1 week bago ang inaasam-asam na summer vacation, ay ang ikinasusuklam-suklam na examinations. Maraming estudyante ang hindi magkanda-ugaga kakareview, pero mas maraming walang pakialam at pinili na lang gumala kung saan-saan.
Syempre, kahit mayaman ako, kailangan ko pa ding mag review. Pero etong mga kaibigan ko, walang pakialam, basta sila, masaya.
"Elisha Candice Montenegro!! Ano ba?! Ang yaman-yaman mo na, aral ka pa din ng aral! Wala kang mararating nyan!" -sabi ni Gwen, ang kaibigan kong talakera.
"Gwen's right El, besides you're smart enough. You don't need to review, anyways." -si Thea, ang fil-am kong kaibigan. Fil-ing Am-erikana.
"Whatever guys! Nag-aaral ako ng mabuti tapos wala akong mararating? Ewan ko sa inyo. Umalis na nga kayo! Wag nyo ko guluhin, di ako makapagconcentrate, okay? Shoo shoo!!" sabi ko.
"Andi, you don't need to shoo shoo us, because we're gonna leave if we want to." -Thea.
"Hoy, Theodora! Tigil-tigilan mo na nga yang pag-eenglish mo! Pag dumugo ilong ko, papahigop ko sayo 'to! At isa pa, wag mo ko tawaging Andi, okay na ko sa El. Kdie." -sabi ko, sabay ngisi ng nakakaloko.
"HAHAHA. Gaga ka talaga El!" -si Bruno (sa umaga), Brittany (sa gabi).
"Oh buhay ka pa pa lang bakla ka?! Haha. Umalis na nga kayo. Malapit na magsimula yung exams oh. Try nyo kayang magreview!" -ako.
"Tara na kasi!!! Kakain lang naman tayo eh. Gugutumin ka nyan, sige ka, di ka makakapag-isip sa exams mo. Kaw din..." -Bruno.
Napaisip ako sa sinabi ng baklang macho. Tama nga naman, pag walang laman ang tyan, di makakapag-isip ng maayos.. Kaya...
"Haaay. Sige na nga. Leche. Grabe talaga kayo mangumbinsi! Alam na alam nyo yung kahinaan ko! Tara na nga!" -ako.
Sumama na ako sa kanila. Tutal nakapag review na din naman ako kahit papano. Saka alam ko namang di sila titigil hangga't di ako pumapayag. Sa tagal ba naman naming pagiging magkakaibigan eh hindi pa ba namin makikilala ang isa't isa?
Si Theodora "Thea" Sim - Kaibigan kong fil-am. Alam nyo na kung anong Fil-Am yan ah. ^_^V
Si Gwendolyn "Gwen" Fajardo- Ang talakera sa grupo.
At papahuli ba naman ang baklang si Brunicio "Bruno/Brittany" Mamaril- Ang baklang macho.
Syempre, ako naman si Elisha Candice "El" Montenegro- ang may pinakamagandang pangalan sa kanila. Buti na lang maganda ang binigay sa 'kin na pangalan ng mga magulang ko, kung hindi, mababadtrip ako. De joke lang. :D
Iba't iba man kami ng ugali at trip sa buhay, sila naman ang pinakamaasahang mga kaibigan sa whole wide world. Hinding hindi ko sila ipagpapalit kahit kanino man. O:)
Natapos na kaming kumain sa canteen at nakapag exam na din. Mahirap yung exam pero nasagutan ko naman. Yung tatlo, ewan ko sa mga yun kung paano nila nasasagot yung mga exams. May magic na ginagawa, pero hayaan na natin sila dun.
Sabay-sabay kaming uuwi. Tutal, parehas lang naman yung way namin pauwi eh.
Kami ang pinakasikat na grupo dito sa school. Walang nagtatangkang humarang kapag dadaan kami kasi wala rin naman silang palag eh.
**Hallway**
"Hoy tabi jan, dadaan ang powerpuff girls!" -galing sa isang hibi sa paligid.
Nagpantig ang tenga ko sa narinig ko, pero hinayaan ko muna.
"Powerpuff girls? Eh apat sila eh. Sino yung isa? Si Johnny Bravo? Hahahaha!" -sabi ng kasama nyang seahorse.
