''Kylie, napansin ko kasi na okey na si Ace sa science class ko, pero ang sabi kasi nya kelangan ikaw daw lagi nyang maka partner para mag tuloy tuloy na yung pag bebehave nya sa class ko...'' Yung lalaki na yun?!!ahhhhh!!! bakit kelangan nya pang sabihin yun?!
''Hmm? So ililipat nyo na po si Ace sa section namin?''
''Ah hindi Kylie.. Komplicado kasi yun eh,ang naisip namin, Ikaw nalang yung lumipat sa section nila... Sa Science lang naman eh..''
''Ano po?!! Pero lower section po yun sir Jason! Tsaka paano yung english class ko? Ngaun na po yun'' Parang gumuho ang mundo ko.. Kahit na isang subject lang yun makakasama ko padin yung mga taga lower section..
"Don't worry, pinagpalit na namin yung sched mo, everything will be okey Kylie, ako ng bahala sayo.. okey? sige na dumeretso ka na sa room nila, see you in a bit.."
"Pero.." Hindi pa niya ko pinapatapos mag salita umalis na siya, im so dead.Pag pasok ko pa lang sa room nila, ang bilis na ng tibok ng puso ko. Sabi nila mga barumbado daw yung mga studyante dito sa last section. Bakit ba kasi ang malas ko?! pinag lalaruan ata ako ng tadhana, magiging classmate ko pa si Zachary at si Ace. Buti sana kung magiging classmates ko din si Zayne para naman may inspirasyon ako o kahit si Kuya Jax, para walang mang aasar sakin.
"Witwew chicks pare oh!" Nanlaki yung mata ko, bakit parang puro lalaki yung mga andito?!
"Haha! mag salamin ka nga! ang panget niyan eh!" sabi nung lalaki, eh di kayo na, kayo na yung gwapo! tss. Akala mo naman gwapo talaga! Hmmpf."Oo nga pare haha!"
Umupo agad ako ako sa tabi ni Ace, dun kami sa pinaka likod. Bakit kasi kelangan ko pa siyang maging ka partner? tutor na nga ko partner pa?! porket ba sinabi niya susundin na siya ng teacher?! ano pa nga ba? Tito niya may ari ng school eh. Hays."Hi Kylie.." Umupo ako, hindi ko siya pinapansin, tama ba to? eh partner ko nga siya eh. "Ayos ba?" anong maayos dito? tss.
Maya maya, may biglang pumasok na halimaw. Si Zachary"Hi betty!" hindi ko nga siya pinansin. Akala ba niya nakalimutan ko na yung ginawa niya?! pa betty betty pa siya. "Welcome to hell.." nilingon ko siya, Hell? Oo tama ka, makatabi pa lang kita hell na hell na feeling ko.
"Good Afternoon class.."
"Good Afternoon Sir Jason.."Nagulat ako nung ako lang yung bumati kay Sir, hindi ba sila marunong ng manners? dapat kapag binati ka ng teacher o kahit na sino, dapat kang sumagot, pwera na lang sa dalawang katabi ko ah.
"It's okey Kylie, sanay na ko sa mga yan, it's good na may isa akong matinong studyante dito.." tumango lang ako. "Class, magiging classmates niyo na si kylie sa subject ko, better be good to her, or else i will give you detention.." i sighed in relief. Buti na lang sinabi yun ni sir Jason, hindi ako sigurado na hindi na nga nila ko aasarin o kung ano man, pero mas okey na yun, "So lets start the class.."
"Bakit kaya amoy malansa?"
"Bakit Zach? wala naman ah?" sabi ni Ace kay Zach.
"Kanina kasi natagusan si Betty eh! haha!" sus! hindi kaya! kagagawan niya yun eh! Buiset na lalaki to! hanggang dito ba naman aasarin pa din ako."Natagusan? Betty?" takang taka si Ace.
"Alam mo Ace ang stupid mo minsan, natagusan, sa mga babae di ba?"
"Ah.. eh bakit betty?"
"Kamukha kasi niya si Betty La Fea! Haha!" Tinignan ko siya ng masama pero hindi siya natinag. Epal talaga siya, gustong gusto niya ko asarin eh nuh."Kamukha kasi niya si Betty La Fea! Haha!" Tinignan ko siya ng masama pero hindi siya natinag. Epal talaga siya, gustong gusto niya ko asarin eh nuh.
![](https://img.wattpad.com/cover/133196034-288-k11025.jpg)
YOU ARE READING
MEANT TO BE
Teen FictionMeet Kylie Zedler, isang dakilang nerd at nobody. Simple at tahimik lang ang buhay niya kaya sino bang mag aakala na makilala niya ang apat na gwapo, mayaman, maangas at sikat na bad boys ng school nila? Hindi niya inaasahan na sa isang iglap lang...