"Hello?"
"Hi Candice!"
Hmm. Ngayon na lang may tumawag ulit sa 'kin ng Candice.
"Who's this? How'd you know my name?"
"Well, it's me, Sabrina."
"Sab? Friend ni Bab...ni Ryker?"
"Well, yes, and not only 'friend', I am his best girl friend!"
Bwiset well ng well, ihulog ko kayo 'to sa deep well nang mabura na sa mundong ibabaw. Pero joke lang. :D
"Lampake. What do you need?"
"Oh, I never thought na ganyan ka pala mag-greet ng kaibigan. Well, hihingi lang sana ako ng favor..."
"What is it?" Pinutol ko na pagsasalita nya. Daming paligoy-ligoy eh. I hate it.
"Oopss. Chill lang, friend. Gusto ko kasing magpasama sa mall. You know, magpapatulong lang ako sa pagpili ng ireregalo kay Thea. Birthday nya sa Saturday, right?"
"Oh well, yeah, if I am not mistaken. Bakit hindi ka ba marunong mamili at gagawin mo pa akong alalay?"
"Meron ka ba, girl? Easy ka lang, easy nga lang ako dito eh. Tomorrow, 2pm. Sunduin na lang kita sa may labas ng village nyo."
"Did I say yes?" panay na roll eyes ko dito. Napakaatribida talaga nitong malantutay na babaeng 'to.
"Well, you should say yes. Whether you like it or not, you will accompany me tomorrow. I bet you don't want your friend, Thea, to be sad in her own birthday by receiving such a bad gift."
"Well, it's not my fault, anyway." Punyemas, nahahawa na ko sa well na yan.
"Really? Tomorrow, 2pm. Bye!!"
"I'm not goi..." Bwiset! Bakit ba ako lagi binababaan ng mga tao? Di pa nga ako tapos magsalita eh!
Nagtataka ba kayo kung bakit ang init ng dugo ko sa babaeng 'yun? Well, sya lang naman kasi yung first love ni Ryker. Hindi naging sila, kasi choosy 'tong si babae. Kaya sinuggest nya na mag best friend na lang sila. No more, no less. At least pag ganun, walang mawawala. Hindi sila magbi-break. Ang sweet di ba? Sarap ibato sa pader para mabreak na yung mukha nitong Sabrina na 'to! Grrrrr!!!
"Mommy El, sino yung tumawag?"
"Ah, wala Meredith. Iligpit mo na yang mga kinalat natin. Maghahanda na ko ng Dinner natin."
"Ehhh, iutos mo na lang 'yan. Tulungan mo ako dito."
"Kaya mo na 'yan! Mas masarap kung ako magluluto, di ba? Di ba?" Nilakihan ko sya ng mata. Tumango naman si uto-uto. Hahaha
Kumain na kami at nagpahinga.
****
"Woah. Ang inet!!! Darn. It's so hot like me!! I can't believe it! Where's that girl na ba?!!?" Nandito na ako sa labas ng village namin. Bakit ba kasi sasama pa 'ko? Pwede ko naman siyang di siputin. Hays. Isipin ko na lang na I'm doing this for Theodora. Saka kailangan ko na din magpa-tan. Oh, well! Deep well!
At may humintong kotse sa harap ko.
"Hey Candice! Hop in!"
"Whatever!" Habang bumibyahe kami daldal ng daldal ang babaeng balon.
"Kamusta na pala kayo ng best boy friend ko?" -Sya
"What again?"
"Ohh, ng best friend ko, si Sky."
What the? Ako lang dapat tumawag sa kanya ng Sky!!!! Grr.
"Ah, ayos lang naman. Nagmamahalan pa din ng tunay."
BINABASA MO ANG
A Summer To Remember (He said forever)
Fiksi RemajaMaiksi lang ang summer vacation. Pero, maaari nga bang mahanap mo sa maikling panahon na ito ang makakasama mo sa pang-habang buhay? O kasing iksi lang din nito ang summer love story nyo?