Kabanata 7
Auction
Hahawakan ko na sana ang kamay niya ng marinig ko ang malakas na pagtunog ng speaker na naging hudyat ng pagsisimula ng kasiyahan.
Claps of hands followed after the greetings of the MC. I turn to Sancho. Hawak ang kanyang phone ay nagtipa siya at ng matapos ay nagbuntong hininga siya. Pag angat ng kanyang mata ay nagtama ang paningin namin.
"I have to talk to someone. Stay here. Gardo's on the watch, remember." He whispered to me then he stood up.
Gusto ko sanang tanungin kung sino iyong kakausapin niya pero hindi ko na nagawa dahil nakalayo na siya kaagad. Sinundan ko siya ng tingin. May dalawang binata ang sumalubong sa kanya at saka nakipagkamay. Pawang tango lang ang ibinigay niya sa kanila saka dumiretso patungo sa isang double doors. Nangunot ang noo ko ng makita ang pamilyar na pigura ng babae.
It's Janine, for sure. Base sa tangkad at petite na pangangatawan ay nakumpirma kong si Janine nga iyon lalo na't kaagad itong yumakap kay Sancho. I suddenly felt disappointed. Why did he bring me here if he'll just meet Janine secretly?
Ginagawa niya akong tanga.
"If looks could kill, someone probably died right now." Saad ni Christian.
Napalingon ako sa pwesto niya. Lumipat na siya sa upuan sa aking tabi. His parents seem busy listening on what the MC is saying. Ngumiti ako ng tipid sa kanya para hindi ako magmukhang maldita o kaya ay snob.
Sancho is the first stranger I know then Christian is the second. Pangalawang pagkakataon palang ito pero ayokong masira na kaagad ang impression ko sa kanya.
"This kind of party seems to bore you." He tilted his head to the side while staring at me.
I sighed and played with my fingers.
"This is my first time attending a party, actually." Mahinang saad ko.
"Really? Then you should enjoy it!" He said with excitement.
"I have to stay here. I can't roam around."
"I'll tour you around. I won't do anything that may harm you, Anna. I promise." He smiled again.
Nilingon kong muli ang pinuntahan ni Sancho. I swallowed hard as I think of what could they be doing there.
"Okay." I sighed as I agreed to Christian.
Kung alam ko lang na iiwan niya rin pala akong mag-isa sa party na 'to e'di sana hindi na ako sumama. This bores me to death. Hindi ko kailanman makuha ang saya na dulot ng mga ganitong okasyon kahit na sa tv ko lang ito kadalasang nakikita.
Naglakad kami sa isang corridor. Humawak ako ng mahigpit sa aking damit habang naglalakad kami ng tahimik.
"You don't seem comfortable around the crowd. I don't want to sound rude or offensive but by any chance, do Sancho lock you up inside his big mansion?" Christian asked.
Napalingon ako sa kaniya. Binuksan niya ang isang double doors at bumungad sa amin ang tahimik at mahangin na hardin ng venue. Mayroong mga halaman na hanggang baywang lang at napapalibutan ng fairy lights, para iyong mga alitaptap kung titingnan mula sa malayo. Hindi ko napigilan ang paglinya ng isang ngiti sa aking labi dahil sa nakikita.
I really like the night. Iyong ganito at tahimik lang. siguro dahil lumaki ako ng halos ako lang at madalas ay nakatanaw lang ako sa bintana sa aking silid tuwing gabi. It feels like I am communicating with my mother through nature.
"You're much beautiful if you smile like that."
I immediately turn my gaze to Christian.
"What?" natatawang saad ko.
Wala pa ni isa ang nagsabi sa akin na maganda ako maliban kay mama bago pa ito mamatay. I guess this is the feeling of being overwhelm. Pakiramdam ko ay pinamulahan ako dahil sa init ng aking pisngi. I softly brushed it with my fingers, silently wishing that the blush would come off my skin.
"How old are you?" nakatagilid ang ulo niya paharap sa akin habang nakatingin naman ako sa paligid.
Dahil wala namang ibang tao rito walang nakakarinig sa amin. Hindi ko na rin inalala pa kung nasa paligid lang si Gardo at binabantayan ako. I just want to enjoy my first time outside.
"I'm eighteen."
"You're young. I'm already twenty-five." Kibit balikat ni Christian.
Umayos siya ng tayo saka naglakad patungo sa isang bench. I was about to follow him but someone pulled my arm.
"Why are you here with him, huh?" Sancho with his angry glare asked me.
Napangiwi ako sa higpit ng pagkakahawak niya sa aking braso. I felt Christian held my other arm. Pawang Mukhang handa silang hilahin ako. I want to complain but I am scared of Sancho.
"Nawala lang ako saglit may umaaligid na sa'yo." Sancho said in between his gritted teeth.
"We are just talking. Your grip is hurting her, Mr. Monroe." Si Christian na seryoso na rin.
"Stop flirting with her, Christian. You can't have her."
"We are not flirting." Mahinang sagot ko.
How can he accuse me. Hindi ko naiisip iyang ibinibintang niya sa akin.
"Let's go. I don't want you talking to him, again." Mariing saad ni Sancho.
Hinila niya ako at nagsimula na siyang naglakad. Tiningnan ko si Christian at bumulong nalang ng pasensiya na Mukhang naintindihan naman niya dahil tumango siya sa akin at ngumiti na tila nag-aalala.
Bumalik kami sa pwesto namin kanina. Wala na ang mag-asawa at hindi na rin sumunod pa si Christian.
Tahimik akong naupo sa tabi ni Sancho. I am scared that he will shout at me if I'll talk.
Salubong ang kilay niya at tila may iniisip.
"Good evening ladies and gentlemen. Tonight we celebrate the success of the Trion Empire." Everyone clapped their hands. "Like what we usually do every year, we are choosing ladies from the crowd. Anyone who will be chosen will stand here on the stage and will be auctioned for a dinner date."
Nilingon ko si Sancho na tahimik na nakatingin sa harap. As usual ay seryoso nanaman siya. I tried to look for Christian around but I can't find him.
"Hindi pa ba tayo uuwi?" tanong ko kay Sancho.
Tumingin siya sa akin saglit saka siya sumenyas sa aking gilid. Gardo walks to us. Nangunot ang noo ko.
"Get the car ready. We're going--"
"The first lady for tonight is Miss Janine Lopez." Agad akong Napalingon kay Sancho.
As if on cue, Janine walks up to the stagelooking so elegant and beautiful.
BINABASA MO ANG
Taming The Devil's Heart
Teen FictionAnna Eleanor Sanchez is sheltered inside their own house. She's not allowed to go out and to socialize with other person. Just one night, everything changed. Awoken by the chaos inside their house, she came up face-to-face with the ruthless man with...