Summer 12: #Throwback

25 2 0
                                        

Sonny's POV

"Good morning, Sunsh.." Napahinto ako ng hindi ko matanaw si Sunny sa sala. Kinabahan ako. No way, sabi nya, di pa naman daw sya aalis di ba?

"Sunny?! El?! Sunshine?! Sunny??????!!!!!!" Tiningnan ko sa ilalim ng mesa, ng upuan, pati na din sa loob ng bulsa ko. Pero, wala talaga eh.

"Ay! Ano ka ba Sonny?! Para kang tanga! Hindi kasya si Sunny sa bulsa mo!" Nababaliw na ata ako. Kinakausap ko na naman ang sarili ko. Ginulo ko ang buhok ko. Nasaan ka na ba El? Bakit hindi ka nagpaalam?

Sinubukan kong lumabas ng bahay at nakita ko sya sa may duyan. Kasama si Ryker.

"El, sobrang namimiss ka na ng pamilya mo sa Manila. Kailan ba tayo babalik dun?" Sabi ni Ryker. Nakikinig lang ako sa kanila, hindi nila alam na nasa likod na nila ako.

"Malapit na Ryker. May tinatapos lang ako. Namimiss ko na din sila." Ano naman kayang tatapusin nitong si Sunny? Buhay ko? What? Killer sya?

"Uggggh!" Ginulo ko na naman ang buhok ko. Masyadong maganda si Sunny para maging killer. Isa pa, kung sya papatay sa'kin, mamamatay ako ng maligaya.

"Sonny? A-anong ginagawa mo dito?" Sabi ni Sunny sa'kin.

"Wala, nagpapahangin lang, saka resort ko naman 'to, pwede ako pumunta kahit saan."

"Kamusta pre?" Sabi ni Ryker. Nang-aasar ba 'to? Tinitigan ko lang sya ng masama. Lumapit ako kay Sunny at hinila sya.

"Tara na Sunny, balik na tayo sa bahay. Kakain pa tayo."

"Teka lang Sonny, nag-uusap pa kami ni Ryker eh. Susunod na lang ako." Wow, so mas pinipili nya pa 'tong lalaki na 'to?

"Tara na, kumain muna bago lumandi."

"Hoy pre, sumosobra ka na ah."

"Wag kang makisali dito Ryker, hindi ka kasali."

"Grabe ka naman Sonny, para hindi mo naman ako kilala." sabi ni Sunny.

"Hindi nga, bakit? Sino ka bang talaga, ha?! Wag mong sabihing nagpapanggap lang kayo nitong si Ryker para paikutin ako?"

"Huh? Ano ba yang pumapasok sa isip mo, Sonny? Ano bang pinagsasasabi mo? Matulog ka na lang ulit baka inaantok ka pa."

"Bumalik na ba yung alaala mo, El? Sabihin mo! Hindi mo ba ako nakikilala?" Hindi ko alam kung anong nagyayari sa'kin at bigla akong nagkakaganito. Siguro dahil na din sa bagong gising ako, wala pang kain, at pag-aalala ko kay Sunny.

"H-hindi.." Nilapitan ko sya at niyugyog.

"Hanggang kailan pa ba yang amnesia mo ha? Tapusin mo na yung dapat mong tapusin dito!" Blangko na ang isip ko. Nagsasalita na ako ng hindi nag-iisip.

"A-aray ko Sonny, nasasaktan ako!" Mahigpit na ang pagkakahawak ko kay Sunny. Tumayo si Ryker at tinulak ako. Muntik na kong mapaupo. Nagtago sa likod nya si Sunny na umiiyak.

Ang tanga-tanga ko. Ang bobo-bobo ko. Sinabi kong hindi ko sasaktan si Sunny, pero anong ginawa ko? Sh*t! Umalis na ako sa lugar na 'yun at bumalik ng bahay.

Anong nangyari sa akin? Selos? Kabadingan yun! Dahil sa ginawa ko, sila tuloy ni Ryker magkasama ngayon! Tsk!

Sunny's POV

"Ryker, bakit ganun si Sonny? Wala naman tayong ginagawang masama ah? Nag-uusap lang naman tayo." :( Nagulat ako sa mga ginawa ni Sonny kanina. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip nya at ginawa nya sa'kin yun. Bumakat sa mga braso ko yung tindi ng pagkakahawak nya sa'kin. Anong nagawa ko?

"Hayaan mo muna sya El. Di lang siguro sanay na may kausap kang iba."

"Ganun ba? Sige." Niyakap ako ni Ryker at pinunasan yung luha ko.

"Tara na, ihahatid na kita kay Sonny, para makakain ka na din ng almusal."

"Ah, Ryker, can I ask you a favor?" Say yes, say yes!

"Sure, what is it?"

"Pwede bang sa'yo muna ko? Natatakot kasi ako kay Sonny eh. Baka galit pa din sya sa'kin."

"Sa'kin ka naman talaga eh." Nagulat ako at tiningnan ko si Ryker, seryoso sya sa sinabi nya. Pero maya-maya lang ay tumawa sya.

"Hahaha! If you can only see your face! Haha! Epic! So, let's go. Pagbibigyan kita sa favor na hinihingi mo." Natawa na din ako.

"Haha. Maloko ka din pala. Salamat!"

"Yan, ngiti ka lang, mas maganda ka pag ganyan." :"> Oh no! Lumalandi nga ba talaga ako? Tama ata si Sonny. Hays. Nagugulumihanan na ako sa nararamdaman ko para sa kanilang dalawa.

Dinala ako ni Ryker sa isang restaurant, pero dito lang din sa loob ng resort ni Sonny.

"Ah eh, mind if I ask you? Bakit hindi tayo lumayo?"

"Haha! Pag nilayo kita, baka makarating tayo ng Manila at hindi na kita ibalik dito."

"Pwede ba?" Nakita kong biglang sumeryoso yung mukha nya.

"Pwedeng pwede. Ikaw na lang yung hinhintay ko." Nagkaroon ng pansamantalang katahimikan sa'ming dalawa. Buti na lang lumapit na yung waiter at dala na nya yung mga pagkain.

Mayroong chicken wings inasal, pork bbq, grilled baby squid, steamed shrimps, grilled tuna laman, grilled imbao, shrimp and pomelo salad, lato salad, kinilaw na langka sa gata, grilled talong, salted egg, grilled tomatoes, kalkag rice, bagoong rice, and crispy dulong rice. Aw, heaven!! Pero...

"Ryker, bakit ang dami? Kaya ba nating ubusin lahat 'to?"

"Natin? Sino may sabi sa'yong tayo lang ang kakain ng mga 'to?" Nakita ko yung pag ngiti nya at may tinawagan sya sa cellphone nya.

"Baba na kayo, punta na kayo dito sa sinabi kong restaurant. Bilis ah." Huh? Sino naman kaya yung mga yun? After 10mins, bigla na lang may mga nagsigawan...

"Eeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeellllllllllllllllllllllllllllllll!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" Halos mabingi ako sa sigawan nilang tatlo. Oo tatlo, ang tatlo kong mga kaibigan. Hindi ko lang maalala ang mga pangalan. Niyakap nila ako ng sobrang higpit, halatang miss na miss nila ako. Syempre, nakiyakap na din ako.

"Te-teka guys! Di na ako makahinga." Tumatawa lang sa gilid si Ryker.

"Sorry, El. Miss na miss ka lang namin, lalo na daw 'tong baklang 'to."

"Hoy bruha ka! Grabe, si Theodora nga sobrang nakakamiss dyan eh, paano ba naman birthday nya pa nung huling nagpakita 'tong lukaret na 'to!" sabi nung bading.

"Settle down, guys. Kumalma na kayo. Hinay-hinay lang. Naaalala nyo ba yung sinabi ko sa inyo na dapat nyong gawin? Now, go." Sumingit na si Ryker.

"Okay, baby boy." Yung bading na naman.

"Okay, simulan na natin. Hi Miss, ako nga pala si Gwendolyn Fajardo, ang pinaka maingay mong kaibigan. Gwen na lang para cute. Haha." Nakipagkamay sya sa'kin at inabot ko yun at nginitian ko na lang din sya.

"Hi bebe! Theodora Sim, ang amerikanang intsik mong kaibigan. Thea na lang para sossy pakinggan. Please to meet you." ;) Ang ganda nito, parang dyosa.

"And last but not least, I'm Brunicio Mamaril. Bruno sa umaga, Brittany sa gabi, na naniniwala sa kasabihan na, macho man ako sa inyong paningin, sa gabi, ako pa din ay isang dalaginding. I, thank you." Hahaha. Ang ligalig ni Bruno. Nagpalakpakan yung mga tao sa paligid namin at pati na rin kami.

"So, kilala mo na silang lahat, El. Simulan na nating kumain."

"Yes! Ang pinakahihintay ko!" Sabi ni Bruno. Kakainin na dapat nila yung mga nakahain, pero...

"Sandali lang! Wag muna kayong kumain!" Nagtataka silang tumingin lahat sa akin.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

A/N: Sorry and thank you people! :D 'Til next update! Mwah! <3

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling na-update: Aug 03, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Summer To Remember (He said forever)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon