MATFHBB 10

81 2 1
                                    

 Isang tao lang yung makaka sagot ng mga tanong, si Ace.

Sakanilang APAT, siya yung pinaka malapit kay Zachi, at siya lang naman yung pwedeng mag sabi sakin, si kuya for sure hindi yun mag sasabi, lalo naman si Zayne, eh baka hindi ko pa nga kayang kausapin yun eh >.< Alam ko alam niya yung mga sikreto ni Zachi, Kahit inis pa din ako sakanya, may feeling ako na magaan yung loob ko sakanya.

Nag ring na yung bell, first class.  

 Pumasok ako sa classroom, yung mga classmate ko ang sama na naman ng tingin, ano pa bang bago? may mga nabasa pa akong post sa FB na kaya ako nag palipat sa last section kapag science para maging classmate ko si Zachi! pathetic. Bakit ba lahat sila, tingin may gusto ako kay Zachi? porket sinabi ko na hinalikan niya ko! arghh! kapag naaalala ko naiinis pa din ako, eh yun naman yung totoo eh.

"Good morning class.."  

 Yan na yung huling word na narinig ko mula sa teacher ko, lumulutang na kasi yung isip ko, baka nakarating na nga ko ng moon kakaisip. Hindi ko maiwasan na isipin si Zachi, hindi sa may gusto ako sakanya ah, ewww. Nakaka gulat lang kasi siya kahapon, nung sinabi niyang hindi na niya ko guguluhin, feeling ko sobrang nalungkot siya sa ginawa niya sakin, siguro nga na alala niya yung kapatid niya.  Nung nalaman ko na namatay yung kapatid niya dahil sa tinago niya yung Inhaler, parang naawa ako na nalungkot at the same time guilty, kahit hindi ko pa nararanasan yung ganun, alam ko na mahirap yun sakanya, lalo na sarili niya yung sinisisi niya. Hays tapos kung ano ano naman pinag sasabi ko! Hindi ko akalain na lalambot puso ko kay Zachi, yung lalaking yun..pero hindi dapat ako mag pakampante, siya na din nag sabi na hindi pa din niya ko lulubayan.

  Okay na sana eh, kaso nag bago na naman isip, Bipolar lang? nag simula na naman akong asarin. Kainis talaga yun! pero bakit kaya niya ako tinulungan? obvious naman eh, ayaw lang niya umamin, tss. At higit sa lahat, bakit ang galing niyang makipag basag ulo, eh sabi nila hindi siya mahilig makipag suntukan, at sa nakikita ko, totoo naman yun, mahilig lang siya makipag away verbally.  

  Napatalon ako sa upuan ko nung marinig ko na yung bell, lunch na agad? ang tagal ko pa lang pre occupied. Eto kasing Zachi na to eh! Ang bilis pala ng oras kapag lutang utak mo eh noh? haha. First time ko kasi hindi makinig sa teacher eh, nerd nga eh di ba? -__-  

 Imbis na mag tago ako, pumunta sa hallway na tinambayan namin ni Alexa dati, pumunta ako sa canteen, kahit ayaw ko naman talaga. Kakamustahin ko kasi si kuya eh, sinabi ko kay mama trip lang niya mag stay kala Zayne, buti naman naniwala. Kaso nag aalala yun, pati din ako, kaya kelangan ko siyang makausap. Ngayon lang yung time na pwede kasi hindi naman siya sa bahay uuwi mamaya.

"Hi Betty!" tinapik niya yung likod ko, Ouch ha! nanadya ata to si Ace eh.  

 Hindi ko na siya naka usap, derederetso kasi siya papunta sa canteen, pumunta na din ako dun.

"PANGET!"

"NERD!!"

"HAHAHA ILUSYUNADA!"

Lumingon ako, yung mga studyante nakatingin sakin, ako pala yung nilalait nila? anong meron? sapakin ko na sila eh. Ako na naman napag tripan -__-  

 Pag lapit ko sa tambayan ng APAT, aba wala si kuya.

Si Zachi napa tingin sakin, ang laki ng ngiti, anyare? si Ace naka tingin sa iPad niya, naka ngisi. Si Zayne naman as usual, naka headset at naka tingin sa malayo. Weird.

"Si kuya Jax?"

"Hindi pumasok eh."

"Ah ganun, Okey." tumalikod na ko, wala naman pala dito, bakit kaya hindi yun pumasok?  

 "HAHAHA!! GRABE NAKAKATAWA!" nilingon ko ulit si Zachi, anong problema niya? pati yung dalawa napa tingin sakin, nahiya tuloy ako >.< feeling ko namumula yung mga pisngi ko.

"Anong tinatawa tawa mo dyan?''

MEANT TO BEWhere stories live. Discover now