FB notification.
Zachary Jones added you as a friend.
Ace Lopez added you as a friend.
Zayne Mendoza added you as a friend.
Waaaaa!! anong kalokohan to?! bakit nila ako inadd sa FB? yung tatlong SIKAT sa school namin, i aadd ang isang nobody na katulad ko?
Tska bakit sabay pa sila ha! hmm.. add ko ba? NO WAY! bakit ko yan i-add? hindi pa ko nababaliw, pero paano na lang si Zayne? ang tagal ko siyang gustong maging friend sa FB pero hindi ko magawa kasi nahihiya ako. AHHH!!! bakit pa kasi sumali si Zachary, kung wala siya, okey na sana eh. Hindi ko naman pwede i-add lang si Zayne, mahahalata ako, at ayoko din i-add si Ace! womanizer yan eh >.<
Teka nga... kay Zachary lang naman ako inis eh, at kapag inaccept ko yung dalawa, at siya hindi, sigurado akong ma aasar yun!! WAHAHAHA! tama. That way friend ko pa si Zayne.
Kylie Zedler is now friends with Ace Lopez and Zayne Mendoza.
Gusto ko sanang i stalk yung profile ni Zayne eh, kaso.. wag na lang.. baka may hindi pa ko makitang maganda eh >.<
Naligo ulit ako, sobrang init eh, paano kasi andito si Zayne eh >.< yung six pack abs niya, yung brown eyes niya, yung ngiti niya, yung braso niya, pati yung messy hair niya! waaa shete! witwiw! SEXY!
Nag madali ako maligo kasi naramdaman ko na na gugutom na ko.
Pag labas ko ng cr sa kwarto ko, waaaa!! si Percy! kagat kagat yung pink na undies ko!
"Baby!! ibaba mo yan!!"
"arf arf!"
"Bad dog! akin na yan.." lumapit ako sakanya, pero tumakbo siya palabas, naalala ko nasa sala pala sila kuya, waaaa! baka makita nila yung undies ko! anong gagawin ko?! kinuha ko agad yung towel ko tapos pinulupot ko katawan ko, sa pag mamadali ko hindi na ko nag suot ng damit. "PERCY!!!"
"Witwiw.."
What?
Nakita nila ko, naka tapis lang... paalis na pala sila! pag baba mo kasi ng hagdan andun yung pintuan, unlike sa sala na may seperate na kwarto. Ang malas ko naman >.<
"Hoy manang! anong scandal yang ginagawa mo?! mag suot ka nga ng damit!" lahat sila nakatingin sakin, at itong Zachary parang minamanyak ako sa isipan niya!! waaaaa!! nakakainis naman. Nung tumingin ako kay Zayne, umiwas siya ng tingin sakin, ang gentleman talaga unlike dun sa isa.
"Ingat kayo.." sabi ni mama mula sa likod ko, "Oh my Ghad Kylie! bakit naka ganyan ka sa harap nila?"
"Inaakit kasi ako eh.." pabulong lang sinabi yun ni Zachary pero rinig na rinig ko pa din.
"Hoy anong inaakit kita?! kapal mo Zachary!"
"Ano?" Lahat sila nag tanong.
"Sabi kasi ni Zachary inaakit ko daw siya! hindi naman eh! kasi si Percy ano.."
"Hoy manang! wag ka nga mag pahalata na may gusto ka kay Zachary!" hindi ba nila narinig? Sigurado akong narinig ko yun!! at ako may gusto sa nilalang na yan?! YUCK EWWW!
"Sige na, umuwi na kayo, ako na bahala kay Kylie.. Ingat kayo!"
"Thank you po tita Candy.." lahat sila nag paalam na. Hinarap ko si mama ang sama ng tingin.
"Ikaw babae ka, ganyan mo ba gustong makuha si Zayne? Ghad baby! ang panget tignan!"
"Mama! hindi po! kasi si Percy kinuha yung undies ko, natakot ako makita nila kuya kaya tumakbo agad ako pababa, hindi na ko nakapag bihis.."
![](https://img.wattpad.com/cover/133196034-288-k11025.jpg)
YOU ARE READING
MEANT TO BE
Teen FictionMeet Kylie Zedler, isang dakilang nerd at nobody. Simple at tahimik lang ang buhay niya kaya sino bang mag aakala na makilala niya ang apat na gwapo, mayaman, maangas at sikat na bad boys ng school nila? Hindi niya inaasahan na sa isang iglap lang...