MATFHBB 6

145 1 0
                                    

  *Dingdong*

 "Kylie paki bukas yung pintuan! may ginagawa ako.." 

 "Opo mama!" 

 Pag bukas ko, nagulat ako. Hindi dahil nasa harap ko ngayon si Ace, inaasahan ko naman talaga siya eh, ang kinakagulat ko.. bakit andito si Zachary? si ZACHARY JONES?! my mortal enemy. Oo mortal enemy ko na yan.  

  "Anong ginagawa ng nilalang na yan dito?" 

 "Hindi ka ba masaya na andito ko? Kylie my loves?" MY LOVES?! ewww yuck. Tinignan ko lang siya na para akong nandidiri sakanya. 

 "Kasi.. sama daw siya satin mag aral eh.." 

 "Alam ko ikaw lang pinapa tutor sakin ni Sir jason, hindi yang kutong lupa na yan! pasok!" tumingin muna siya kay Zachary bago pumasok sa bahay namin. "At ikaw?! LAYAS!"  

  "Ang sama mo naman! sasama lang naman mag aral eh.." nag pout siya. Anak ng teteng! nag papa cute ba siya sa harap ko? kadiri! akala mo kung sinong anghel, sus ang sama naman ng ugali. "Sama na ko please.." 

"Bakit para asarin ako?! akala ko ba this is WAR ha?! eh di war! akala mo hindi kita papatulan porket ikaw yung HARI ng school?! ewww.. bahay ko to kaya wala kang magagawa! tsupi!"  

  Sinara ko na yung pinto bago pa man siya makapag salita. Alam ko ang bad ng ginawa ko sakanya, eh bagay lang sakanya yun, mas bad pa nga siya sakin eh. Aasarin at iinisin lang niya ko. Buti nga sakanya.. tska ano bang meron sakanya? akala ko galit siya? akala ko mag kaaway kami? tapos biglang gusto niyang sumama samin? BIPOLAR ba siya? siguro may binabalak na naman na masama yun.  

  "Bakit ba galit na galit ka kay Zach? akala ko ba gusto mo siya?" 

 "AKO?! HAHAHA.. wala akong gusto dun! pwede ba.. at bakit hindi ako magagalit? epal siya sa buhay ko! at pati ikaw! pasalamat ka utos to ng teacher ko!" 

 "Aw ganun.. so hindi din pala tayo friends?" nakangiti pa siya habang nagtatanong. Kahit cute siya, hindi ko maiwasang magalit, sa picture pa lang na nilagay niya sa FB eh.  

  "No and we will never be!" umakyat ako sa kwarto, kinuha ko yung mga libro ko. Ganun ba siya kahina sa science? at kelangan pa niya ng tutor? hays.  

  Pag ka baba ko, nag simula agad kami. Nakakainis, sabi ko kasi hindi ko na sila kakausapi, hindi ko na sila papatulan pero ewan ko ba! kapag sila yung kaharap ko hindi mapigilan ng bibig ko na patulan yung mga pang iinis at pang aasar nila sakin, sa totoo lang hindi naman ako ganun eh, usually kapaginaasar ako sa school, dedma lang ako..  tska wala naman nang aasar sakin dahil takot sila sa kuya, pero ngayon?! halos lahat ata ng studyante samin, tingin sakin, nerd na panget, weirdo, at may GUSTO KAY ZACHARY! YUCK!siguro hindi na ko pinag tatanggol ng kuya ko, kaya ganun, ano pa ba aasahan ko?! mga kaibigan niya yung nangungunang asarin ako, tska hindi ko nakakalimutan na BAD BOY siya at isa siya sa APAT.

  Mga dalawang oras na kaming nag aaral ni Ace, okey naman siya eh, kabisado naman niya yung mga formula sa bawat problems, eh bakit kelangan pa niya ng tutor? siguro sinabi niya kay Sir Jason na kelangan niya ng tutor at ako yun, para ma inis nila ko. Hmmpf!! 

 "Ang galing mo naman na tutor! nag mukhang madali sakin.." 

 "Sus! alam mo naman yan eh! sinadya mo to! para mainis ako! di ba? di ba?'' 

  "Whoa.. easy ka lang Kylie, hindi ah! si Sir talaga nag sabi, tska mababa grade ko sa science.." ang galing niya mag panggap ha. Sabagay, kilabot na bolero to eh, malamang magaling siya mambola at manloko ng tao. 

 "Whatever!" tinarayan ko lang siya, niligpit ko yung mga ginamit namin libro tska papers.  

  "Alam mo akala ko tahimik ka lang, hindi ko nga alam na nag sasalita ka pala? haha.. grabe war freak ka pala!"  

MEANT TO BEWhere stories live. Discover now