Summer 5: Thea's Birthday

31 3 0
                                    

"What the? Sino ba kasi yan?"

"Lalaki eh. Pumasok ka na lang."

At pumasok na nga ako. Mamaya hinostage na 'tong mga kasama ko sa bahay eh, wala pa akong kaalam-alam. Kumuha ako ng pala sa may garden bago ako pumasok. Mabuti na yung sigurado, baka mamatay ako ng walang laban kung nagkataon eh.

Inihanda ko na yung sarili ko. Nang marinig kong nagsalita yung lalaki...

"Ano, Meredith, dumating na ba yung pinsan mo?"

"Bruno?"

"Syempre, sino pa ba yung inaasahan mo? Parang tanga naman 'to. Bakit ka may dalang pala? Ikaw na ba yung bagong hardinera nyo? Hahaha."

"Kala ko kasi may nang-hostage na sa kanila, hahampasin ko sana. Kaso ikaw yung dumating, ipaghuhukay na lang kita ng libingan mo."

"Wow, thank you ah. Tatanawin ko 'yan na malaking UTANG NA LOOB!"

"Meredith, ilabas mo na nga 'tong pala. Baka mahampas ko 'tong taong nasa harap ko eh."

"Ano ba 'yan, Mommy Elisha! Ikaw kumuha eh, ako papabalikin mo. Tss."

"Ano daw? Mommy Dionisia? Aba uki ha!" -Bruno

"Uki uki ka dyan, gusto mong kurutin ko 'yang uki mo?!"

"Gaga! Wala ako nun! Hahaha."

"Ano, Meredith? Ilabas mo na 'yan please. Thank you, baby."

"Fine. Ginamitan mo na naman ako ng magical power mo." -Meredith.

"So, ano nga ipinunta mo dito? Wala kang pasabi, pwede namang video call na lang." sabi ko kay Bruno.

"Ay. Bastos!"

"Ano na naman ba Bruno? Maglinis ka na ng tenga mo ha. Bad trip. 'Vi-de-o Call' hindi 'Bidyokol.' Kung anu-ano naririnig mo."

"Haha, yan ka na naman, Madam. Pinaparelax lang kita. Bakit ba bigla kang nawala nung party? Di ka tuloy nakasama sa pag ba-bar namin. Saya kaya."

"Mahabang kwento. Gusto ko ng kalimutan yun."

"Oh edi paiksiin mo. Problema ba 'yun."

"K. Nag-away kasi kami ni Sky, nawala na ko sa mood kaya umuwi na din ako."

"Anong pinag-awayan nyo?"

"Muntik nya na kasi akong ma-rape." Nagulat ako ng tumawa si bakla.

"Hahaha. Ang choosy ah! Di ka pa nagpa-rape? Sayang."

"Gusto mong iparape kita, now na? Sino ba talaga kaibigan mo? Ako o si Sky?" Tinaasan ko sya ng kilay.

"Haha. Relax. Ikaw kaibigan ko, kaso crush ko si Sky, so di ko na alam kung sino kakampihan ko. Hahaha."

Binato ko sya ng unan at pinagsasaksak ko sya hanggang sa malagutan ng hininga. De joke lang. Sa isip ko lang yun. Walang hiyang bakla 'to!

"Sige, umuwi ka na."

"Biro lang 'to naman. So, kamusta kayo? Nag sorry na ba sya sa'yo? Pinuntahan ka na ba dito?"

Awts. Parang mas okay siguro yung pinagtitripan na lang ako nitong si Bruno, kaysa ngayong seryoso sya.

"Di pa nga eh." :((

"Grabe naman 'yan. Baka nahihiya? Baka di makaharap sa'yo dahil sa kahihiyan? Baka walang lakas ng loob? O baka naman..."

"Baka ano?"

"Baka wala syang paki sa'yo. Tigang lang talaga sya nun."

"Tss. Leche. Wag ka nga. Isa ka pa eh."

A Summer To Remember (He said forever)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon