Summer 11: The Past

22 3 0
                                    

"Mr. Ramos, iwan mo na kami. Ako na lang magpapaliwanag sa kanya."

"Pero..."

"Wag po kayong mag-alala, kilala nya ako at hindi ko sila kikidnapin. Salamat."

"So, ano ngang ginagawa mo dito, Ryker?"

"Sonny, bakit hindi mo muna sya papasukin?"

"Ikaw yung pumasok muna, Sunny. Dito na kami mag-uusap."

"Sunny? El, kailan pa naging 'Sunny' yung pangalan mo?"

"Ryker, hindi El ang pangalan nya, narinig mo naman na 'Sunny' di ba?"

Naguguluhan na ako sa kanilang dalawa, sumasakit yung ulo ko. Susundin ko na lang si Sonny, papasok na muna ako sa loob ng bahay.

"Wait, El! Wag kang pumasok! I will bring you home now!" Hinila ako ng tinawag na 'Ryker' ni Sonny. Nagulat ako ng bigla syang sinapak ni Sonny at hinila ako ni Sonny papunta sa kanya.

"Yan ba ang gusto mo Ryker? Di ako papayag na agawan mo ako ulit!" Nagulat ako ng bumangon si Ryker at ginantihan ng suntok si Sonny. Hindi ko na kinaya ang mga pangyayari. Natumba na lang ako bigla at nawalan ng malay.

***

"Kasalanan mo 'to! Kung hindi ka kasi nagsimula ng gulo, hindi sya magkakaganyan! Ang babaw mo kasi eh!"

"Bakit mo kasi sya biglang hinihila at sinabi mo pang iuuwi mo na sya? Dito nakatira si Sunny!"

Nagising ako dahil sa ingay nilang dalawa. Parang mga babae kung magsigawan. Di sila magkakaintindihan hangga't di sila nakakapag-usap ng maayos. Gumalaw ako ng konti para malaman nilang may malay na ako.

"Sunny?!" "El?!" Sabay pa silang dalawa.

"Tubig, pahinging tubig." Nakita kong tumakbo agad si Sonny papuntang kusina.

"Sorry, El. Hindi ko alam kung saan banda yung tubig nyo eh. Ayos ka na ba?" Nagulat ako nung hinawakan nya yung kamay ko. Tumango na lang ako sa tanong nya.

"Alam mo bang miss na miss na kita, baby." Parang kumirot yung dibdib ko dahil sa pagtawag nya sa'kin ng baby, pero hindi ko alam kung bakit. Nakakunot lang yung noo ko habang kinakausap nya ako.

"Sunny, eto na yung tubig mo. Okay ka lang ba, ha? Sorry ah." Natatarantang sabi ni Sonny. Bigla namang inalis ni Ryker yung kamay nyang nakahawak sa'kin.

"Oo, okay na ako. Kayo, okay na ba kayo?"

"Wag mo na intindihin yun, Sunny. Ang mahalaga, ayos ka na." Umiling ako sa sinabi ni Sonny.

"Hindi, mag-uusap kayo."

"Pati ikaw din El, mag-uusap tayong tatlo." sabi ni Ryker.

***

 "Anong nangyari sa'yo El? Bakit hindi mo na ako kilala?"

"May amnesia sya, Ryker. Selective amnesia. Bakit El ang tawag mo sa kanya? Sunny nga sabi yung pangalan nya eh."

"Hindi ikaw yung tinatanong ko, Sonny."

"Ano ba?! Mag-uusap ba tayo o mag-aaway na lang kayo?!"

"Elisha Candice Montenegro. Yan yung kumpleto nyang pangalan. Incoming 4th year, St. Monica University, kung saan ka din nag-aral."

"WHAT?!"

"Oo, Sonny. At girlfriend ko sya." Napatingin ako kay Ryker. Nagulat ako sa sinabi nya. No way!!!! Gusto ko na si Sonny, tapos malalaman kong may boyfriend pala ako?! Ito na nga ba'ng sinasabi ko eh. Kaya di ko sinasagot si Sonny. :(

"Si-sigurado ka bang girlfriend mo ako?"

"Hmm. Yeah."

"Te-teka teka! Wala akong maalala! Hindi pwede!"

"Ryker, wag mo syang pilitin alalahanin. Gusto mo na naman bang may mangyaring masama sa kanya? Kung gusto mo, sabay na lang tayong ligawan sya. Wag kang unfair."