"Patanga-tanga ka din eh! Di mo ba nakikitang si Mojojojo 'yan? Hahahaha" -hibi
Aba at ang lakas ng loob nitong mga laman-dagat na 'to ah! Susugod na dapat ako, pero...
"Hindi mo alam kung sino'ng nilalait mo, alamang." -Thea.
Aba at nag tagalog ang bruha!
"What did you just say?!" -hibi
"Alamang, bimbo. Hindi mo ba alam yun? Kung may hipon at may hibi, wala ka pa sa kalingkingan ng mga yun! Alamang ka lang! So, you better shut the f*ck up kung gusto mo pa mabuhay." -thea
"Mark her words, bitches!" -Gwen
Wow, iksi ng speech ni lukaret! Wait, kelangan ko na silang awatin.
"Let's go guys, don't waste your time for those nonsense people." -ako.
At umalis na kami. Victory! Sabi na kasing wag haharang-harang eh.
**sasakyan ko**
"Girl, kamusta na nga pala kayo ni Ryker mo? Wala na kong balita sa inyo ah? " -Bruno.
"Ryker ko talaga?! Haha. Okay lang naman. Parang kami na hindi. Ewan ko nga dun eh. Biglang nanlamig sakin. Daming nagbago, hay ewan! Wag mo nga ko guluhin nag da-drive ako, gusto mo bang mabangga tayo?"-ako.
"Ay, nakakaloka ka naman! Wag naman, mahal ko buhay ko noh! Sayang naman pag tambay ko sa gym para makakita ng mga abs na pawis at mga naglalakihang biceps at triceps kung ibubunggo mo lang 'to at papatayin kami."-Bruno.
"Haha. Dami mong sinabi! As if naman kaya ko noh. Mahal na mahal ko kaya kayo!" -ako.
"Taray!" -Thea at Gwen.
"Pero girl, ano nga lagay nyo? Kwentuhan mo naman kami!" -Bruno.
"Oo nga! Dali na!" -Gwen
"Hays, sige na nga. Ganito kasi yan, dati, nung bago pa lang kami, may access ako sa lahat ng accounts niya, pati cellphone nya, parang cellphone ko na sa sobrang open nya sakin. Pero ngayon, nagpalit sya ng password sa mga accounts nya, tapos hindi nya na ipinapahawak sakin yung phone nya. Nakakapagtaka, di ba?" -ako
"Hey El, don't compare things. Remember, nothing is permanent. So, be ready for anything and accept those changes that might come." -Thea
"Oo nga El, pero kabahan ka na girl! Iba na yan ah. I smell something trashy." -Gwen
"Trashy, Gwen? Really? Malapit yung bibig sa ilong, so, alam mo na ah." then I grinned.
"Haha. Loka-loka! Basta, whatever happens nandito lang kami lagi para sa'yo!" -Bruno
"Of course, di naman kayo makakababa kung umaandar tayo eh. But kidding aside, I know naman guys. So, thank you sa inyo." -ako
"Uhhhhhhhhhhhhhhhhhhh...." :"> -silang tatlo.
"Hey, don't hug me, okay? Don't want to die yet! Haha. Love you buttercup, bubbles and mojojojo!" -ako
"Say what?" -Bruno
"Hahahahaha. Sorry na bhe. :3 Johnny Bravo nga pala! Hihihi" -ako
"Pasalamat ka nag da-drive ka at mahal ko yung buhay ko ah! May araw ka rin sakin!"-Mojojojo :D
Naihatid ko na silang tatlo sa mga bahay nila. Ganun ako kabait. O:)
Nakauwi na ako at nagpahinga. Bukas ay last day na ng pagiging 3rd year college namin. Excited na ko mag 4th year. Naiimagine ko kung anong magiging future ko at kung anu-ano pang inimagine ko. But wait, hindi yan kabastusan ah. Hahaha.
Hanggang sa nakatulog na ako.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
A/N: Bruno/Brittany sa gilid! ;)
Feel free to vote and to comment.
Thanks for reading! V^_________^V

BINABASA MO ANG
A Summer To Remember (He said forever)
Teen FictionMaiksi lang ang summer vacation. Pero, maaari nga bang mahanap mo sa maikling panahon na ito ang makakasama mo sa pang-habang buhay? O kasing iksi lang din nito ang summer love story nyo?