya ko lang tska mga teachers dun, favorite kasi ako ng mga teachers kasi napaka masunurin ko daw, ewan ko lang dun sa teacher kanina na inasar ako.Masaya naman din maging ganito eh, forever alone. Hindi nga ganun kasaya pero less stress naman.

  Ako si Kylie Zedler, ang dakilang nobody. 

 Erase! ngayon hindi na ko NOBODY. Kalat na sa facebook yung video na sinabi ko na hinalikan ako ni Zachary! lahat sila tingin na sakin, ILUSYUNADA. Pambihira! hindi ko pinangarap na mahalikan ng masamang lalaki na yun nuh! Pwede pa sana si Zayne Mendoza  >.< sana nga siya na lang eh, kahit gumulo pa buhay ko, okey lang. Haha!  

Ano kaya mangyayari sakin bukas sa school?. Shet ayoko nang pumasok huhu

**

  "Baby! Gising na! malalate ka na oh!" 

 Tinignan ko yung orasan, shocks! 7AM na, 30 minutes na lang bago mag start yung class. LATE na nga ako! bakit ngayon lang ako ginising ni mama? amp. Hindi pa naman ako nakatulog kagabi! kakaisip!  

  Tumayo agad ako naligo tapos nag bihis. Hindi naman ako nag aayos eh, kaya sakto lang sa oras nung makababa ako. 

 "Ang tagal mo namang manang ka! iiwan kita eh!" 

 "Eh di iwan mo! TSE!" Hindi katulad sa school, dito sa bahay malaya ako, hindi ako tahimik dito. Palagi kaming nag aasaran ng magaling kong kuya.  

  "Wag na nga kayong mag away, Kylie kumain ka na!" 

 "Wag na po ma, wala po akong gana!" anong walang gana? Jusme! gutom na gutom na kaya ako! Hindi lang talaga ako makakain dahil naaasar ako kay Kuya Jax tska late na ko eh. 

MEANT TO BEWhere stories live. Discover now