"Di kaya lugi ako? Magkasama kayo sa bahay tapos kami hindi? Saka bakit ko pa sya liligawan kung girlfriend ko na sya? Wag ka nga, Sonny."

"Ano ba?! Hindi ako laruan na pagpapasa-pasahan nyo. Umayos nga kayo!"

"Kailangan mo nang sumama sa'kin, El. Malapit na mag-pasukan. Mag-eenroll pa tayo."

"Sinabi ko na sa'yong may selective amnesia sya, bakit ba ang kulit mo? Tingin mo ba makakarecover sya agad kung ipupunta mo sya sa stressful na lugar?"

"We'll never know, besides wala naman sa atin ang doktor kaya hindi natin malalaman ang sagot. Sa Manila, mas maraming doktor dun na makakatulong kay El."

"Sonny, sige na. Gusto ko din makilala yung mga mahahalagang tao sa buhay ko noong bago pa ko magka-amnesia."

"So, sasama ka na sa'kin, El?" Tumango ako kay Ryker, nakita ko yung lungkot sa mukha ni Sonny. Ako din naman nalulungkot, pero masaya din at the same time.

"Oo. Pero hindi pa ngayon." Napatingin sa'kin si Sonny na mukhang nagtataka. Muntik na akong matawa kung hindi lang seryoso 'tong usapan namin eh.

"Well, if that's your decision, I'll respect that. Dyan lang ako sa hotel nina Sonny, in case naisipan mo nang umuwi ng Manila. I'll wait for you."

"Sige, thanks."

"Salamat, pre."

"Hmm, oh well, yan na lang muna sa ngayon. Mauna na ako, salamat Sonny at El." Umalis na si Ryker, ang dami nyang revelations. Naiwan kaming tahimik ni Sonny.

"Uy bakit ang tahimik mo?"

"Anong gusto mong itawag ko sa'yo? El o Sunny?" Nginitian ko sya, yun lang pala problema nya kung bakit sya tahimik.

"Para sa'yo, Sunny na lang. Ikaw lang pwede tumawag sa'kin nyan ah." :)

"Okay, Sunny. Bakit ayaw mo pang sumama kay Ryker? Tutal maganda naman yung intensyon nya eh."

"Gusto mo na ba akong umalis? Alam ko naman yun, kaya lang ayokong umalis dito with an unfinished business."

"What do you mean?" Tinitigan ko lang sya at hindi ko na sinagot. Napakamot na lang sya ng ulo. May kuto ata 'to eh. Hahahaha.

"Haha, basta secret ko na 'yun. Bakit nga pala kayo magkakilala ni Ryker?"

Sonny's POV

Since natanong na din ni Sunny, ganito kasi 'yan.

Nagkalaro kami ni Ryker dati sa St. Monica ng basketball. Juniors Vs. Seniors, syempre sa seniors ako. Naaalala ko pa ngang tabla yung laban at nag over time pa eh. Pero syempre, panalo kami. Ngayong nakagraduate na kami, sila na ang papalit sa amin.

Nagkasama din kami sa pagcompete sa iba't ibang schools para sa St. Monica. Minsan natatalo, pero madalas panalo.

Nung masquerade party napag-usapan ng team na sabay-sabay pumunta ng school kasama ang mga dates namin. Wala akong date nun, pero si Ryker, meron. Sa pagkakaalala ko, si Sandoval yun, ang ex ng lahat. Kaya nga nagtataka ako kung bakit sinabi ni Ryker na girlfriend nya daw si Sunny eh. Syempre di talaga ako papayag. Ayokong masaktan si Sunny.

Isa pang ipinagtataka ko, nung may isinayaw akong babae, nilapitan kami ni Ryker, at kinuha nya yung babae at dinala kung saan. Di ko nakuha yung buong pangalan nung babae pero....

El ang naaalala ko. Tama, El nga. Hindi kaya si Sunny yun? Kaya pala ang pamilyar ng mukha nya, lalo na mula sa ilong pababa. Ang tanga ko, bakit hindi ko agad naisip yun?

Sya nga yung babaeng nagustuhan ko, kahit nakatago sya ng mga gabing 'yun sa isang maskara. Hindi ako papayag na kunin at bawiin sya ulit sa'kin ni Ryker.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

A/N: Salamat po sa pagbabasa! Short update lang muna ulit. I want your feedbacks, comment naman po kayo. Mehehe. Love you all. :))

**Ryker sa picture. ^__^

A Summer To Remember (He said forever)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon