Summer 3: Bakasyon

42 3 2
                                        

"What time is it? Summer time! It's our vacation! What time is it? Party time!~" 

Ah, yeah. Nanonood ako ngayon ng High School Musical 2. I love Zac Efron kasi. Tapos gusto ko din ng mga ganyang klaseng movies, like Glee and Pitch Perfect. Kumakanta ako, pero kapag ako lang mag-isa o kaya kapag kasama ko sina Gwen. Mahirap na baka madiscover ako. Haha

It's officially our summer vacation! Yet, I'm not happy. Eto na yung pinakaboring na part ng taon. Idagdag mo pa yung nangyari kagabi, napakasaya nga naman talaga. <///3

Nananahimik ang cellphone ko ngayon. Walang nagtetext, walang tumatawag. Siguro gumimik pa ang mga lukaret kagabi pagkatapos ng party kasama ang mga boylets nila kaya ayan, nganga, puyat. Hope wala silang ginawang masama. Please, sana sana di nila nirape yung mga lalaki. Hahaha.

Si Ryker? Ewan ko dun. Binlock ko na sya dito sa phone ko pati na rin sa Facebook. Baka kasi di ko sya matiis. Kung hihingi sya ng tawad, puntahan nya ko dito sa bahay at mag-usap kami. Pero di ko masisiguradong mapapatawad ko sya. Di naman kasi ganun kadali yun eh. Kaw kaya, di ba?

"Haaaaay! Bakit ko ba pinoproblema yun? Nakalimutan ko tuloy si Darling Zac Efron ko." Sabay kain ko ng popcorn. Feeling nasa sinehan lang. :)

"Ding dong, ding dong~"

Muntik na kong mabulunan dahil sa pagtunog ng door bell. Lord naman, di ko naman po sinabi na ngayon at agad-agad sya pumunta dito eh. T____________T

Bubuksan ko na sana yung gate kaso....

"Wag ko na lang kayang buksan? Ako lang mag-isa dito!!! Baka ma-rape na naman ako!!!!" O__O Wait! Na naman?!!!!? Di naman natuloy kagabi eh!!! Ay. Bwiset mukhang lumalabas na nadisappoint pa ko ah. Hays.

Binuksan ko na yung pinto...

"Anong gina..."

"Hi Mommy Elisha!!!!!! Dito muna ako magbabaksyon sa inyo ah! Aalis kasi sila Mammaw at Pappaw eh. Di naman daw nila ako pwedeng isama. 1 week lang naman" :3

"Oh, Meredith, ikaw pala. Halika, pasok ka. Wala bang naghatid sa'yo?"

"Oh bakit parang disappointed ka Mommy? Ayaw mo ba ako dito? Ahm, hinatid po ako ni Manong Ronnel."

"Ah, hindi ah. Ikaw pa ba, Meredith? Namiss kita!!!"

Sya si Meredith Irish Montenegro. Pero hindi ko sya anak ah! Di pa ko sawa sa pagkadalaga ko no. Buong pinsan ko sya. Mommy tawag nya sakin kasi wala lang, kami pinakaclose na mag-pinsan eh.

"Utot mo mommy. May problem ka ba bukod sa mukha mo? Hahaha."

"Grabe kang bata ka. Palayasin kita eh."

"Bata? Duh. 14 na kaya ako. Enebeyen. Mey cresh ne nge eke eh." :">

"Ebe eng lende me ne eh! Jombagin kita dyan eh!"

"Di na po. Sino nga inaantay Mommy?"

"Daddy mo."

"Pardon?"

"Wala sabi ko magsaya tayo! Napakaboring eh. Minsan gusto ko na lang mambato ng bintana ng kapitbahay. Pero sana lang menor de edad pa ako. Kaya ikaw na lang pagbabatuhin ko."

"Ohhh. Wag ako Elisha, iba na lang! 24 na ko no."

"Haha. Ewan ko sa'yo!"

****

"I asked her name

But she turned away

As she walked

All that I could say was~"

Kung anu-ano na lang ginawa namin sa bahay. Ako, nagpe-pretend na masaya. Sumasayaw kami ng kung anu-ano. Parang mga baliw. Kapag naaalala ko si Ryker, sinasabunutan ko si Meredith. Ang gaga naman, tuwang-tuwa. Di nya alam minamaltrato ko na sya. Wahaha!

"Mmm Mmm yeah yeah

Mmm Mmm yeah yeah

Mmm Mmm yeah yeah

All that I could say was~"

Natigil kami ng nag-ring ang cellphone ko.

"Min'na saikō arigatō, K-k-k-kawaii, k-k~"

"Hello?"

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

A/N: Hala. Sino kaya yung tumawag kay El? Hulaan nyo. ^___^V

**Elisha Candice Montenegro sa right side :)

A Summer To Remember (He said forever)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon