Kabanata 4

12.5K 282 7
                                    

Kabanata 4

Kiss


Sumalubong sa akin ang matalim na tingin ni Sancho. Kakarating niya lang matapos ihatid ang babae niya sa kung saan man ito nakatira.

Sapilitan nanaman niyang binuksan ang kwarto ko gamit ang kanyang spare key. Ayaw ko siyang makausap ngayon pero hindi na ako makakaiwas pa gayong narito niya sa aking harapan habang nakaupo ako sa couch at nagbabasa sana ng aklat.

"Why did you say that?" he asked, inching closer to my seat.

Umupo siya sa aking tabi kaya medyo lumayo ako sa kanya pero ginaya niya lang ang ginawa ko. I felt him grip my arm when I was about to move away from him. Napangiwi ako sa ginawa niyang paghila sa akin para iharap ako sa kanya.

"Say what?" Pabalang kong balik tanong sa kanya.

Though, I know what he meant.

"You are not my cousin, Anna Eleanor."

"Hindi naman talaga. I said that so your girlfriend won't be mad at you."

Diniin ko pa ang salitang 'girlfriend' para makuha niya ang nais kong ipunto sa kanya. Binawi ko ang braso ko mula sa mahigpit niyang pagkakahawak. This time he let me go.

"Next time don't do or say anything." He said in almost angry tone.

Nagsimulang akong mainis sa kanya. Bakit ba kasi ipinaghihimutok niya iyon? Hindi ba't mas nakatulong pa iyong ginawa ko para hindi siya mabuko sa mga kalokohan niya?

"Whatever." Sagot ko saka tumalikod na sa kanya at binuksang muli ang aklat na binabasa ko.

I heard him sighed then he stood up. "Pack some clothes good for three days, you're coming with me." Saad niya saka namaywang.

My brow arched up to his command. Saan naman niya ako dadalhin? Instead of feeling scared, my heart jumps because of excitement. Kung isasama niya ako sa kung saan siya pupunta ay ito palang ang kauna-unahan kong paglabas. I never tried escaping from our house. Hindi ko gustong salungatin si Papa noon kaya kapag sinabi niyang manatili lang ako sa bahay ay sinusunod ko. Iyong gabi palang na iyon ang kauna-unahang pagkakataon na hindi ko sinunod si papa.

"Saan tayo pupunta?" nakangiti kong tanong.

Inilapag ko na ang aklat sa couch at tumayo ako sa kanyang harap. Ang tangkad niya ay malayo sa akin. hanggang balikat niya lang yata ang tuktok ng ulo ko at sa tuwing mag-uusap kami ay kailangan ko pang magtaas ng tingin para lang magtama ang aming paningin.

Yumuko siya para tingnan ako. I saw the corner of his lips lifted up into a smirk.

"I have a conference in New York. I don't wanna risk leaving you here." His smirk showed up freely this time.

"New York! Wow!" Namamangha kong saad.

I only saw New York through screen, the country is probably far from what I have seen from the movies. Bigla akong nakaramdam ng sobrang excitement dahil sa wakas ay makakagala na rin ako sa ibang lugar.

"Are you that excited?" rinig kong tanong ni Sancho ng magsimula na akong mag-impake ng damit ko.

Magmamadaling araw na ata at heto kami at pawang gising pa.

"This is my first time going out, of course, I am excited!" I said.

"You should sleep now. Bukas ka na mag-impake." Saad niya saka tumalikod mula sa aking pwesto.

I heard my door closed after that. Tinapos ko na ang pag-iimpake bago ako natulog. Kaso halos hindi rin naman ako nakatulog dahil pagising gising ako kahit na ilang oras lang ang tulog ko. Maaga akong nagising at nag-ayos na kaagad ako. Pagkababa ko sa kitchen ay nakahanda na ang almusal. Sancho is sitting at the dining room. May hawak siyang mamahaling tablet at may nakahaing pagkain sa kanyang harap.

"Good Morning!" bati ko ng nakangiti.

"Mornin'." He greeted back.

Mukhang medyo wala siya sa mood dahil nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa screen ng iPad.

I was about to start eating when his phone ring. Agad niya iyong dinampot saka sinagot.

"Janine." He called.

Napayuko kaagad ako sa narinig na pangalan. So it's that woman.

"Yeah, we're coming. Let's meet up there. Okay." He said over the phone.

Ilang saglit pa silang nag-usap bago iyon natapos. Tinapos ko ang pagkain ng tahimik at hindi na siya kinausap pa.

Pupunta rin iyong girlfriend niya sa New York. Bakit kailangan niya pa akong dalhin kung ganoong? Is he scared that I will do something stupid while he's away?

Hanggang sa makaalis kami sa mansiyon niya at patungo ata sa airport ay tahimik ako. Hindi ko maiwasang kabahan ng sobra ng sumakay kami sa isang private plane. Nanlalamig ang kamay ko at nangangatog ang aking tuhod ng magtake-off ang eroplano.

"Don't do anything stupid while I am in the conference. Naroon si Gardo para bantayan ka." Saad niya habang nag-aayos siya ng damit niyang white longsleeves at black pants.

Nakatingin lang ako sa tanawin sa bintana mula sa hotel room. Madilim sa labas pero kita ang city lights.

"I'll order your dinner. Just wait for it." Sambit niya ulit.

I almost jump in surprise when I felt a warm hand on both side of my waist. I panic as I tried to removed his hands from my waist.

Naramdaman ko ang pagdamp ng kanyang mukha sa aking balikat. He sniffed at the side of my neck. Napasinghap ako sa kanyang ginawa.

"What are you doing, S-Sancho?" Kabado ko ng tanong sa kanya.

Mabilis ang tibok ng puso ko at parang bumalik ang kaba ko kanina kagaya ng kaba ko habang nasa eroplano.

"Don't try to escape from me. I can find you no matter where you are, remember that." he whispered then I felt something warm on my cheeks near my lips.

Nanigas ako at hindi alam ang gagawin kahit na umalis na siya sa aking likod ay Nanatili pa rin ako sa aking pwesto. My cheeks are burning as I realized what he did. He kissed me!

"I'll call you thru Gardo's phone. I can't trust you enough for me to buy you a phone for now." He spoke, I still stood frozen on my place.

"I'm going." He said again then I heard his shoes walk away from me and the door slammed close.

Doon lang ako napabuga ng hininga na kanina ko pa pala pinipigilan. Humawak ako sa naghuhurumentado kong puso. Mukhang magkakasakit ako sa puso dahil sa mga kagagawan ni Sancho.

Taming The Devil's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon