Summer 10: Butterfingers

22 3 4
                                    

"Bu-butterfingers?"

"Oo! Ano pa ba?!"

"So-sorry. Tara na nga bayaran na natin 'yan."

Umuwi na kami at si Sonny, lugmok na lugmok padin yung mukha. Hiyang-hiya siguro 'to sa'kin.

"Sonny, kung naiisip mo pa din yung kanina, hayaan mo na 'yun. Wala lang 'yun sa'kin. Okay la...woo!" Nagulat ako sa malakas na pag preno niya.

"Pasensya na, Sunny. Di ko napansin yung bus. Ano nga yung sinasabi mo dyan?"

"A-ah. Wala wala, sige mag-focus ka muna sa pag-da-drive." Hinawakan ko yung ulo ko, parang sumasakit kasi eh.

"Anong problema, Sunny?"

"Wala wala, sumakit lang ulo ko."

"Sorry ulit." Ngpatuloy na sya sa pagmamaneho.

"Sonny, siguro naman pwede na nating pag-usapan yung nangayari nung naaksidente tayo."

"Hmm, sige. Ano ba gusto mong malaman?"

"Sa bus ako nabangga, tama ba? Ikaw ba yung driver o kunduktor ng bus na yun?" Huminto sya at tinitigan ako.

"Ba-bakit? May sinabi ba akong masama? Nagtatanong lang eh."

"May driver ba ng bus na may resort?"

"Yabang!"

"Hindi sa ganun sa, Sunny. Nakakabobo ba yung pagkakaroon ng selective amnesia?"

"Aw, grabe ah. Sige, ako na bobo. Wag mo na sagutin yung tanong ko." Nakakainis! Napaka straight to the point ng taong 'to. Nagtatanong ako ng maayos eh.

"Tss. Tulad nga ng naikwento ko, nabangga kita, at tulad ng sabi mo, ikaw yung nakabangga sa bus. So, nung nabangga mo yung bus, nabangga kita kaya ako yung may pananagutan sa'yo. Nakalimutan mo na agad? Di ka ata nakikinig nung kinwento ko yun eh."

"Ah okay." At wala ng nagsalita sa amin ulit. Akala nya kakalimutan ko yung sinabi niyang.... ano nga ulit yun? Maganda daw ako? Hays! Nakalimutan ko na! Ah basta! Naiinis ako sa kanya!

Umikot sya at pinagbuksan ako ng pinto ng sasakyan nya.

"Nandito na tayo, baba ka na, Sunny."

"Alam ko! May kamay ako, di mo na ako kailangan pang pagbuksan."

"Woah, chill lang. Galit-galitan ka na naman." Inirapan ko na lang sya at nag walk-out. Bwiset! Galit-galitan daw? Tss.

"Oy, Sunny!" Tse! Di ko nga sya pinansin at dire-diretso lang ako sa paglalakad. Nagkulong na lang ako sa kwarto.

Bakit ba ako naiinis ng ganito? Napaka-childish ko! Ang asyumera ko na ba? Tsk. Feeling girlfriend na ata ako. No way!

"Tok tok tok~ Sunny, kakaen na tayo. Labas ka na dyan." Tsk, kung hindi lang ako nagugutom eh.

"K!" Tahimik lang kami habang kumakaen ng biglang...

"Ding dong ding dong~"  Tatayo na dapat ako para buksan pero...

"Ako na, Sunny."

"Mr. Kim Sonny Lizardo?"

"Yes, why?"

"Tungkol po kay Ms. Sunny, may nakuha na po kaming impormasyon."

"Sige po, tuloy po muna kayo." Nanatili akong nasa hapag-kainan habang nakikinig sa usapan nila ng pulis. Sa wakas, may nakuha na din silang impormasyon.

"May mga tumatawag ho sa himpilan namin at naghahanap ng mga nawawalang kamag-anak. Pero, may isang tumutugma kay Ms. Sunny. Dinescribe ho kasi nila yung physical appearance, at sya ho yung pinaka-kamatch."

A Summer To Remember (He said forever)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon