Sonny's POV
"Aaaaaaaaaahhhhhhhh!!!!!!!!"
"Sunny? Sunny!" Naalimpungatan ako sa sumisigaw. Paano ba naman alas-dos na ng madaling araw tapos may maririnig akong ganun. Napatayo agad ako, patakbo na sana ako papunta sa kwarto ni Sunny nang biglang...
*blag!*
"Aw. Shit!" Sumabit pa sa kumot yung isa kong paa kaya bumagsak ako sa sahig, ang sakit nun ah! Di ko na masyadong ininda at dumiretso na ko sa kwarto nya.
"Anong nangyari sa'yo, Sunny? Bakit ka sumisigaw?" Nag-aalalang tanong ko. Naabutan ko syang pawis na pawis.
"Huhuhu. Sonny! Nanaginip ako! May lalaki...may babae...tapos...tapos..."
"Shh. Shh. Tahan na, Sunny. Nandito na ko. Wag ka nang mag-alala, wag ka nang umiyak." Ilang araw na din syang ganito, laging binabangungot. Pero lagi pa din akong nagugulat sa kanya. Hinimas himas ko sya. Wait, baka kung ano isipin nyo ah. Hinimas himas ko yung likod nya para kumalma sya. Akala nyo ah, di porket madaling araw, manyak ako. Malakas kaya 'tong magpigil. Ha! Teka ano ba 'tong iniisip ko. -____-"
"Huhu. Salamat, Sonny." Maya-maya din ay tumahan na sya.
"Matulog ka na, Sunny. Di kita iiwan, aantayin kitang makatulog muna bago ako bumalik ng kwarto."
"Salamat."
Haay. Inaantok na ko. Ang hirap pala mag-alaga ng taong may amnesia. Lalo na ngayong di pa sya masyadong nakakarecover sa mga pangayayaring naganap sa buhay nya.
Tiningnan ko si Sunny, kitang kita sa mukha nya ang kalungkutan. Pwede kayang ako yung magbigay ng kasiyahan sa kanya? Wag ko na kaya syang tulungang makaalala para dito na lang sya sa akin? Aaaagh! Napakamot na lang ako sa batok ko.
"Bakit ko ba 'to naiisip?"
"Ang alin, Sonny?" Muntik na kong malaglag sa upuan ko. Sobrang tahimik na tapos biglang may magsasalita? May pagka-multo din 'tong babae na 'to eh.
"Ah eh, wala, Sunny. Akala ko tulog ka na?"
"Di ako makatulog eh. Pwede ba kong humingi ng favor?"
"Okay. Ano yun?"
"Kantahan mo naman ako. Para makatulog na ko. Please."
"Ayoko." Baka main-love ka sa'kin eh.
"Sige." :( Haay! Why can't I resist you?
"Sige na nga, basta matulog ka na ha?" Tumango naman sya.
"Tulog na mahal ko
Hayaan na muna natin ang mundong ito
Lika na, tulog na tayo.
Tulog na mahal ko
Wag kang lumuha, malambot ang iyong kama
Saka na mamroblema~"
Wag kang mag-alala, Sunny. Nandito lang ako.
"Tulog na hayaan na muna natin sila
Mamaya, hindi ka na nila kaya pang saktan
Kung matulog, matulog ka na~"
Ramdam kong nakatulog na sya. Hahalikan ko dapat sya sa noo, nang gumalaw sya. Nagulat tuloy ako at inilayo ko ang mukha ko. Inayos ko na lang yung kumot nya, at bumalik na ako sa kwarto ko.
"Potek! Tinamaan na yata ako kay Sunny!" Di ako naniniwala sa love at first sight, pero iba talaga pagdating kay Sunny eh.
*****
BINABASA MO ANG
A Summer To Remember (He said forever)
Teen FictionMaiksi lang ang summer vacation. Pero, maaari nga bang mahanap mo sa maikling panahon na ito ang makakasama mo sa pang-habang buhay? O kasing iksi lang din nito ang summer love story nyo?
