Summer 6: Ikot-ikot

29 2 0
                                    

"Sky? Ryker? Baby? Huhuhu."

Sinubukan kong silipin yung bintana pero wala akong makita, kaya tinawagan ko ang cellphone nya. Nag-ring 'yun at umilaw sa loob ng sasakyan nya. Nagkaroon ako ng pagkakataong masilip yung loob. At nagulat ako sa nakita ko.

Napaatras ako at napahagulgol... Hindi ako nagkakamali. Silang dalawa ni Sabrina 'yun. Maya-maya lang ay lumabas na si Ryker ng sasakyan nya.

"Baby! Bakit nandito ka? Di ba sa loob yung party?"

"Ha! Tangna pala nito eh! Huli ka na sa akto mag-mamaangmaangan ka pa? Kapal ah!"

"Huh? What do you mean?"

"What do I mean? Really? Are you asking me this question? I saw you and that bitch having.. ugh! Nakakadiri kayo!" 

"Baby, please, sorry. I didn't mean na makita mo kami. Sorry."

"Don't call me Baby! So, kung hindi ko kayo nakita, masaya kayo. Sorry ha? Di ko naman sinasadya! Kala ko may nangyayari nang masama sa'yo! Yun pala naglalakbay kayo papuntang langit! Next time paandarin mo yang sasakyan mo para makarating talaga kayo ng langit! Oh better say, ng impyerno! Di kayo makakarating kung uga-ugaan lang! Bullshit! Magsama kayo!"

Nag-walk out na ko! Pero hindi pa ko nakakalayo nang may bruhildang nagsalita.

"Well, Candice, sabi ko naman sa'yo di ba? Binalaan na kita. Matagal nang ayaw sa'yo nitong best boy friend ko. Pinagpipilitan mo pa 'yang sarili mo. You know, kung mahal ka ng isang tao, gagawa at gagawa ng paraan yan, magkaroon lang ng oras para sa'yo. Poor girl."

"Oh, bitch! Lumabas ka din!" Nanggagalaiti akong lumapit sa babaeng 'yun. Handa ko na syang patayin, pero napigilan ako ni Ryker at nahablot ko lang yung buhok ni Sabrina at sumabit sa daliri ko. Halatang di nagsusuklay.

"Ryker ano ba?! Ako na nga niloko nyo at pinaikot-ikot tapos ako pa ngayon pipigilan nyo? Kapal nyo rin ah!"

"Tumigil ka na El, tama si Sab, sya yung mahal ko. Sa simula pa lang." Binitiwan nya na ang pagkakahawak sa akin.

Nanghina ako sa sinabi ni Ryker. Muntik na kong mapaupo sa kalsada, buti na lang nakatukod pa ako sa tuhod ko. Mugtong mugto na yung mga mata ko. Pagkatapos ng pagmamahal, pag-aalaga, at pagtitiwala ko kay Ryker, ganito pa yung isusukli nya sakin? Ang sakit-sakit!

"Bakit Sky? May pagkukulang ba ako?" :'(

Hindi sya makatingin sa'kin. Nakakapit sa braso niya si Sabrina.

"Wala, wala naman El. Ako may kasalanan, sorry."

Ouch. Napanganga na lang ako. Umalis na ako, hindi ko na kaya. Nagmumukha akong kuwawa sa harap ng dalawang taksil. Tulala. Ngawa. Wasak. Hirap. Damang dama ko 'yan ngayon. </////3

Aalis na dapat ako pero naalala kong mag-pe-perform pa pala ako para kay Thea. Ayoko maging panira. Ayoko maging selfish. Bumalik ako sa garden nila. Pinakalma ko muna yung sarili ko.

"Oh! Andito na pala si Snow Queen eh." -Gwen

Kung di ako broken-hearted, baka tumawa pa ko. Kaso nginitian ko na lang sila.

"Anong problema, El? Magpeperform ka pa oh." -Brittany

"Alam ko naman yun, Brittany. Ako na ba?" Nagkatinginan sila ni Gwen at sabay na tumango.

Pumunta na ko sa stage, ngumiti na parang walang nangyari.

"Hi! Thea, happy happy birthday! Thank you kasi naging kaibigan kita. Love you! Kayong tatlo, mahal na mahal ko kayo! We'll always be friends forever, won't we?"

A Summer To Remember (He said forever)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon