Summer 2: Mask

126 4 4
                                    

Lumipas ang araw at natapos na rin ang klase. Pero bago pa man magsimula ang bakasyon, napag desisyunan ng buong 3rd year at 4th year na magkaroon ng masquerade party. Syempre, kasali ako. Hindi na ko magiging kill joy kasi tapos na din naman ang exams. Pinauwi kami ng maaga para makapaghanda. Sa quadrangle ng school lang 'to gaganapin, at tumulong ang iba para magdesign sa lugar.

**Sa bahay**

"Min'na saikō arigatō, K-k-k-kawaii, k-k-k-kawaii~" 

Nagulat ako sa pagtunog ng cellphone ko! Nakakaloka!

"Sino ba 'tong panget na tumatawag na 'to?!"

Ryker Sky <3 Calling...

"Hmm. Hello Baby Sky, napatawag ka? :) " sorry bait-baitan. Kelangan eh. Haha

"Hi baby, sunduin kita mamaya ah? Loveyou, bye!"

"Ahh..." at ibinaba na nya yung tawag. Grabe di pa nga ko umooo eh. Psh.

Hoy di ako pa-hard to get ah. Pero syempre nauna na kasi sila Bruno sa pagsabi na isasabay daw nila ko eh. Hayaan ko na nga lang, maiintindihan naman siguro nila ako.

"Min'na saikō arigatō, K-k-k-kawaii, k-k-k-kawaii~" Hala! Tumatawag si Gwen!!! Panu na 'to?!!!??

 "Mom's not home tonight, so we can roll around have a pillow fight. Like a major rager OMF~" 

"Oh hello, Gwen? Napatawag ka?"

"Gusto ko lang kasing sabihin na baka gusto mong bilisan kasi po, baka nakakalimutan nyo po, na mag papaparlor pa tayo po. Nandito na kami sa labas ng bahay nyo, Madam! Pwede ka ng lumabas o gusto mong pasukin ka pa namin dyan?! Ang tagal mong sagutin yung phone mo! Aba, tanghaling tapat nanonood ka ng porn! Grabe girl ah!"

"Hoy Gwen! Kung manonood lang din ako ng porn, bakit di ko na lang yayain si Ryker? Matanda na ko para sa ganyan, gusto ko live show na."

"HAHAHAHAHAHA. Nanto! Labas ka na oy!!!!"

"Oo nga excited na kami, ang bagal-bagal mong kumilos!" -Bruno

"Oo na mga bakla! Eto na palabas na."

"Anong mga bakla? Si Bruno lang bakla dito oy!" -Gwen

"Asa ka girl, babae ako, mas maganda pa nga ko sa'yo eh!" -Bruno

At nagtalo na sila, binaba ko na yung phone at lumabas na din ako.

"And here's the Snow Queen Elisha of Arendelle! Finally!" -Thea

"Gaga! Elsa yun!' -Bruno

Sabay-sabay kaming tumawa at nagpunta na kami sa salon. Inihatid kami ng driver nina Gwen.

Inayusan na kaming lahat, syempre papahuli ba naman si Bruno? Dahil gabi ang party, babae sya tonight. So let's call him, Brittany. Nagsuot sya ng wig para magmukhang babae. Ang taray di ba?

7pm ang start ng party. Of course, lahat ay required mag suot ng mask, bago pa lang makapasok ng school. 6pm natapos na kaming ayusan lahat.

"Hoy Madam Elisha! Bakit hindi ka mapakali dyan? Napasukan ka ba ng bulate sa ano..." -Brittany

"Loka-loka! Tumigil ka nga, eh kasi ano, di ako makakasabay sa inyo. Kasi susunduin daw ako ni Ryker eh."

"So, babalik ka pa sa bahay nyo? Anong oras na oh?!"

"Hindi, dito na ako magpapasundo. Kanina ko pa nga tinatawagan eh, kaso di naman sumasagot."

"Sige, pag 6:30 wala pa din sya, gora na us ah."

A Summer To Remember (He said forever)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon