Sonny's POV
"Nasaan ako?!" Yun ang unang lumabas sa bibig ng babaeng nasa harap ko ngayon.
Hindi ko alam kung sino sya, pero pamilyar yung mukha nya. Ewan ko ba, kasalanan ko kasi kung bakit sya nandito ngayon sa ospital. Ako yung nakabangga sa kanya. Sagutin ko tuloy sya ngayon. I was really drank that night that I don't even notice na pagewang-gewang na pala ang takbo ko, and worse: mabilis pa ang pagda-drive ko.
"Nasa ospital. Anong pangalan mo?" Kinausap ko na sya. Para makauwi na din ako. 2 days na akong naririto.
"Huh? Sino ka? Anong nangyari sa'kin?"
"I'm Sonny. Kim Sonny Lizardo. Ako yung nakabangga sa'yo. And you are?" Hindi sya sumagot, pero hinintay ko sya. Para alam ko kung pwede ko na ba syang iwan. Kung okay na ba sya.
"Hi...hin...Sorry, pero hindi ko alam. Buhay pa ba ako?" Hindi ko din alam kung nangti-trip lang 'tong babaeng 'to dahil napogian sa 'kin. Obvious namang buhay pa sya kasi nakakausap nya ako, mukha ba talaga akong anghel? Maya-maya pa ay pumasok ang doktor.
"Hi Mr. Sonny, gumising na ba sya?"
"Ah, yes Doc. Doc, can we talk for a while?"
"Okay." Chineck nya muna saglit yung babae saka kami nag-usap.
"What is it Mr. Sonny?"
"Kasi Doc, I asked her name, but she said hindi nya alam. Ano pong problema sa kanya? Nagkukunwari lang ba sya?"
"As you can see, ulo yung pinakana-damage sa kanya. Good thing nagising pa sya and for now, she is experiencing selective amnesia."
"Ah, so ano pong pinagkaiba nito bukod sa ibang amnesia?"
"Based on its name, selective amnesia is different from the other types, hindi naman lahat ng bagay nakalimutan nya. Madalas yung mga basic informations, like yung name and address nya, pati na rin yung mga traumatic events na naexperience nya. Don't worry, babalik din ang memories nya, basta tutulungan nyo syang makaalala."
"Paano po 'yun, Doc? Pwede ko ba syang iwan dito?"
"Bukas, pwede mo na syang iuwi hanggang sa maalala nya ang lahat o kaya itawag nyo sa mga pulis. Ikaw na ang bahala dun, Mr. Sonny. Mauna na ko at may gagawin pa ako."
"Sige. Salamat po."
"Hi, Sonny, right? Anong pinag-usapan nyo ng doktor?"
"He said you have selective amnesia, pero babalik din naman yung memories mo."
"What?! Paano na ngayon?! Saan ako pupunta?! Huhuhuhu." Naku! Teka, di ako marunong magpatahan ng babaeng umiiyak!!
"Ah, miss! Wag ka ng umiyak. Tigil na, isasama na muna kita, hanggang sa bumalik na ang alaala mo."
"Huhuhu. Ganun ba? Salamat ah!" Humihikbi-hikbi pa sya nung sinabi nya yun. Salamat naman at tumigil na agad sya. Ganito ata talaga pag stress, napaka-emotional.
"Wag kang mag-alala, wala akong gagawing masama sa'yo. Kasalanan ko din naman kung bakit ka nandito eh. Bukas ng umaga, lalabas ka na dito."
"Sige, salamat ulit. So..Sonny." Ang amo ng mukha nitong babaeng 'to.
"Walang anuman, magpahinga ka na."
**Kinabukasan**
Isinakay ko na sya sa kotse ko, dadalhin ko muna sya sa rest house na tinutuluyan ko ngayon, hindi naman yun kalakihan, pero komportable naman.
"Nasaan nga pala tayo?"
"Nasa Batangas tayo ngayon. Pwede mo ba akong kwentuhan, kung ano lang yung mga naaalala mo. Para naman alam ko kung paano kita matutulungan." Nakita kong tumingin sya sa side mirror, parang may ikinukumpara sya sa mukha nya.
"Itong buhok ko, sa pagkakaalala ko, mahaba 'to. Pero maiksi na ngayon. Alam mo ba kung anong nangyari?"
"Ah oo, kasi naipit yung buhok mo sa loob ng sasakyan mo nung nabangga kita. Kaya kinailangang putulin yung iba para mailabas ka."
"Ganun. Pinakahuling naaalala ko, nasa party ako, hindi ko lang alam kung kaninong party yun. Ano nga palang nangyari, bakit mo ako nabangga?"
"Sigurado ka bang gusto mo nang malaman? Baka hindi ka pa ready, nasa state of confusion ka pa, saka na lang yun."
"Ganun ba, oh sige. Bakit ikaw mukhang hindi ka naman napuruhan?"
"Mabuti nga yun eh, galos lang natamo ko, salamat sa airbag ko. Kaso kuwawa naman yung isang sasakyan ko."
"So..sorry."
"Di naman ikaw yung may kasalanan, tama lang yun, luma na din naman yun eh."
"Ganun ba?"
"Eh ano nga yung pangalan mo?"
"H..ha? Di ko talaga maalala eh." Hinayaan ko na lang sya mag-isip ng kung anu-ano. Para tuloy akong nagkaroon ng instant wife. WHAT? Este, instant kasama sa bahay! Wew!
"Ito ang magiging kwarto mo sa ngayon, kung may kailangan ka, andun lang ako sa dulo, dun yung kwarto ko, halos magkatapat lang naman eh, makikita kita kung anong ginagawa mo kung nakabukas yung pinto." Sabay ngiting nakakaloko. Nakita ko syang nag-blush, pogi ko talaga.
"Ah si..sige, magpapahinga na ako. Salamat sa pagpapatuloy mo sa'kin, tatanawin ko 'tong malaking utang na loob." Nginitian ko sya at lumabas na ako ng kwarto. Sinara nya naman ito agad, natawa tuloy ako.
Sa di kalayuan, makikita ang napakagandang dagat. Gustong-gusto ko dito kasi sariwa ang hangin, tapos solo ko pa, dati. Napakapayapa at napakasimple ng buhay ko dito. Sana lang wag manggulo yung babae na 'yun.
"Ano kayang ipapangalan ko sa kanya?" Pumasok na ulit ako sa bahay. Yayayain ko si babae manood ng sunset, para naman mawala yung stress nya.
"Hoy, babae! Tara sama ka sa labas, para maappreciate mo yung ganda ng kalikasan! Mamaya na yang pinapanood mo."
"Babae? Pwede ba, di ko maalala yung pangalan ko eh, kahit naman sana Irene, di ba? Para 'My Amnesia Girl' ang peg, tulad nitong pinapanood ko."
"So, ako gagawin mong Apollo?" :P Nag-blush na naman sya. Tsk, wag ganyan, baka ma-fall ako sa'yo. Ikaw din, baka hindi na kita pauwiin sa inyo.
"Halika na nga, sunod ka na lang sa'kin." Binasag ko na ang katahimikan, baka lumubog na yung araw at di na namin maabutan.
"Wow! Ang ganda ganda! "
"Oo nga eh." Tumitig ako sa kanya. Napatingin sya sa'kin, napaiwas tuloy ako ng tingin. Masyado akong mabilis ah. Nakakahiya tuloy.
"Ah eh nung araw, at yung dagat, grabe ang ganda!" Sabi nya. Haha
"Gustong gusto mo yung araw no?"
"Oo ang ganda kasi talaga ng kulay, parang ang romantic tingnan lalo na kung magkasintahan yung nakatingin."
"Sunny."
"Ha? May sinasabi ka ba?"
"Sabi ko Sunny, yun na yung ipapangalan ko sa'yo simula ngayon. Okay lang ba?"
"Oo naman! Wala din naman akong magagawa eh. Saka okay lang, sakto, summer ngayon. Salamat, Sonny."
"Wala yun, Sunny."
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
A/N: Kim Sonny Lizardo sa picture. ;) <3

BINABASA MO ANG
A Summer To Remember (He said forever)
Genç KurguMaiksi lang ang summer vacation. Pero, maaari nga bang mahanap mo sa maikling panahon na ito ang makakasama mo sa pang-habang buhay? O kasing iksi lang din nito ang summer love story nyo?